Posted on

New Release for My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Wife for Sale

By Ingrid De La Torre

     Hindi si Sari ang babaeng pinangarap ni Chase na iharap sa altar at makasama habambuhay. Magaslaw ito, madaldal, mahilig magmura at panay ang habol sa kanya. Lalo pa siyang nainis sa babae dahil ito ang may kasalanan kung bakit kinailangan niya itong pakasalan.
     Pero kung bakit naman kung kailan balak na niya itong hiwalayan ay saka nagdalawang-isip si Chase. Hindi maalis-alis sa kanyang isip ang kaseksihan ng kanyang asawa.
     Tikman mo na kasi para matahimik ka na, susog sa kanya ng isang parte ng isip. Lalo mong inaayawan, lalo kang matatakam, pangungulit ng isang boses sa likod ng kanyang utak.

Love Waits

By Elise Estrella

     Ang sabi ng mga mommies nila na matalik na magkaibigan, nasa sinapupunan pa lang daw sila ng mga ito, best friends na rin sila. Sabay silang lumaki, pumasok sa school, at nagdalaga at nagbinata. Noong college lang sila nahiwalay dahil Mass Communications ang course ni Lizzie habang Fine Arts ang kinuha ni Bailey. Matagal na niya itong crush—kung magiging honest ang dalaga sa sarili, mula pa noong ma-realize niyang lalaki ito at babae siya.
     Pero isang pangyayari ang nagpabago ng buhay ng kanyang kaibigan. Bigla, hindi na ito iyong simple at mahiyaing best friend niya. Ibang babae na rin ang palaging katabi nito, at hindi siya.
     Lizzie had a bad feeling that she was going to lose her friend. And never in a million years would she ever be ready for it….

Love and Other Disasters

By Helene Del Mundo

     Ang tanging interes ni Katrina Lontoc sa opposite sex ay ang pagkakitaan ang mga ito. Erotica writer siya at iyon ang tanging bahagi ng buhay niya na may bahid ng ‘romance’. Pagkatapos, niligtas siya ni Andrew Magallanes mula sa malaking baha.
     Hindi niya nagugustuhan ang mga reaksyon niya sa presensya ng binata. Kapareho lang ng sa ibang lalaki ang isinasaad ng tingin na ibinibigay nito: You’re desirable and I want you. Pero habang iyong iba ay sinampal ni Katrina, si Andrew ay gusto niyang hilahin, halikan, at bigyan ng indecent proposal.
     Kung kalimutan muna kaya niya ang kanyang mga reservations at subukan ‘iyon’ kasama si Andrew? For research purposes lang naman….

Steal My Heart

By Anna Chavez

     Nakulong sila sa isang kuwartong may negative five degrees na temperatura, at isang paraan lang ang naisip ni Troy na puwede nilang gawin para hindi sila mamatay. Iyon ay subukang ilabas ang init ng kanilang mga katawan.
     Hindi na inosente si Macy para hindi malaman kung paano iyon gagawin, and she was so disgusted with the idea. Pero nang simulan ng binatang haplusin ang kanyang pisngi, nang maramdaman niya ang init ng hininga nito ay nakumbinsi siya. Lalo na nang maglapat na ang kanilang mga labi.
     Sa init ng mga halik ng binata ay hindi lang nakasiguro si Macy na makaka-survive siya sa lamig. Bigla ring may nagbalik sa kanyang alaala, na naging daan para ma-realize niya na mahirap pala talagang kalimutan ang unang halik, lalo na kung mararamdaman mong muli iyon sa parehong tao na nagbigay niyon sa iyo….

How to Win Him Back / Come back to Me

By Mari Calingayan / Dior Madrigal

How to Win Him Back

     Mark my word, Randal. I’ll win you back. Iyon ang desididong sabi ni Ellie sa isip. She was past the denial stage at natanggap na niya sa sarili na mahal pa rin niya ang dating nobyo.
     But he made it obvious he did not want to be burned by love again especially—make that, most especially—not with her….

Come Back to Me

     “I know exactly how desperately you tried to search for something you can call your own. Ngayon, ’eto na.” Huminga si Edward nang malalim. “Aim for the stars, Andy. Then, come back to me. I’ll wait for you here on earth.”
     Parang nalusaw ang kanyang puso. Pero kailangan pa rin niyang gawin ang dapat gawin. Hindi niya gustong maikasal sa binata dahil lamang sa moral obligation… o dahil compatible sila physically. She wanted real love from Edward—that, or nothing at all….

Fight for Love / My Beloved Enemy

By Dream Giban / Roma Nympha

Fight for Love

     “I don’t do commitments, baby. Don’t fall in love with me,” seryosong sabi ni Rigo. “I want you, heck, I’ve wanted you since that night we first met. But—”
     “Iba ang gusto sa mahal,” dugtong ni Carina sa nahuhulaan niyang sasabihin nito.
     He had just broken her heart. But Carina would be a greater fool if she would let him break her ego as well….

My Beloved Enemy

     Ginawa ni Jason na miserable ang buhay ni Anne Dianne noong mga bata pa sila. Labinlimang taon ang lumipas, muli silang nagkita. At ngayon, hindi na lang sila basta magkababata kundi soon-to-be husband and wife na rin. Mariin man ang pagtanggi niyang pakasalan ang binata, lumulukso ang kanyang puso sa tuwing nakikita ito.

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!