Posted on

New Release For Pink & Purple!

Want to read the story teasers?

Unrequited: The Devil’s Heart

By xxakanexx

     “Ganoon lang iyon? All the things you told me; those things you showed me…. you were just faking it all? How come, Yto? You acted as if you love me…”
     “Wala akong sinabing mahal kita.”
     “Oo! Oo na! Huwag mo nang ulitin kasi lalong lumalalim ’yong sugat! Yto, pagod na ako.”
     Bigla niya akong hinatak at niyakap. Bakit ba niya ginagawa ito sa akin? Okay na ako; I’m trying to move on, pero heto, nandito na naman siya.
     “Gusto ko nang maging masaya, Yto. Gusto ko nang makalimutan ka!” Humagulgol ako.
     Humigpit ang yakap niya sa akin. “Huwag ka nang umiyak,” alo niya.
     I shook my head. “It’s pathetic, Yto, but until I get over you, I will cry every night of my life…”
     Yumuko siya at hinagkan ako sa labi. I automatically closed my eyes. Hindi dapat, pero natagpuan ko ang sarili kong tinutugon ang kanyang halik gaya ng dati…

The JC Chronicles

By xxakanexx

     Palaging sinasabi ni Lexy sa sarili na isa sa mga araw na ito ay sisimulan na niya ang paglimot kay Jacinto Emilio, pero hindi naman niya basta magagawa iyon nang hindi niya ito iniiwasan. At hindi niya puwedeng basta na lang iwasan ang binata dahil matalik niya itong kaibigan.
     Ang hirap. Hindi siya makapagdesisyon. Malaking parte ng buhay niya ang mawawala sa sandaling lumayo siya kay Jacinto.
     Gusto pa rin ni Alexis na maging best friend ni Jacinto, pero tulad ng sinabi ng binata, hindi na sila puwedeng maging magkaibigan kung in love siya rito…

The Set-up Wedding 1

By AnanymouslyInLove

     It was a weird scheme. Pakana iyon ng pinsan ni Ellen na gusto lang siyang hanapan ng mapangangasawa para hindi na siya nito maging responsibilidad. Si Jude Castillo ang malas na naging biktima ng kalokohang iyon.
     Humantong iyon sa kasalan na hindi na niya nakuhang pigilan. Entangled in a set-up wedding, kailangang makuha ni Ellen ang loob ng asawa para hindi na ito maghiganti sa kanilang magpinsan.
     Uubra kaya kung magiging ulirang asawa si Ellen at umarte bilang diligent wife?

Frostbite

By MaryEuricaCarreon

     Rylai Crestfall is one of the best assassins of TheOrion. She’s trained to be as hard and cold as ice glaciers; as aggressive and unstoppable as an avalanche. Kaya laking gulat niya nang malamang wala siyang papatayin sa bago niyang misyon. Sa halip, ang order sa kanya ay makipaglapit sa neuroscientist na si Nessaj Alvano para ibigay nito ang isang importanteng formula.
     Madali lang ang misyon para kay Rylai. She has the face and body every man would die for. No man can turn her down. True enough, Nessaj is instantly smitten with her.
     Suddenly, they’re taking flirting to a whole new level. Everything feels right, kung hindi lang iisipin ni Rylai na hindi niya hawak ang kanyang buhay at damdamin.

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!