Posted on

New Release For My Special Valentine and Pink & Purple!

Want to read the story teasers?

The Playboy’s Nightmare

By Dior Madrigal

     Walang latoy ang buhay ni Alana. The only time she ever did something colorful or adventurous or scandalous was that one night in Paris. And lo and behold, habang-buhay niyang dala ang souvenir ng gabing iyon.
     Mula nang makita niya ang dalawang pulang linya sa pregnancy stick dalawang taon na ang nakakaraan, ilang senaryo ang naisip ni Alana na magiging pagkikita nila muli ng lalaking nakasama niya noon. Pero hindi kasali ang pagmi-meet nila ni Cade sa elevator. Para iyong joke na walang punchline.
     A playboy finding out he had a kid? Alana and her child must’ve looked like his worst nightmare….

Love Thy Neighbor

By Jade Anne Franco

     Pagkalipat pa lang ni Antoinette sa bago niyang uupahang apartment, binalaan na siya ng kanyang landlady ukol sa palikero niyang kapitbahay.
     Kaso masyadong palakaibigan si Nick sa kanya. Madalas siya nitong alukin ng tulong, kung hindi naman ay ayain siyang lumabas.
     At hindi lang naman ang bilin ng landlady ang dahilan kaya iniiwasan ni Antoinette ang binata. Hindi lang niya talaga maintindihan ang kakaibang kaba na nararamdaman niya sa tuwing makikita ang pinakaguwapong lalaking nakita niya. Ayaw niyang i-entertain kahit man lang sa isip ang pagdududang nagkaka-crush na siya rito.
     And Nick being so friendly and nice is not helping her case one bit….

Love Unexpected

By Elise Estrella

     Giselle had never been a quitter. Ngayon pa ba niya susukuan si Alex kung kailan natikman na niya ang halik nito?
     At alam niyang gusto siya ng binata. Pakipot lang ang mokong. Puwes, buti na lang at mahaba ang pasensya ni Giselle. Magaling din siyang mang-amo ng mga taong suplado at mailap.
     Isinusumpa ng dalaga, by hook or by crook, makukuha rin niya ang loob—sige na, pati na ang labas—nito, at matutupad na ang lahat ng mga pangarap ni Giselle mula pa noong bata siya at una niyang nalaman ang ibig sabihin ng salitang ‘crush’ nang makita niya si Alex.
     Kung hindi, talagang lalabas siya ng bahay at mag-aabang ng guwapo para ayaing mag-date, bago niya ibandera iyon sa harapan ni Alex. Tingnan lang niya kung sino ang unang magngitngit.

To Be with You

By Leira Carlos

     Unang pagkikita pa lang ni Veronica at ni Joshua, pakiramdam ng dalaga na ang binatang kasing- charming ni Prince Charming ang tipo ng lalaki na mamahalin niya habambuhay.
     She was right. Nang makilala niya ito nang lubusan, she fell head over heels in love with him. And he was just as crazy about her. So everything is peachy, right?
     Dahil sa hindi inaasahang dahilan, kinailangan niya itong hiwalayan. Four years later, she realized she had made a mistake.
     Pero paano kung sa halip na reconciliation ay closure ang hiling nito sa kanya sa muli nilang pagkikita?

The Dork Knight

By isay_pasaway

     Sa pananaw ni Kiel, isang magiting, mala-knight in shining armor na prinsipe ang bagay kay Tori Avellana, at hindi sa isang kagaya niyang boring nerd na 145 IQ lang ang bukod-tanging maipagmamalaki. Walang space para sa kanya sa buhay ng isang kagaya nito na mayaman, popular at parang fairy tale princess sa ganda. Kaya naman, sapat na sa kanya ang hangaan ang dalaga mula sa malayo.
     Pero mukhang may ibang inihandang plano ang tadhana. Dahil sa isang mamahaling cellphone at isang aksidente, magkakaroon si Kiel ng pagkakataong mapalapit sa kanyang Codename: Snow White, and who knows, baka higit pa sa pagiging tutor-tutee ang maging relasyon nila.
     Iyon ay kung mapipigilan niyang mautal at mapatunganga kada makakaharap si Tori.

In Love With My Enemy

By sweet_phoenix35

     Pakiramdam ni Theodore, attracted na siya sa kanyang kapwa junior game designer na si Rein. Ang malas lang, masungit sa kanya ang babae at isang kakompetensya ang tingin sa kanya—isang threat sa inaasam-asam nitong promotion.
     Kaya naman naisip ni Theo na kailangan niya ng diversion—isang tao na mag-aalis kay Rein sa isipan niya. At si Aparri iyon, ang kalaro niya sa online game na naging malapit na rin sa kanya at sobrang crush niya.
     Ganoon na lang ang kabiglaan ng binata nang madiskubre niya kung sino talaga si Aparri. Ito rin pala iyong masungit na babaeng gumugulo sa kanyang isip….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!