Posted on

New Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Beloved Abductor

By Michi Rei

     After being in show business for thirteen years, isa na lang ang gusto ni Asia Villegas, iyon ay ang mag-level up ang career at ma-conquer ang Hollywood. And now that her dream is within reach, isa namang walanghiyang kidnapper ang nagbabadyang sumira ng lahat ng kanyang mga pangarap.
     Gayunpaman, masyadong misteryoso ang naturang kidnapper. Hindi lang sinagip ng lalaki ang buhay niya, muntik na siyang mag-nosebleed dahil sa madalas nitong pagsasalita ng English.
     Napaisip tuloy siya kung sino talaga si Vaughn Rodriguez. Kung isa nga itong ordinaryong kidnapper na gusto lang ng pera niya, bakit pati puso ni Asia ay tila gusto ring kidnapin ng binata?

Curtain Call Of Hearts

By Mika Edelstann

     Paboritong empleyado ng theater/concert producer na si Dante Cantares si Eglantine— paboritong bulilyasuhin, that is. Pero tiniis iyon ni Eglantine dahil lahat naman ng mga pangangailangan niya—sahod na sandaang libo kada buwan, libreng tirahan saanmang lupalop ng mundo mapadpad, de-klaseng kagamitan—ay napasakanya. Lahat, maliban sa isang bagay: ang puso ni Dante, dahil masaya ito sa piling ng magandang-maganda at super-talented na aktres na siyang nobya nito.
     Isang umaga, dumating ang malas sa lalaki at nawala lahat—kabuhayan, kaibigan, at maging girlfriend. Dahil sa nangyari, naglaho rin ang kinasanayang karangyaan ni Eglantine kaya umuwi muna siya sa natitirang ari-arian: isang munting bahay-bakasyunan malapit sa dagat.
     Sa katabing maliit na cottage, kapitbahay na pala niya ngayon ang ex-millionaire at dating tinitingalang boss….

How Do You Fall In Love?

By Doreen Laroya

     It was just one night. It was just sex. Bryan wanted her and she just wanted to be rid of him. Lei didn’t expect that she’d enjoy their night and that she’d miss him after. Hindi rin niya inakalang may iiwan itong alaala sa kanya.
     Tinupad ni Bryan ang pangakong lulubayan siya pagkatapos ng gabing iyon. Lumayo ito at matagal na hindi nagparamdam sa kanya. Nang umuwi siya ng Mamburao, hindi niya inasahang makita muli ang binata. Nagulat din ito nang malamang nagkaanak sila. It would’ve been a perfect reunion, if not for the woman he was with, his fiancée.
     Totoo palang kung kailan wala na ang isang tao, saka lang malalaman ang halaga nito. Relate na relate si Lei roon. Dahil kung kailan tinanggap niya sa sariling mahal niya ang lalaking ilang ulit niyang itinaboy, saka naman may nagmamay-ari na ritong iba….

A Date With Miss Boring

By Dior Madrigal

     Kaswal na nag-jo-jogging si Ted nang mamataan ang isang babaeng nag-i-stretching. She has a curvy, toned body and beautiful ivory skin. Parang pang-SPG at hindi bagay sa umaga ang ginagawa nitong pagtuwad-tuwad habang nag-i-stretch sa gitna ng parke. Nakangising pinanood lang niya ito.
     Pagkatapos, mukhang naramdamang may nakatingin, biglang humarap ang babae kay Ted. At para na lang siyang estatwang napatanga sa sexy na estranghera.
     She is no other than Isadora Florencia Valderama, iyong date niya nang nakaraang gabi na tinawag niyang parang walang lasang crackers ang personality at puwedeng manalo ng Miss All-Time Bore-Me-To-Death award….

You Owe Me

By Monette Hernandez

     “Tutulungan kita on one condition: Be my lover, Cate.”
     Seven years ago, engaged to be married si Andrew sa kanyang Ate Nat, pero dahil sa kanyang kapangahasan, hindi natuloy ang kasal at ang pagme-merge ng kanilang mga kompanya.
     At ngayon, sila naman ang nangangailangan ng tulong ng lalaki. Ngunit hindi inakala ni Caitlin na ito ang hihilinging kondisyon ni Andrew.
     “You owe me,” anito.
     Batid ni Cate na tama ang lalaki. Kaya niyang ibigay ang kanyang katawan, ngunit paano ang kanyang pusong umiibig pa rin kay Andrew hanggang ngayon?

Entwined with You

Tagalog Version

By Sylvia Day

     Simula pa noong makilala ko si Gideon Cross, natagpuan ko sa kanya ang isang bagay na kailangan ko. Isang bagay na hindi ko kayang tanggihan. Nakita ko rin ang mapanganib at sugatang kaluluwa sa loob niya—katulad na katulad ng sa akin. Naakit ako roon. Kailangan ko siya kung paanong sigurado ako na kailangan kong tumibok ang aking puso.

     Walang sinumang nakakaalam kung gaano kalaki ang itinaya niya para sa akin. Kung gaano katindi ang naging banta sa akin, o kung gaano kadilim o kalubha aabot ang anino ng aming mga nakaraan.

     Ipinulupot ng aming mga sekreto, sinubukan naming gawin ang imposible. Gumawa kami ng sarili naming mga batas at lubusang sumuko sa napakatinding kapangyarihan ng pag-angkin….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!