Posted on

Pink & Purple Release!

Want to read the story teasers?

Crazy Love

By Mrs_Cupid

     Namatay ang kapatid ni Dominic dahil sa kagagawan ni Maximo Pacquito Di Maipinta at ng mga kasamahan nito sa frat. Para makapaghiganti, dinukot niya ang lalaki at ang nobya nitong si Sabrina Martha Cruz. Pero sa huling sandali, natauhan siya at minabuting palayain ang dalaga, imbis na gawan ng masama gaya ng orihinal niyang plano.
     Gayunpaman, simula nang gabing iyon, hindi na naalis sa isip ni Dominic si Sandy. Para tuloy siyang stalker na palaging nakamasid sa dalaga mula sa malayo. Ewan niya din kung bakit, pero parang bigla siyang nagkainteres sa nobya ng lalaking dahilan ng kamatayan ng kanyang kapatid.
     At wala iyon sa plano ni Dominic.

Cupid’s Fools (Part 1)

By pajama_addict

     “I have a proposal,” ani Aleph.
     “Don’t tell me gusto mo akong maging pseudo-girlfriend para pagselosin lang ’yung Monette mo?”
     “Oo, Ingrid. But in return, I’ll teach you Chem. And whoever made you want to kill Cupid will probably realize what he lost when he finds out that you got yourself a boyfriend.”
     I closed my eyes to think. I saw Calvin’s smile in my mind and anger gripped me again.
     Kailangan kong makaganti sa gagong ’yun! ’Tsura mo! Tingnan natin kung di ka magsisisi!
     “I want Monette to get jealous enough to want me back at sa tingin ko effective ’yung tandem nating dalawa kasi ayaw niya sa ’yo, kaya nagdodoble ang selos niya.”
     Hmm… may lalaki na akong p’wedeng ipamukha kay Calvin, may Chem tutor pa ako.
     “Do we have a deal?” untag ni Aleph.
     “Okay, deal,” I answered.
     “Good, because I already sent you the Relationship Status Request on FB even before you said yes.”

He Owns Me

By frosty_foxxy

     Nagising ako sa kakaibang sensasyong naramdaman ko. I was still a bit disoriented, but my consciousness started to work. Huling naalala ko, nagpapakalasing ako dahil sa kamatayan ng fiancé ko. Pero ngayon, ramdam kong nakahiga ako sa isang malambot na mattress. Pagkatapos, may mabigat na bagay na nakapatong sa tiyan at mga binti ko. I tried to get rid of it kasi hindi ako makahinga nang maayos, pero huminto sa ere ang mga kamay ko nang may mahagip akong mainit na balat.
     I immediately got alarmed. Sinubukan kong bumangon, pero ang higpit-higpit ng kapit sa akin ng kung sinumang yumayakap sa akin ngayon. Then, all of a sudden, I felt kisses on my bare shoulder. I shivered.
     Nervousness was eating me up. Where am I? And who is this person next to me?
     “Relax, it’s just me.”
     Napalingon agad ako sa katabi ko at nanginig sa takot.
     THE EFF! Who is this guy?!?

She Will Be Loved

By xxakanexx

     Laide Consunji grew up always getting what she wanted. Sa isang salita lang, puwede niyang makuha ang lahat ng bagay na iniaalok ng mundo. Being the Consunji princess that she is, she has the perfect life that every girl can only dream about.
     But despite of it all, she’s longing for something— someone, actually. A person she has always wanted but she could never have.
     Why?
     Because he’s married to someone else….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!