Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

The Prague Prince

By Doreen Laroya

     Praha Princ…
     The Prague Prince.
     Fairy tale na fairy tale ang dating. Pero hindi isang fairy tale castle ang pinagmamasdan ni Hope. Lalong hindi isang prinsipe. Isa iyong nightclub, isang crowded at maingay na nightclub.
     She was having the greatest night of her life. Hanggang sa maging agresibo ang lalaking kasayaw niya. Isang estranghero ang nagligtas sa kanya.
     Pero laking gulat niya nang makilala ito; it was him, ang lalaking pinagbintangan niyang inupahan ng daddy niya para magbantay sa kanya….

Boston Bride

By Monette Hernandez

     Six years ago, nagkakilala at nagkahulugan ng loob nila sa Boston. Kaunti man ang alam ni Andie kay Ben, alam niyang mahal niya ang binata kaya hindi siya tumanggi nang ayain siya nitong magpakasal at manatili pa roon nang dalawang taon.
     Pero isa iyong pagkakamali nang makilala niya ang mga magulang nito. Sa dami ng nalaman, hindi pala niya talaga kilala ang asawa. Ni hindi niya alam kung talaga bang pag-ibig ang dahilan kaya siya nito pinakasalan. Iniwan niya ito at nag-file ng divorce.
     Ngunit bumalik si Ben sa buhay niya after six years. This time, he was determined to have her back. Hindi nga lang sigurado ni Andie kung siya ba talaga ang gusto nito, o ang anak nilang anim na taon nitong hindi nakasama….

If You Could Read My Heart

By Elise Estrella

     Parang namuo sa sikmura ni Ella ang kinain niya nang malamang ang secret crush ni Carrick ang rason kung bakit gusto ng guwapong dyslexic na matutong magbasa.
     Ano ba ang inaasahan niya? Na magkakagusto sa kanya ang binata? Hindi mga nerd na English teachers ang kinababaliwan ng mga hunk na image models.
     Naiinis siya sa sarili dahil bumuo siya ng mga pantasya kaya heto, disappointed siya. Mabuti at sa simula pa lamang, natauhan na siya. Pera na lang ang habol niya ngayon. Tuturuan niyang magbasa si Carrick. Pagkatapos, bahala na ito sa love life nito. At siya, makakabayad siya ng mga bills sa isang buwan.
     Pero kahit ganoon, pakiramdam pa rin ni Ella ay masaklap ang buhay niya….

Rules In Speedy Love

By Darlene Bollon

     Dalawang buwan makalipas ang thirtieth birthday ni Byron, pilit na siyang pinag-aasawa ng tiyahin niya. Ito ang humahawak ng kanyang trust fund at ayon sa last will and testament ng kanyang mga magulang, kailangan na niyang lumagay sa tahimik bago iyon matanggap. Ngunit gusto muna niyang i-enjoy ang kanyang pagkabinata.
     Upang turuan ng leksyon para magtino siya, pilit siya nitong sinali sa isang speed dating event nang makahanap umano siya ng mapupusuan. Nakahanap naman siya ng interesante roon—si Anika Alfonso, ang may-ari ng kompanyang nag-organize ng event. Kaso hindi ito kasali sa mga babaeng pagpipilian niya at hindi rin ito interesado sa mga gaya niya….

This Time Forever

By Lyle Corinne

     Nang malaman ni Giane ang tungkol sa tunay niyang pagkatao, nilisan niya ang buhay na kinagisnan. Inisip niyang kailangan na niyang maghanap ng panibagong pagkatao. Isang binata ang nagbigay niyon sa kanya nang walang muwang siya nitong binansagang ‘Nympha’.
     Kalagitnaan noon ng tag-init, may namuong matamis na damdamin sa pagitan ng dalawa. Pero dahil kapwa sila mga bata pa, kaagad binawi ng tadhana ang panahong inakala nilang itinakda para sa kanila. Kinailangan nilang maghiwalay.
     Sa kanilang muling pagkikita pagkalipas ng mga taon, walang kasiguruhan kung magpapatuloy rin ang pag-iibigang naudlot noon. O kung sa pagkakataong iyon ba ay habambuhay na ang ipagkakaloob sa kanila….

You’re Still Mine

By Ammy Redrico-Ribay

     Mukhang hindi tumalab ang sumpa niya, iyon ang nabubuwisit na naisip ni Orange nang muli niyang makita ang ex-boyfriend na si Mateo. Pagkatapos siya nitong paluhain noon, isinumpa niya ito sa harap ng umiikot na washing machine habang magkahalong tumutulo ang luha at sipon niya sa bula. Kung anu-anong negatibo ang sinabi niya para sa walanghiya… ngunit bakit parang wala itong ipinagbago? Guwapo pa rin kahit impakto ito na nanakit sa puso niya!
     Pero mukhang kakailanganin niyang makipagbati sa binata dahil best friend nito ang bago niyang crush, at kailangan din niya ng padrino na maglalakad sa kanya sa bago niyang love. Mabuti na lang, pumayag si Mateo na maging tulay niya.
     Kaso hindi pala niya iyon dapat ikatuwa….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!