Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

The Devil’s Game

Daredevil Hotties (Book 1 of 3)

By Ingrid De La Torre

     Yuri Miyamoto was branded as the cold-hearted devil―stern and ruthless. Nakukuha niya ang lahat ng gusto at wala siyang pakialam sa damdamin ng iba. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya ang modelong si Tamika Samaniego. Ito ang tanging babaeng tumanggi sa kanya.
     Dahil na-challenge, kinulit niya nang kinulit ang dalaga. Willing siyang gawin ang lahat, mahulog lang ito sa kanya. They started playing games, pero siya rin ang nahulog sa sariling laro. Minahal niya ito at desidido siyang makuha hindi lang ang katawan ni Tammie kundi maging ang puso nito. Pero tila takot itong mahalin siya.
     Hanggang sa matuklasan niya ang koneksyon ni Tamika sa dati niyang konserbatibo at mukhang manang na nurse….

Dance With The Devil

Daredevil Hotties (Book 2 of 3)

By Ingrid De La Torre

     Fixing a broken heart ang drama ni Colton Lee nang dumating sa buhay niya si Ayana. Nakasuot ng pink bunny costume ang chubby na babae nang kumatok sa kanyang pinto, at buong tapang na nagdeklara ng pag-ibig sa kanya.
     Hindi niya iyon tinanggap, ngunit dahil sa guilt ay ginawa niyang goal sa buhay ang tulungan itong pumayat at mahanap ang lalaking nararapat para rito.
     Akala niya ay sapat na ang maging si Kupido slash gym instructor slash dietitian para rito, subalit bakit nang pumayat na ang dalaga at magpapakasal na ito ay tila hindi siya masaya? Then it hit him, mahal na niya si Ayana!
     Ngayon ay gagawin niya ang lahat para muling makuha ang pag-ibig ng babaeng bumihag sa sugatan niyang puso kesehodang guluhin niya ang engagement party nito.

Stalking The Devil

Daredevil Hotties (Book 3 of 3)

By Ingrid De La Torre

     Renowned international playboy Joe de Hugo was a non-committal guy. Para sa kanya, isang malaking playground lang ang buhay at ang mga babae ay nilikha upang maging playmates niya. He adored women except for one―si Cheyenne. Bakit ba mainit ang dugo niya sa dalaga?
     Cheyenne Gonzalo was Joe’s biggest fan. She was head over heels in love with him, kaya nang minsang magkrus ang landas nila ay hindi na niya ito tinantanan. She kept on following him around at nag-disguise pa siya bilang isang lalaki para lamang mapalapit sa binata.
     Hanggang kailan kaya niya panindigan ang pagpapanggap kung sa tuwing magkakalapit sila ni Joe ay matindi ang pagnanais niyang yakapin ito at pugpugin ng halik?

The Rich Widower

By Sefah Mil

     Dahil sa mababa nilang katayuan sa buhay, pangarap ng lola ni Rina na makapag-asawa siya ng mayaman. Sa isang unusual na lugar ay natagpuan nila iyon—sa sementeryo!
     At sa dinami-dami ng lalaking puwedeng mabiyudo sa mundo, ang guwapo at napakayamang surgeon pang si Dr. Gonzalo Dee ang nawalan ng asawa. Lola Dolor will not leave anything to chance! Tuturuan nito ang apo kung paano landiin ang nagdadalamhating doktor, gamit ang malalagkit na tingin at nakakaakit na ngiti.
     Pero papayag ba si Rina sa plano ng abuela gayong ninenerbyos siya kada makikita ang lalaki dahil sa natuklasang maitim na lihim ng dati nitong asawa?

Heiress In Love

By Nicole Valderrama

     Hindi mukhang pera si Joanne. Pero naisip niya, beneficial para sa kanilang dalawa ni Don Enrique Montgomery ang kasalang iyon. Iniiwasan nitong mapasakamay ng sakim na adoptive sister ang kayamanang iiwan nito, siya naman ay gustong bigyan ng mas maalwang buhay ang pamilya. Mula sa pagiging simpleng nurse, naging instant widow at heiress siya ng don.
     Ang tanging alalahanin niya, bukod sa hipag niyang si Vertilla na patuloy ang pang-ha-harass sa kanya dahil sa yamang ninakaw niya umano, ay ang kanyang pagtandang dalaga.
     Noon niya nakilala si Lorenz. Simpatiko ang binata at naging tagapagligtas niya sa ilang pagkakataon mula sa kapahamakan. Unti-unti, nahulog ang puso niya rito. Ngunit gayon na lang ang hinanakit ni Joanne nang matuklasan ang koneksyon nito sa kanyang evil sister-in-law….

A Gambler’s Love

By Joelle Madison

     Si Roma na yata ang pinakamasuwerteng babae pagdating sa sugalan. Tinaguriang ‘The Magician of Gamblers’, halos sa lahat yata ng sugal na sinalihan ay nanalo siya. Ngunit nang bumalik sa kanyang buhay ang kababatang si Errol ay nagbago na ang lahat. Ini-report nga siya nito sa eskuwelahang pinagtatrabahuhan niya, tinakot pa siya na hindi na makakabalik sa kanyang pagtuturo. Nagbanta ang binata na sasabihin nito sa kanyang ama-amahan ang tungkol pagsusugal niya kung hindi siya papayag sa nais nitong mangyari. Salamat naman at hindi katawan niya ang gustong kapalit ng hinayupak, kundi ang maging alila siya nito.
     Pero sa gaya niyang gambler at sanay nananalo, hindi niya uurungan ang buwisit na blackmailer. Gusto nito ng laro, puwes, sige lang!

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!