Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Scent Of Love

By Alexie Aragon

     “You’re comparing me to a mound of mud where your wheels had been stuck? That was a poor analogy!” angil ni Ina kay James.
     Bakit ba naniwala siyang bumalik ito sa buhay niya dahil mahal pa rin siya nito? At bakit siya naniwalang siya ang inspirasyon sa pagbuo ng pabangong 10.21, gayong October 20 ang birthday niya?
     Gaya noong maghiwalay sila nang teenager pa siya, hindi siya nakinig sa anumang paliwanag ng nobyo—na na-realize niyang isang senyales ng immaturity pa rin niya. Nang maintindihan ang pagkakamali, pinuntahan niya si James, pero determinado itong pahirapan siya.
     Armed with a little knowledge in the art of seduction, Ina used it to win him back….

Reckless Passion

By Dior Madrigal

     Even in her depressed and slightly drunk state, maliwanag kay Eva ang matinding atraksyong naramdaman para sa estranghero na nag-rescue sa kanya mula sa pagkakalugmok sa putikan sa ilalim ng ulan. Hindi pa siya nakaramdam nang ganoon kahit pa sa taksil niyang ex-fiancé. Nag-init ang mga pisngi niya nang padaanan nito ng titig ang kanyang basang katawan. Ang sumunod niyang nalaman, kinalimutan na niya ang pagiging Miss Goody Two-Shoes at walang alinlangang ibinigay ang sarili sa binata.
     She knows she probably made a horrible mistake. But this Damien stranger feels so warm and comforting….

Boyfriend For The Moment

By Betty Soler

     Playgirl? Queen of the mean? Sadist? Ilan lang iyon sa mga tawag kay Katherine Castillo dahil sa naging ugali niyang pagda-dump sa sinumang boyfriend niya eksaktong anim na buwan matapos niya itong sagutin. Pero may pinanggalingan ang hindi magandang ugali niyang iyon at hindi rin naman niya habambuhay iyong gagawin. Sa katunayan, six months na lang ay matatapos na ang sweet revenge niya. Isang biktima na lang, magseseryoso na siya sa pakikipagrelasyon.
     Saka niya nakilala si Simon Durante at biglang parang gustong magsisi ni Kath. Hindi niya yata kayang i-break din ang puso nito. Bakit ba kasi ngayon pa niya ito nakilala? Kung sana after six months na lang!

Sweet Lynette

By Sefah Mil

     Hindi makapaniwala si Lynette sa suwerteng dumating sa kanya. Isang napakalaking mansyon sa Ilocos ang kanyang first interior design project. Dapat daw pagandahin niyang maigi dahil magpapakasal na ang may-ari nitong si Mark Buenavidez sa kasintahan at doon maninirahan ang mga ito.
     But unexpectedly, sparks flew the instant Lynette and her client met. Kailangan ba niyang lumayo para labanan ang atraksyong iyon na noon pa lang niya naramdaman sa tanang buhay niya? What if she stayed and let love take its course?

Before I Fall

By Kylie Montiel

     Jamie will do anything to make sure her beloved best friend Vicki gets her hassle free happy ending with the man she set her up with. Para magawa iyon, kailangan niyang alisin ang mga posibleng distractions dito; una sa listahan ang bandmate nitong si Chase, na obvious ang pagkagusto sa kaibigan niya. Nagpanggap siyang tutulungan ang binata upang malaman kung may feelings ba para rito si Vicki, by pretending that something is going on between them. Hindi naging mahirap na kumbinsihin ang lalaki.
     Everything’s going smoothly, nababaling na ang atensyon ni Chase sa kanya. Ngunit isang araw ay na-realize ni Jamie na iba na ang nararamdaman niya para sa lalaki. She now seriously wants him for herself!

Beloved Angel

By Arianne Cole

     Galit na galit si Walker nang malaman ang tungkol sa maling balita na may karelasyon umano siyang isang babae na ni hindi niya kilala—isang dalagang nakatago lang sa alyas na ‘Miss Model No. 23’. Pinuntahan niya ang babae para sana komprontahin ito, pero ang sumunod niyang nalaman, nagpapanggap siyang driver ng service para sa photo shoot ng dalagang nag-aasam na maging modelo.
     Pagkatapos niyon, parang gusto na niyang hilingin na totoo ngang may relasyon sila ni Arabella Finnigan gaya ng napabalita….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!