Posted on

Release For My Special Valentine

Here are our new titles for My Special Valentine!

Release

Want to read the story teasers?

Previews

Accidentally In Love
Charisse Pamela

    Kung hindi nabangga ni Ynna si Joseph nang araw na iyon, siguro nakulong na siya. Papunta na siya sa bahay ng kanyang dating nobyo at nag-iisip nang gumawa ng krimen sa sobrang galit niya nang sumulpot sa harap ng kotse niya si Joseph at ang cute nitong aso. Nabundol niya ito, nasemento ang kanang braso and in a way, iniligtas siya ng binata mula sa bayolente niyang mga balak. Idagdag pang mabait ito at ubod ng guwapo, swak na swak itong pamalit sa nagtaksil niyang nobyo.
    Ngunit parang wala yatang malisya rito kahit si Ynna pa ang official tagabukas ng fly ng pantalon ni Joseph kada ji-jingle ito. Wala rin daw sa plano ng
kanyang instant knight-in-shining-armor na magkagusto sa isang babaeng gaya niya na mahilig sa miniskirt. Hindi niya tuloy alam ang gagawin sa hidden desire niya rito….

The Case Of The Black Lace Bikini
Doreen Laroya

    “I think you’ll look really sexy in those black bikinis you designed…” seryosong saad ni Rob kay Reese.
    “Nang-aasar ka ba?” she blurted out.
    Tama ang dalaga, gusto lang talaga niya itong inisin. Masakit pa rin ang pride niya hanggang ngayon matapos siya nitong bigyan ng right hook noong unang araw na nagkakilala sila. Isa pa, alam niyang hindi papayag ang dalagang designer na walang fashion sense na magmodelo ng seductive negligees para sa promotional materials ng kompanya, lalo pa at siya mismo ang kukuha ng mga larawan nito.
    Pero nabigla si Rob nang kagatin ni Reese ang hamon niya. At saka niya na-realize na siya ang talo sa round na iyon nang ilang araw na matapos ang photo shoot ay hindi pa rin nawawala sa isip niya ang anyo ng dalaga habang suot ang sexy black lace bikini….

Isang Kahapon, Isang Ikaw
Aira Felicity

     She is over Jake, iyon ang akala ni Lucy kaya panatag siyang bumalik sa Pilipinas para sa isang family affair. Pero mali siya dahil sa isang painting lang pala magsisimula ang muling pagkatuliro ng isip at puso niya—na nakita niyang tinititigan ni Jake Cervantes sa Museo ng San Rafael. Who will not be confused? Ang painting na iyon ay may kalakip na espesyal na alaala nilang dalawa.
     Mas nakakagulat ang mga sumunod niyang natuklasan tungkol sa minahal at iniwan niyang playboy: hindi kapani-paniwala pero mukhang totoo nga na mahal siya nito.
     Ngunit hindi ganoon kadaling burahin ang nilikhang pagbabago ng mga nagdaang taon sa buhay niya. Hindi niya basta magagawang bumalik sa mga bisig ni Jake, kahit pa napagtanto niyang ito pa rin ang kahulugan ng pag-ibig para sa kanya….

Pretend Fiancée
Monica Bautista

     Para kay Ringo Almosal, assistant editor ng publishing company ng mga romance pocketbooks, it is not an issue of whether the fabled ‘Prince Charming’ exists or not. Paki ba niya? Hindi siya ilusyonada para isiping babagay siya sa prinsipeng iyon, totoo man o imaginary. Taliwas kasi sa mga sexy, fiery, and heartbreakingly beautiful heroines ng mga kuwentong ini-edit niya, hindi siya kagandahan. Clumsy pa siya.
     Kaya nang napasilip—literally—si Crispin Valmar sa buhay niya, she’s careful not to get too close… nor to get her hopes up.
     Yet fate, Cris, and his grandmother’s pet cat apparently have other ideas. Nagulat na lang si Ringo, pretend fiancée na siya ng lalaki. No big deal sana dahil may hinihingi rin naman siyang pabor mula rito. But then she finds herself foolishly wishing na totoo ang engagement nila ng binata….

Follow Your Heart
Jean Mae Oryza

     Natural lang na makipag-break ang isang babae sa isang lalaki kapag hindi niya na ito gusto. Ang hindi natural ay ang makipag-break sa isang lalaking ni hindi mo boyfriend—na siyang nangyari kay Cat. Tahasan siyang nakipaghiwalay kay Japhet Falcon noong mga bata pa sila.
     At ngayong ikakasal na ang papa niya ay gustong kunin ng future stepmom niya ang serbisyo ng lalaki bilang wedding photographer. Sa kagustuhang maibalik ang amor ng ama sa kanya, pikit-matang nagboluntaryo siyang hanapin ang nagtatagong lalaki. Kasabay ng pagdarasal na sana ay hindi na siya naaalala pa nito.
     Pero mukhang kailangang pikit-mata rin niyang titiisin ang kahihiyang iyon. Dahil isang malaking katibayan ang nakalolokong ngiti nito habang tinititigan siya.
     “Paano kung tumanggi ako? Makikipaghiwalay ka ba ulit?” nang-iinis na tanong nito.
     Sana ay naging invisible girl na lang siya….

Laging Naroon Ka
Charlotte Dianco

     Sa iba kasi, simple lang ang ibig sabihin ng best friend. Pero para kay Allie, mas malalim pa iyon. Marami siyang good memories kasama si JR. Simula pagkabata hanggang high school, sa lahat ng makukulay na sandali ng buhay niya, naroroon ang kaibigan. At kahit nasaktan pa siya noong nagkahiwalay sila fifteen years ago, hindi niyon kayang burahin ang kanilang magandang pinagsamahan. Mayroon silang sariling mundo, at hindi niya kayang buksan iyon o i-share sa ibang tao—kahit sa sarili niyang boyfriend.
     At ngayong muli silang nagkita at parang hindi na ito ang JR na kilala niya noon, sa dami ng sinesekreto nito sa kanya, hindi niya ito kayang tanggihan. Ganoon kaimportante ang kaibigan para kay Allie.
     O kaibigan lang nga ba? Bakit pati mga halik ng binata hindi niya rin matanggihan?

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!