Posted on

Release For May-June

Here is our May-June titles for My Special Valentine!
Release For May-June 2008
Want to read the story teasers?

Previews

Be My Girl
Lorry Virgo

     Ganoon na lang ang panghihinayang ni Regina nang malaman ang tunay na dahilan ng pakikipaglapit sa kanya ni Ralph: nagpapalakad ito para makaporma sa kaibigan niya. Kung hindi ba naman napaka-naughty ni Mr. Fate, siya pa ngayon ang magiging tulay ng ultimate crush niyang binata sa babaeng gusto nitong ligawan! Ang saklap!
     Kunsabagay, asa pa siya. Her looks were too simple para siya mismo ang pagtuunan ng admiration ng star player ng soccer team ng school nila.
     Tinanggap na lang niya ang kapalaran na ‘shoulder to cry on’ lang ang papel niya sa buhay ng binata. And then something happened. At ang huling nalaman ni Reggie, hinahagkan siya ni Ralph bilang parusa sa inakala nitong ginawa niyang ‘panunulot’ sa babaeng gusto nito….

The Marriage Spell
Nicole Stephanie

     Hindi matagalan Casey ang pagkakasolo nila ni Tim sa isang silid. Pinalala pa ng malagkit na titig nito ang pagkailang niya.
    &nbspNag-init ang mga pisngi niya. “I… I think we should go. Baka hinahanap na tayo nina Mama. Iba na ang sitwasyon ngayon. Hindi na tayo mag-kaibigan.”
     He chuckled. “Why would they look for us? Hindi na tayo magkaibigan lang, that’s right. Dahil mag-asawa na tayo,” mariing sagot nito.
     Casey was not sure if it was something that she should be happy about. Batid nila pareho na naroon sila sa sitwasyong iyon dahil lamang sa kagustuhan ng mga magulang nila….

Twice A Bride
Mari Calingayan

     Dahil sa kahihiyan sa ginawa niyang pag-atras sa sariling kasal, minabuti ni Chelsea na magtago sa isang beach. Ang balak niya ay tulungan ang sariling kalimutan ang panloloko ng lalaking muntik na niyang pakasalan.
     In the beach, she found the perfect diversion–ang hunk na si Russel Dizon. And for the first time in her life, she found herself very much attracted to a man. Nalimutan niya ang tungkol sa di-natuloy na kasal dahil dito. Pero mukhang immune ito sa magaganda at sexy na katulad niya. Deadma ito sa mga pagpapapungay niya ng mga mata.
     Napahiya man, hindi sumuko si Chelsea. Hah! She would make sure he would notice her. Pero hindi niya ito bibigyan ng pagkakataong makalapit.
     Isinuot niya ang pinaka-sexy swimsuit niya and officially declared their war on….

Hindi Maitatago Ang Pag-ibig
Karen Emmanuelle

     Sumikdo ang dibdib ni Denise nang makitang pababa sa kanya ang mukha ni Randall. Lihim na nagtalo ang loob niya. Should she let him kiss her, or should she push him away? Halos magdidikit na ang kanilang mga labi nang manaig ang sigaw ng kanyang isipan at naitulak niya ang lalaki.
     “I have to go. Good night, Randall!” Iniwan niya ito at itinago ang luhang umaagos sa kanyang mga pisngi.
     Masakit talikuran ang katotohanang umiibig sila ng binata sa isa’t isa, pero hindi sila puwede. Kahit kailan, walang magiging magandang bukas ang kanilang pag-ibig dahil hindi magiging siya si Leah Samonte–ang babaeng itinakda ng kasunduan para pakasalan ni Randall Madrigal….

When Love Happens
Hannah Wabe

     Tanggap ni Cara na malas siya pagdating sa pag-ibig. Still, she desperately wanted to believe that there was really someone out there for her–she just had to find him. Pero pakiwari niya, isa iyong malaking impossibility.
     Kung kailan naman nakumbinsi na niya ang sarili that she was meant to be alone, muling nagkrus ang landas nila ni Architect Eric Del Fierro. Parang may kung anong kakaibang chemistry sa pagitan nila. She knew in her heart she was in love with him.
     But finding perfect love was not that easy, especially sa sitwasyon nila kung saan thirteen years ang age gap nila ni Eric. And thirteen is supposedly an unlucky number….

A Stranger’s Proposal
Olivia Ray

     “Mahal kita…” Sa wakas, nagawa rin ni Rachael na ilabas ang damdaming pumupuno sa dibdib niya.
     Napatigil si John sa paglalakad; hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. Nawala ang galit sa mga mata nito ngunit ang pumalit ay kalungkutan. “I admit that you’re the first woman who managed to get past my defenses. Ikaw ang kauna-unahang babaeng nagpasaya sa akin. Ikaw lang. But I just can’t risk it, Rachael. Not even for you.”
     Sa puntong iyon, malinaw na para kay Rachael ang lahat. Although they were married, it was all for convenience. He was incapable of loving, dahil na rin sa mga naranasan nito sa buhay noon.
     Gusto na sana niyang tanggapin ang pagkatalo, pero ayaw pumayag ng puso niya….

In Love With Mr. Wrong
Terri Dizon

     Ang constant date niyang si Todd Valeriano ang talagang gusto ni Audrey. Ito ang tipo niyang lalaki–disente, clean-looking, a real gentleman. Kaya naman hindi niya maintindihan kung bakit walang sinuman sa kanyang mga kaibigan ang boto rito para maging nobyo niya. Sa halip, pilit inirereto sa kanya ng mga ito si Will Falcon. At hindi niya masakyan ang mga ito dahil para sa kanya, Will was the exact opposite of her dream man. He was rugged, dark and reckless. Plus, he was annoying, walang hiya at napakapresko.
     Yeah, Will was not Audrey’s type. Pero bakit dito niya sinuko ang sarili sa halip na kay Todd?

Passionate Encounter
Sharon Rose

     Pagdating sa amang si Menandro, tila bato na ang puso ni Yelena. Saksi siya sa paghihirap ng ina dahil sa ginawa ng amang pagtataksil dito, hanggang nga sa mamatay ang babae sa sakit na cancer.
     Umuwi man siya sa bayang sinilangan, malayo pa rin sa isip niyang patawarin ang ama. Ang tanging rason kaya siya naroon ay upang lalo itong pasakitan. Nais niyang pagdusahin ito sa lahat ng ginawa nito sa kanilang mag-ina.
     Pero hindi naging madali para sa kanya na gawin iyon. Sa tuwina kasi, naroon si Drix na mistulang tagapagtanggol ng ama niya. He was intent on melting Yelena’s heart of stone. At kung hindi siya kayang kumbinsihin ng mga salita nito, his searing kisses would….

Magpakailanman
Monica Jamer

     Hindi inakala ni Angela na muli silang magkikita ni Gian–ang unang lalaking minahal ng puso niya. At sa ganoon pang pagkakataon. Kasabay ng kamatayan ng kanyang asawang si Sherwin, natuklasan niya ang kataksilan nito. Ang mas nakakabigla, pinsan pala ni Gian ang other woman ng yumaong asawa at ngayon, dumating ang lalaki para sabihin na sa kanya ibinilin ang anak ni Sherwin at ng babae nito.
     With all the painful circumstances that brought them together, may puwang pa ba para sa naudlot nilang pagmamahalan noon? Pero kung noong mga bata pa sila at wala siyang emotional baggage ay hindi siya ang minahal nito, lalong hindi makakasiguro si Angela na tutugunin ni Gian ang pagtingin niya ngayon….

Part-time Lover
Mariflor Jose

     For Marcus, Camille was a big challenge. At his age, alam niya ang epekto niya sa mga babae–he could make them swoon with a smile and fall for him with just a wink. Pero iba ang dalaga. She was so aloof and he needed to pull a stunt para lamang makuha ang atensyon nito. Still, she was one tough cookie to break.
     Had he lost his touch? O wala lang talaga siyang dating para kay Camille?
     Well, anuman ang rason, hindi siya ang tipong agad sumusuko. He promised he would have her kahit magmukha pa siyang engot at mag-pose as temporary boyfriend nito.
     Yes, he would have her… kahit pansamantala lang.

Kapag Ako Ay Nagmahal
Ianne Lei Lauren

     Sarah almost had it all–beauty, brains, success, money. Isa siyang in-demand international model na laging laman ng mga fashion magazines sa buong mundo.
     Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, hindi siya ang perpektong imahe na nakikita ng madla. She was always unwanted. Bata pa lang siya ay iniwan na siya ng kanyang ina nang maaga itong mamatay. Her father only saw her as an unwanted obligation. And Troy, the only man who captured her heart since they were young, ay hindi siya kailanman pinagukulan ng pansin. Nang magpakita naman ito ng interes sa kanya, tahasan nitong inamin na hindi kasama ang puso at pag-ibig sa relasyon nila….

Foolish Hearts
Yumi Sagara

     Kailangang isakripisyo ni Phoebe ang pansariling kaligayahan para sa kanyang kapatid. She gave up Miggy so he can marry Nikka. It hurt like hell. Hindi na niya nakuha pang umibig muli, kahit pa sa guwapong dentist na si Travis Gerona. Binasted niya ito sa kabila ng matinding panunuyo sa kanya.
     That was three years ago. Ngayon ay napipintong hiwalayan ni Miggy si Nikka nang dahil pa rin sa kanya. Ayon dito, he never stopped loving her, pero ayaw niyang saktan si Nikka na labis na nagmamahal sa lalaki. And so she agreed to marry Travis, labag man sa loob niya.
     Ang hindi inaasahan ni Phoebe, napamahal sa kanya ang asawa. Too bad, wala na sa puso nito ang pagtingin sa kanya noon. Pinakasalan lang siya ni Travis dahil sa mamanahin sa lolo nito….