Posted on

New Release for My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Love by Accident

By Elise Estrella

     Nagising si Madeline sa ospital at napansin ang estrangherong nagbabantay sa kanya. Nagpakilala si Reid bilang iyong may-ari ng SUV na nakabanggaan niya. Kahit aminado si Madeline na siya ang may kasalanan kaya nagka-paralysis ang lower extremities niya, hindi siya sinisi ng lalaki. Sa halip, nagpilit itong bantayan siya at samahan habang nagpapagaling.
     Bukod sa sobrang bait, napakaguwapo rin ni Reid. And she didn’t know how to protect her heart from falling for him….

Fiancée by Mistake

By Jasmine Han

     Inakala ni Piper na magiging madali lang ang favor na hiningi ng kanyang kakambal. Ilang beses na rin naman nilang nagawa na magpanggap bilang isa’t isa kaya kahit naiinis sa kapatid, medyo kumpiyansa siya na magagawa niya ang misyon. Madali niyang napasok ang pinakamagandang suite sa hotel na iyon, nabuksan ang laptop na nasa ibabaw ng kama.
     Pero ganoon na lang ang gulat ng dalaga nang lumabas mula sa banyo ang isang lalaking nakatapis lang ng tuwalya. It turned out it was the right suite, but the wrong person.
     Ang sumunod na nalaman ni Piper, kalat na ang balita sa eskuwelahang pinagtuturuan niya na fiancée siya ni Rocco Sevilla….

Kissed by an Angel

By Anna Chavez

     Hindi makapaniwala si Angel nang alukin siya ng isang talent manager ng importanteng role sa isang palabas. Iyon nga lang, hindi iyon sa TV o sa pelikula, kundi sa tunay na buhay. Ang papel na gagampanan niya? Love interest ni Nate Quesada, ang non-showbiz secret boyfriend ng isang phenomenal rising star.
     Panggulo kasi ang tingin kay Nate ng mga fans ng itinuturing na love team of the year, kaya para hindi maapektuhan ang kasikatan niyon ay kailangang i-divert ang hinala ng publiko sa tunay na kaugnayan nito sa dalagang artista.
     Sa tingin pa lang, alam na ni Angel na hindi magiging madali ang lahat lalo’t halata niyang napipilitan lang si Nate na umarteng interesado sa kanya.

Always Been Yours

By Nina Sebastian

     Gusto ni Natalie Javier na maging CEO ng kompanyang pag-aari ng kanyang pamilya. Pero may guwapo, mayaman at ubod ng yabang na hadlang sa pangarap niya, si Dylan Alonzo. Dahil sa fifty-three percent shares nito sa kompanya ay nasa lalaki ang lahat ng kapangyarihan para pigilan siya.
     Dylan knew Natalie well. In fact, to say that they have a history is an understatement. Sa isip ng binata, ugali na niyang basta na lang iwan ang isang bagay, gaya ng ginawa niya rito five years ago. Kaya hindi siya nito pagbibigyan na maging CEO ng NatGen.
     Kailangang patunayan ni Natalie na deserving siya sa chairmanship ng nabanggit na kompanya. And also, of Dylan Alonzo’s heart….

Desiring Sebastian

By Emmanuelle Braza

     “Forget the plan,” sabi ni Sebastian. “Kalimutan mo na lahat ng napagkasunduan natin.”
     “Ano’ng ibig mong sabihin?”
     “You don’t have to give yourself to me. Hindi mo na rin kailangang maging parte ng mga plano ko sa paghihiwalay kina Dominic at Arabella. You’re free.”
     “Pa’no ’yung utang ko sa ’yo?”
     “Consider it a donation.” Umalis ito pagkatapos.
     Margaret should be happy she didn’t have to pay him back. Intact pa ang virginity niya at wala siyang kailangang sirain na pagsasama. Pero wala siyang makapa na kasiyahan sa puso. Sa halip, tanging pagkadismaya lang ang kanyang nararamdaman.
     Damn her! She still wanted to do the deed with him.

Forbidden

By Jhoie Poblete

     Nakilala ni Justin si Reema minsang maabutan niya ito na nagpapakalasing sa bar. Nagkakuwentuhan sila, nagkahingahan ng mga hinaing sa buhay… hanggang sa nauwi sila sa kama.
     Hindi rin alam ni Justin kung ano ang mayroon sa dalaga at hindi na ito naalis sa isip niya mula noon. Hindi dahil sa nangyari sa kanila, basta gusto niyang maging permanenteng bahagi ng kanyang buhay si Reema.
     Pero hindi sila puwede. Hindi lang dahil hindi ito magugustuhan ng pamilya niya, o nag-aalala si Justin sa sasabihin ng ibang tao. Hindi sila puwede, kasi mismong si Reema ay hindi naniniwalang kaya itong mahalin ng isang tulad niya.

With this Fling

By Elise Estrella

     “Have you ever dated a younger man?” tanong ni Zeus kay Izzy bago pa siya mawalan ng lakas ng loob.
     “’Know what? I’ve never considered it before but now that I think about it, yeah, I guess I would.” Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Pero bago pa siya tuluyang umasa, idinugtong ng dalaga, “Kaya lang wala na kasi ako sa point ng buhay ko na gusto kong makipag-date. Dating leads to relationships and relationships are hard. I’m not very good with them. I have this bad habit of making my boyfriend the least of my priorities. ’Yun yata ang dahilan kung bakit single pa rin ako hanggang ngayon.”
     Tsk. Wala pa man, basted na siya? Sigurado si Zeus na sa isip ni Izzy, kaibigan lang siya nito. Hindi pa nakatulong na mas bata siya kaysa sa dalaga.
     Pero di bale na. Makakaporma rin siya. Zeus wants her and he will do everything to get her.

Be Your Everything

By Arabella Mora

     Who would have thought that in just one night, everything could change? Well, hindi siguro lahat, pero halos lahat. Para kay Pauline, iyong napakaiksing panahon na iyon ang naging turning point ng kanyang buhay.
     She was heartbroken, but something happened that took all the pain away. Bonus pa ang pagkakaroon niya ng connection sa lalaking crush niya lamang noong una. Naging magkaibigan sila… hanggang sa nangyari nga ang gabing iyon.
     Adam said he wanted more, pero hindi sigurado si Pauline kung iyon din ang gusto niya. Masyadong magulo ang kanyang isipan at natatakot siya sa posibilidad na muling masaktan….

Miss Unlabeled

By Lara Madrid

     Hindi makapaniwala si Joy nang makita ang lalaking nakilala niya sa Hypermart sa lilipatan niyang opisina. Sa totoo lang, hindi siya ang tipo ng babae na basta-basta nadadala sa guwapo at charming na lalaki. Pero ngayon, ewan niya.
     They are attracted to each other. Unang pagkikita pa lang, hindi na iyon maitatanggi. But she doesn’t know how to deal with him yet. As much as possible, ayaw niya ng involvement at complication.
     Hanggang sa napigtas na ang kontrol nila, at naging tapat na lang si Joy sa sarili sa kung ano talaga ang gusto niya.
     No strings attached. Unlabeled. Iyon ang napagkasunduan nila. Hahayaan na lang nilang tangayin sila ng attraction para sa isa’t isa kung saanman sila niyon dalhin….

Nowhere Girl

By Sefah Mil

     Naninirahan si Erina sa isang abandonadong bayan at nabubuhay ang kanilang pamilya sa pagbebenta ng kung anu-anong scrap. Inaasahan na niyang siya ay tatanda at mamamatay roon sa maliit na mundong iyon.
     Pero nagbago ang lahat nang isang araw ay iuwi ng notorious niyang ama ang isang kinarnap nitong kotse sakay ang binatang si Duncan na balak nitong ipapatay sa kanyang kuya. Naawa si Erina sa lalaki at sa girlfriend nitong si Elena, kaya nagdesisyon siyang tulungan ang mga ito na makatakas.
     Ang problema, hindi si Elena ang nahila ni Duncan sa pagtakas nito kundi siya.

Retentive Heart

By Alexie Aragon

     Para kay Bea, maayos at maligaya ang pagsasama nila ni Nathan bilang mag-asawa kahit produkto sila ng arranged marriage. Until one day, she discovered his secret—patuloy pa rin ang relasyon ni Nathan sa ex-girlfriend nito at nagkaanak pa yata ang dalawa!
     Pagkatapos ng kanilang komprontasyon, naaksidente at nagka-amnesia si Nathan.
     Sabihin nang masama ang ugali niya, walang pakialam si Bea. Mas gugustuhin niyang huwag nang gumaling sa amnesia ang kanyang asawa para masolo niya ang pagmamahal nito.
     Nakakalungkot lang, nakalimot man ang isip, natatandaan pa rin ng puso kung sino ang tunay nitong minamahal….

Broken Melody

By Mitch Francisco

     Umalis ng Guimaras si Mariku nang magkasakit ang kanyang ama. Nangako siyang babalik sa susunod na tag-araw, pero dahil sa pagkamatay nito ay hindi na niya iyon natupad.
     Naabot man ni Mariku ang pangarap na maging concert pianist ay hindi nawala ang hangarin niyang muling makita ang lalaking tanging inawit ng kanyang batang puso. After ten years, they did meet again. Pero kung kailan niya ito sinagot, saka naman biglang naglahong parang bula ang binata.
     Now the song in her heart is just a broken melody.

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!