Posted on

New Pink & Purple Release!

Want to read the story teasers?

Paperplane Girl

By Autumn Castillo

     Sabi ng iba, para raw palaso ni Kupido ang boses ni Eustace del Santiago na tumatama sa mga puso ng milyong babae na nakarinig nito. Pero ang personal na alam niya, ang kanyang boses at kanta ay para lamang sa isang tao.
     Alam ni Eustace na walong taong gulang pa lang siya ay may nagpatibok na sa kanyang puso, at inilaan niya ang mga taon sa paghihintay at pag-alala sa memorya ng batang iyon.
     Samantala, hindi pinangarap ng tagapagmana ng leading musical instruments shop sa Pilipinas na maging bingi. Heidi’s life, too, was built under music, and to wake up one day deaf to all music and voice was her greatest loss. At paano niya mahahanap ang lalaking minahal na niya mula noong anim na taong gulang siya kung ang tanging pagkakakilanlan niya rito ay ang boses nito?

Timeless Love

By Jackie Yamamoto

     Sarah married for love. Sa edad na labimpito ay natagpuan na niya ang lalaking nais niyang makasama habambuhay. But married life was not easy, at ngayong limang taon na silang kasal ni James, dumarating sa kanya ang mga pagdududa.
     I’m happy, sinasabi niya sa sarili. Ngunit nang ikalima nilang anibersaryo ay nag-away sila at sa tindi ng kanyang galit, nahiling ni Sarah na sana ay bumalik ang oras sa panahong hindi niya pa nakilala ang asawa. She heard her mother’s voice and she woke up in her old room. She was seventeen again; natupad ang hiling niya.
     Susubukan niyang hanapin ang kaligayahan sa buhay nang wala si James. Kakayanin niya kaya?

Five Days to Fall in Love

By Ella Gualvez

     Yes. Naiintindihan ni Vivian kung bakit maraming may crush kay Alexis Concepcion. Sa hitsura nitong parang Greek god, normal lang para sa isang kaedad niya ang magkagusto rito. Pero hindi siguro siya kasali sa mga nasa kategorya ng ‘normal’, lalo pa dahil bilang tutor ng binata, alam na alam niya na understatement ang tawagin ang kaklase na ‘slow’.
     Pero di-sinasadya, nalaman ni Vivian ang sikreto ni Alex at binura niyon sa isip niya ang lahat ng kanyang prejudice tungkol sa mga cool campus heartthrobs.
     At sa loob lang ng limang araw, na-realize ng dalaga na hindi imposibleng mahalin ito ng kahit sino….

The Diary

By Donatela Monzon

     Sa tuwina, nagpapalipas ng sama ng loob si Angelique sa pagbabasa ng diary na napulot niya sa school. Kapag binabasa niya ang mga pahina niyon, nakakadama siya ng paggaan ng damdamin. Nagsilbi na iyong parang pain reliever sa kanya.
     Sa tulong ng isa niyang kaibigan, palihim nilang hinanap ang may-ari ng diary na kahit hindi niya kilala ay nagustuhan na niya. Kaya nga nagsulat na rin siya sa mga pahina roon ng damdamin niya para sa may-ari.
     Pero sino nga kaya ang may-ari ng diary? Kilala kaya niya? Dalawa lang ang pinaghihinalaan niya: puwedeng si Mark na crush niya, o ang kaibigan niyang si Jayson….

Maby’s Knight

By Mary Loreta

     Six years ago, na-realize ni Maby na hindi na simpleng crush ang nararamdaman niya para kay Knight, kaya lakas-loob siyang nagtapat ng damdamin sa binata. Sa kamalasan, may nobya na pala ito kaya nabasted siya.
     Sa loob ng anim na taon, nagawa naman ni Maby na mag-move on kahit sa isip ay naroon pa rin ang sakit at kahihiyang dinanas niya noon. Mukhang kaya na rin niyang magmahal ng ibang lalaki.
     Pero biglang naroon na ulit si Knight sa buhay niya. At sa pagkakataong iyon, parang interesado ito sa kanya dahil panay ang aya na lumabas sila.
     Kaso natuto na si Maby sa karanasan noong high school at wala siyang balak mabiktima ng maling akala.

Lucky Seven

By Eunice Xyra

     Ipinanganak na malas si Seventina Dimaguiba. Malas siya sa trabaho, sa kaibigan, sa pera, sa lalaki, sa amo, sa lotto, sa jeep, sa ulan, sa putik, at sa kahit na ano. Malas siya sa lahat!
     Then, she met Lucky—ang lalaking sumalo na yata sa lahat ng suwerte sa mundo. Suwerte sa trabaho, sa pera, sa good looks, sa katalinuhan, at lalong-lalo na sa mga chicks! Kaya naman abot hanggang kabilang buhay ang inggit niya sa ungas.
     What happens when Miss Malas meets Mr. Suwerte? Eh, di World War III! Lalo pa’t nuknukan ng yabang at antipatiko si Lucky.
     Hindi sigurado si Seven kung ano ang nangyari, pero namalayan na lang niyang mahal na niya ang sinusuwerteng lalaki.
     Malas niya lang.

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!