Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Romancing Robin Woods

Once Upon A Kiss (Book 1 of 4)

By Eunice Xyra

     Liezel De Calibre is out in the woods to save a life—her carefree and luxurious life. Flipping her long red hair, nilakad niya ang gubat papunta sa eccentric mansion ng lola niyang walang ginawa kundi kontrolin ang buhay niya.
     Sa hitsura niyang iyon, tiyak na kahit ang fox na nagtangkang lamutakin si Little Red Riding Hood ay mabibighani sa kagandahan niya. Pero hindi si Robin.
     Imbis na mabighani ay nagawa pa siya nitong insultuhin at iwan sa gitna ng gubat. But a De Calibre doesn’t take ‘no’ for an answer. She’ll make him want her, too. Kahit pa magmukha siyang tanga sa panliligaw rito.

Beauty And The Beastly

Once Upon A Kiss (Book 2 of 4)

By Eunice Xyra

     “And if I don’t agree?” Humalukipkip si Cadbury pagkarinig sa suhestyon ni Arty na tulungan niya ito para magkabalikan ang ate niya at ang pinsan nito.
     “I’ll tell them what happened to us in that trap island.”
     Biglang sumulak ang dugo sa ulo niya, dahilan upang magkulay-mansanas ang kanyang mukha. Kung sa hiya iyon o dahil sa sobrang galit ay hindi na niya alam.
     “T-that’s blackmail!” asik niya.
     “Yes, it is,” seryosong hayag ng binata.
     Nanghihinang napaupo siya sa kalapit na silya. “Ano ang kailangan nating gawin?”
     “Be my girl.”
     Muntik nang lumabas ang eyeballs niya sa sobrang gulat.
     Siya, magiging girlfriend ng lalaking ito?
     No way highway!

Marrying The Frog Prince

Once Upon A Kiss (Book 3 of 4)

By Eunice Xyra

     Elise Xandria vowed not to fall in love ever again. Para sa kanya, walang totoong prinsipe dahil lahat ng mga lalaki sa ibabaw ng lupa ay pulos mga nakakadiring palaka—lalung-lalo na si Red Evangelista, her ex-fiancé.
     Kaya naman maigting ang naging pagtutol niya nang biglang sabihin ng kanyang ama na balak nitong ituloy ang kasal nilang naudlot ten years ago. Hah, she is not that crazy to do that!
     But hell and damnation, paanong wala siyang nagawa kundi ang pumayag na magpakasal nang tuluyan sa lalaking minsan nang umiwan sa kanya sa araw mismo ng kasal nila?

Kissing The Ugly Duckling

Once Upon A Kiss (Book 4 of 4)

By Eunice Xyra

     Kumbaga sa fairy tales, si Zaira siguro si Ugly Duckling. Hindi kagaya ng mga kapatid niya, walang pumapansin sa kanya.
     Pero iba ang sitwasyon ni Trojadio, ang schoolmate niyang isinugo yata ng mga nilalang sa ilalim ng lupa upang gawing miserable ang bawat araw niya. Hobby nito ang asarin at paglaruan siya. Well, noon iyon. Siguro naman ay mag-iiba na ang trato nito sa kanya ngayong isa na siyang ‘Swan’—isang sikat na mang-aawit at artista.
     Mukhang hindi yata. Apparently, ngayong ‘nagpalit-anyo’ na si Zaira, puso naman yata niya ang idadamay ng binata sa pranks nito sa kanya….

The Seduction Plan

By Faye Clarete

     Akitin si Jenny Roxas and make her sign for a merger. Iyon ang mission ni Philip Lumier. Flirt with her with no romance involved; ang mang-akit at hindi maakit, paalala pa niya sa sarili. At iyon ang magsasalba sa kabuhayan nila.
     Pero ang tanong ay papayag ba ang dalaga sa business proposal niya? Hindi siguro kung walang attachment. Fifty-fifty kung magkasintahan sila; at absolutely, kung mag-asawa na. Tinimbang ni Philip ang probability. Politics and business are almost parallel in concept. Ang relasyon nilang dalawa ngayon ang magiging hatol ng kinabukasan ng negosyo niya.
     Ngunit walang kinalaman sa business plan ang urge niyang halikan ang dalaga sa bawat pagkakataong nakikita niya ito. Hindi na tuloy siya sigurado: Is he still playing the game or is he being played for a fool?

To Love And To Protect

By Arianne Cole

     Mula sa tahimik niyang pagbabakasyon sa probinsya ng kanyang yaya, heto ngayon si Laira, tumatakbo para tumakas sa mga taong humahabol sa kanya at ni wala siyang kasalanan. Dumating-dating lang ang buwisit na si Trigger, nagulo na ang buhay niya. Pilit siya nitong isinasama pauwi sa kanyang ama, pero heto ang kinauwian nila ngayon: running for their lives.
     Ang mas nakakainis pa, ni hindi man lang siya nito magawang lingunin para i-check kung buhay pa siya!
     Nagdalaga si Laira na sanay sa mga lalaking hindi magkandaugagang bigyang-lugod ang bawat kapritso niya, kaya hindi siya makapaniwala na may kalahi ni Adan na kayang tanggihan ang kanyang karisma….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!