Posted on

Release For My Special Valentine

Here are our new titles for My Special Valentine!

New Release

Want to read the story teasers?

Previews

Sentinels (Book 1): Guardian Dear
Elise Estrella

     Gusto sana ni Russel Manalo na magreklamo. Marunong din naman siyang sumagot ng telepono. Marunong din siyang mag-encode. Puwede siyang admin assistant sa opisina ng kompanya nilang Sentinel Securities, Inc., at mas matutuwa pa siguro siya kung iyon ang gagawin niya sa mga susunod na buwan kaysa siya ang magbantay kay Nina Carlos a.k.a. Princess Spoiled Brat.
     Kilala niya ang babae bilang isang maarteng socialite na parating laman ng society pages ng diyaryo. Anak din ito ng Bise-Presidente ng Pilipinas at kilabot ng Presidential Security Group dahil sa kamalditahan sa mga bodyguards na ina-assign dito.
     Hindi pa man sila nagkakakilala, hindi na niya gusto ang dalaga….

Sentinels (Book 2): Enigmatic Hero
Elise Estrella

    Bago mapadpad sa klinika niya ang lalaking ‘E.A. M. Cabrera’ ang pangalan ayon sa suot nitong dog tag necklace, almost pathetic ang existence ni Lily. Unang-una, wala siyang nobyo at isang German Shepherd at isang Siamese cat ang humahalik sa kanya sa umaga. Ngunit matapos niyang matagpuan ang duguan at amnesiac na lalaki sa sahig ng veterinary clinic niya, nagkaroon ng thrill ang kanyang buhay. Aba, noon lang yata siya nakakita sa personal ng lalaking may six-pack abs! At anghel ang tingin nito sa kanya dahil sa ginawa niyang pagsagip sa buhay nito.
    Pero siguro kailangan niyang maghinay-hinay kung ayaw niyang tuluyang ma-in love sa binatang hindi niya alam kung dapat bang pagkatiwalaan.
    Malay ba niya kung sa likod ng heroic nitong mukha at anyo, ay isang criminal pala ang nakatago?

Sentinels (Book 3): Safe Harbor
Elise Estrella

     Bagaman hindi siya pulis, kasama sa job description ni Francis bilang security specialist ang ‘To serve and protect’. Pero mayroong ibang aspeto sa pagkatao ni Josephine Mejia na nag-uudyok sa kanya para maging extra protective dito. At upang hindi na ito malapitan ng abusadong amain kahit kailan, minabuti niyang isama ito sa biyahe niya pabalik sa Maynila. Ang balak niya, irerekomenda niya ito sa boss niya sa Sentinel Securities, Inc. para kuhanin itong sekretarya. Tinuturuan niya rin ito kung paano tumayo sa sarili nitong mga paa.
     Alam niyang sa atensyon na ibinubuhos niya sa babae, hindi malayong mahulog ang loob ni Joie sa kanya. Hindi siya tanga o bulag. Batid niyang kung hindi pa siya nito gusto sa ngayon, kaunting tulak na lang ay papunta na roon ang dalaga.
     Pero hindi siya nababahala. Because he would be there to catch her when that happens….

Sentinels (Book 4): Valiant Love
Elise Estrella

     Nagtungo si Jacob Villareal sa Dumaguete para magbakasyon habang pinag-iisipan kung gusto pa niyang magtrabaho para sa Sentinel Securities, Inc. o tuluyan nang mag-resign sa ahensya.
     Ang natagpuan niya ay isa pang rason para iwan ang pagiging isang Sentinel. He found Sonia, and another reason to keep himself on the safer side of life. Dahil naulila sa ama na isang pulis ang kanyang nobya, hindi nito nais na bumalik siya muli sa peligrosong trabaho na iyon.
     Ang hindi niya nasabi sa kasintahan, wala talaga siyang balak na bumalik sa PNP, at ang pinag-iisipan niyang balikan—at siyang hinahanap-hanap ng pagkatao niya—ay isang hamak na mas mapanganib na hanapbuhay….

Palikeros (Book 1 of 4): The Playboy And His Secretary
Dior Madrigal

     Dahil nanghihiyang si Agatha sa kikitain, tinitiis na lang niya ang aroganteng boss na si Michael Ochoa. If it was any consolation, mukhang pinagtitiisan lang din naman siya nito dahil sa competence niya as his secretary. So fair na rin.
     Ang hindi tama ay ang matinding attraction na nararamdaman niya para sa palikerong binata, sa kabila ng palagiang pagka-clash ng mga personalidad nila. She was in lust with him. At tila pareho naman sila ng damdamin. Alam niya, eventually ay ‘doon’ din ang tuloy ng mga engkuwentro nila kaya lakas-loob niyang isinuhestyon sa amo na gawin na lang nila ‘iyon’. Then, they would move on with their lives.
     Ang hindi inasahan ni Agatha, once would not be enough for someone like Michael….

Palikeros (Book 2 of 4): The Playboy And His Wife
Dior Madrigal

     Nagising si Leila nang umagang iyon matapos ang kasal ng Ate Agatha niya, na nakahubad at katabi sa kama ang isa sa mga pabling na kaibigan ng kanyang bagong brother-in-law.
     Nahihiya man sa nangyari dahil halos kumbinsido si Leila na siya mismo ang ‘gumapang’ sa guwapong binata kaya umabot sila sa ganoong sitwasyon, hindi naman niya matanggihan ang alok na kasal ni Nathan Pastranas. Wala siyang ibang maisip na paraan para makonsola ang kanyang ina na galit na galit pagkadiskubre sa nangyari.
     Isa pa, malayo sa pagiging isang ‘sakripisyo’ ang makatabi gabi-gabi ang binatang mukhang Roman god na bumaba sa lupa….

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!