Posted on

Release For My Special Valentine

Here are our new titles for My Special Valentine!
Release
Want to read the story teasers?

Previews

Thorns And Roses
Olivia Ray

     “We can’t go on like this, Trey. Sa tuwing mag-uusap, nagkakabanggaan lang tayo.”
     “O naghahalikan.” He glanced to see a reaction from her.
     Napatuwid siya sa pagkakaupo. “Isang beses lang nangyari iyon at ikaw ang nanghalik sa ’kin. I never kissed you back.”
     “You kiss me everytime, Georgina, with your eyes. Tulad ngayon. You’re thinking that if I try to kiss you now, you’d let me.”
     “That’s true but I won’t give in,” turan niya. “You desire me but you’re thinking I’m your brother’s kept woman. Bakit ko sisimulan ang isang bagay na walang patutunguhan?”
     “Because you can’t help yourself.”
     “My body may oppose me, Trey, but my brain works better.”
     “Good.” Inilapit ng binata ang mukha sa kanya. “Dahil kapag ikaw ang unang lumapit sa ’kin, hindi ko pipigilan ang sarili ko.”

My Brother’s Bride
Kristina Raphaela

    “Bakit ba nandito ka ngayon, ha? Manggugulo ka na naman ng buhay nang may buhay?” asik ni Yanna kay Mikael.
    “Nagugulo ko ba buhay mo?”
    “Yes, you are! Hindi pa ba obvious?”
    “Are we talking about the kiss here?” Ngumisi ito.
    “Shut up!” Luminga siya upang siguruhing walang nakarinig sa sinabi nito.
    “I’m back for good, Yana,” anitong pinagmasdan pa ang paligid. “Panahon na siguro para bawiin ko ang talagang sa akin.”
    “You mean ang haciendang ito?”
    “Yes.” Mataman siya nitong tiningnan. “At ikaw.”
    “Oh, stop it, Mikael!” singhal niya. “I am to be married to your brother, for crying out loud!”
    “Well, you didn’t kiss me back like you are to be married to my brother,” mariin nitong sagot.

Kung Hindi Kita Mahal
Yumi Sagara

     Mas nakilala ni January ang sarili nang mag-volunteer siyang nurse sa isang medical mission sa San Marcelino. Kasabay niyon, nakilala niya rin si Harmon at naging kaibigan. Hindi man niya direktang inamin, alam niyang attracted siya sa binata, bagaman napakamisteryoso nito.
     Nalaman na lang niya kung sino talaga ang lalaki nang isang magandang babae ang mapadpad doon—at ito pala ang nais ng ama ni Harmon namapangasawa nito. Alam niyang hindi sang-ayon ang binata roon at lalo naman siya.
     Kaya kinalimutan muna niya ang sariling pride at lakas-loob na inalok ang sarili sa lalaki para hindi ito maikasal sa iba….

Love Me When You Can
Hannah Wabe

     Leonore had only been gone for six months para mag-aral at hindi niya inaasahan na wedding invitation ng kanyang kababata at long-time crush ang bubulaga sa kanyang pagdating. Dali-dali siyang nagpunta ng simbahan para pigilan si Rob from making the biggest mistake of his life.
     Bubuksan pa lamang niya ang bibig para sumigaw ng ‘Itigil ang kasal’, naramdaman niya ang kamay ni Aldrich Braganza na tumapal sa kanyang mga labi. Binitbit siya nito palabas ng simbahan.
     “What were you thinking?” asik nito. “Go home!”
     “Bakit ba masyado kang pakialamero?”
     To her surprise, he laughed. Binayo niya ito sadibdib bilang ganti. Nayakap na siya nito bago pa siya may masabi. His lips came down to claim hers… and to that, she had no objection at all….

Love Me Like That
Lorry Virgo

     Pagkatapos ng mahabang panahon pagkamatay ng kanyang huling nobyo na hindi nagkainteres si Joelle sa isang lalaki, natutunan niyang magustuhan si Liam. Imposibleng hindi dahil ito na yata ang pinakamabait na taong nakilala niya.
     Saka naman pumasok sa eksena ang Raine na iyon, his ex-girlfriend. In other words, ang babaeng nanakit ng damdamin nito at siyang dahilan kaya itinuon na ng binata ang oras sa pagtatrabaho sa ospital.
     Joelle did not need a competition for Liam’s attention. Least of all, a competition where she had the smallest chance of winning….

Sutil Na Pag-ibig
Tarra Buluran

     Dahil likas na sutil, lumayas si Alexandra sa bahay ng mga magulang para hindi matuloy ang sariling kasal sa lalaking nadiskubre niyang hindi niya pala mahal. Kahit takot siya sa Tiya Carmen niya, roon siya nagtago dahil alam niyang iyon ang huling lugar na iisipin ng ama’t ina na pupuntahan niya.
     Sa lugar na iyon na malayo sa kabihasnan, naranasan niyang maarawan, magtrabaho, pawisan at madisiplina. It was as if she just had a new life. She was learning things that were new to her at unti-unti na niya iyong ini-enjoy. Lalo pa nang makilala at napalapit siya kay Kurt Torrevilla, ang guwapong ‘probinsyano’.
     Pero mukhang hindi lahat ng bagay ay ganoon kadali lang matututunan—because she was learning matters about love the hard and heartbreaking way!

My Jealous Bodyguard
Aira Felicity

     Nataranta ang puso ni Josephine nang malamang si Zean McLarren ang magiging bodyguard niyang muli sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas. Ito mismo ang dahilan kung bakit niya nilisan ang bansa apat na taon ang nakararaan. Hindi naging madali sa kanyang tanggapin ang hindi lang isang beses na rejection nito noon. Pero naisip ni Joey, kailangan niyang makaganti man lang sa ginawa nitong pananakit sa damdamin niya. Kaya kinuha niya ang pagkakataon na makakasama niya ito muli para akitin ang binata, paibigin at pagkatapos, ipararanas niya rito kung gaano kasakit ma-reject. Iiwan niya ito sa ere at babalikan ang nobyong nasa Amerika.
     Ngunit mabilis nga yata ang balik ng karma. Titig pa lang ng asul na mga mata ni Zean sa kanya, gusto na muling matunaw ng puso niya….

The First Time I Saw You
Gel Dalisay

     Ipinangako ni Helene sa sarili na makakarinig ang magkapatid ng masasamang salita mula sa kanya sa oras na magkrus ang landas niya sa sinuman sa mga ito. Dahil sa kahibangan ni Joseph dela Paz, naabutan sila ng kapatid nito sa isang nakakakompromisong tagpo sa loob ng opisina ng ama ng dalawa. Nadamay siya sa alitan ng magkapatid at napatalsik sa trabaho!
     Pero nang makaharap niya muli si Jovel, ang kapatid ni Joseph na basta na lang nanghusga sa kanya noon, naumid ang dila ni Helene at ni hindi nagawang magsalita. Bukod sa ito ang amo niya sa bago niyang trabaho, noon niya napagtanto na kaya masakit sa kanya ang nangyari noon ay dahil hinangaan na niya ang binata noong una pa lang silang nagkita….

Save Forever For Me
Camryn Morrell

     Hindi makapaniwala si Lia sa ginawa niya: Nilayasan niya ang ama at tinakasan ang kasal niya sa lalaking pinili nito para sa kanya.
     Okay na sana dahil sa wakas ay nakalaya siya mula sa manipulasyon ng papa niya, kung bakit naman si Warren Alcantara pa ang kailangang makasama niya sa bahay na pagtataguan niya gayong puwede namang ang ina na lang nito.
     Pero dahil wala siyang gaanong choice at siya ang nakikituloy lang sa pamamahay nito, minabuti niyang pagtiisan ang company ng lalaking reincarnation yata ni Hitler.
     And then he did what Lia thought was the worst—he denied falling for her, matapos niyang umamin na mahal na niya ito….

Sweeter Than Chocolates
Terri Dizon

     Nabigla si Devin nang makaharap ang dating sikat na modelo—lumobo ang mukha ni Chantal Palma at ang dating pagkaliit-liit na baywang ay mukhang nasa treinta na ang sukat ngayon. Nanghihinayang siya sa dalaga na minsan niyang tinawag na ‘pinakamagandang babaeng nakita niya’ so he posed her a challenge. Kung pipilitin nitong magpapayat at maibalik ang dating katawan, bibigyan niya ito ng maraming projects sa modeling agency niya.
     Kahit hindi bahagi ng trabaho niya ang pag-supervise nang personal sa pagpapayat nito, natagpuan niya sa sarili na ganoon ang ginagawa. Higit pa roon, siniguro rin ni Devin na hindi na makikipagbalikan si Chantal sa ex-boyfriend nito na siyang nagdulot dito ng insecurities, dahilan para pabayaan nito ang sarili sa sobrang sama ng loob.
     Ginawa niya lahat iyon hindi lang dahil empleyada niya ito… kundi dahil gusto niyang siya na lamang ang mahalin ng babaeng nagturo sa kanya kung paano umibig….

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!