FreEbook Friday!

Deal Of A Lifetime
By Hannah Wabe

     “Look, hindi ko alam na ikaw ang ipapadala nila sa akin,” paliwanag ni Santi.
     The irrational part of Charry wanted to believe her boss was using his powers to get her. Pero nang pumasok siya sa opisina nito, she saw the genuine surprise written on his face.
     “I believe you.” Lumiwanag ang mukha ni Santi kaya agad niyang idinugtong, “But Sir, ayoko ng komplikasyon. Let’s make this strictly professional.”
     Tumango si Santi kahit labag sa loob. “Fair enough. I’ll keep my distance…” Charry was relieved. But he added, “… habang nasa trabaho. Just try not to fall in love with me during office hours, okay?”
     Napanganga si Charisse. Mahirap palang mambasted ng boss, she realized, lalo na at kabaligtaran ang talagang gusto niyang gawin.