Our Asymptotic Love Story (Box Set)

1,199.25

Description

This box set contains all three parts of Our Asymptotic Love Story by Binibining Mia.

Part 1

     “A broken heart, a tragic fate, those tears and pain are the consequences of a forbidden love.”
     Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing bumubuhos ang ulan at sa tuwing nakikita niya ang estrangherong naghahatid ng magkahalong saya at lungkot sa kanyang puso: si Nathan.
     Magagawa kaya nilang maitama ang pagkakamali ng nakaraan para maiwasan ang trahedyang dulot ng bawal na pag-ibig na nagsimula pa noong una at nagpapatuloy kahit ilang siglo na ang nakalipas? O hanggang sa panahon bang ito ay hindi pa rin nila mababago ang nakasulat sa kanilang kapalaran?

Part 2

     “Nightmares are dark secrets buried in a life you once lived.”
     Patuloy na nasasaksihan ni Aleeza ang mga pangyayaring hindi niya malaman kung saan at kailan nagmula. Iisa ang maliwanag. Lahat ng natutuklasan niya ay pawang nauugnay sa binatang sanhi ng pamilyar na pagtibok ng kanyang puso. Sa tuwing nasisilayan niya si Nathan, natatagpuan niya ang kaligayahan sa kalungkutan.
     Ilang siglo man ang dumaan, ilang katauhan man ang gampanan, ang pagmamahalan na patuloy na binubuhay ng trahedya ng nakaraan ay aasa at mangangarap na mabibigyan ng katarungan at katuparan sa kasalukuyan.

Part 3

     “Even to this day, in this life, my heart longs for you. I love you. The only thing I fear is that this may be the last chapter of our asymptotic love story.”
     Unti-unti nang nabibigyang-linaw ang lahat kay Aleeza. May kinalaman ang mga panaginip niya sa kanyang mga naging nakaraang buhay. Hindi iyon mga ordinaryong panaginip, bagkus mga alaala ng isang malupit na pag-ibig sa pagitan ng dalawang pusong laging pinaglalapit, subalit hindi pinag-iisa. Isang trahedya ng nakaraan na may kaugnayan sa kanyang kasalukuyan.
     Ano nga ba ang tunay na dahilan sa likod ng trahedyang ito?
     Tuluyan na nga bang magwawakas ang pagmamahalang asintótico na ilang siglo na pala nilang ipinaglalaban ni Nathan?

Additional information

Weight 0.926 kg