Posted on

New Release for My Special Valentine Premium!

Want to read the story teasers?

Fierce Protector

Sentinels (Book 17)
By Elise Estrella

     Nang malaman ni Lt. Penelope Fernandez na ia-assign si Capt. Christopher Pascua sa team niya, kinabahan siya. Baka kasi hindi nito gusto na uutusan niya ito, hindi gaya noong pareho silang nasa PMA at baligtad ang sitwasyon. Natatakot si Penny na baka maging mitsa pa iyon ng panibago niyang heartbreak sakaling matuklasan niya bigla na hindi pala mabait si Chris.
     Mali pala si Penny. Hindi si Chris ang magiging problema; sarili niya mismo. Hirap na hirap siyang itago ang crush niya sa binata noong nasa PMA pa sila. Baka ngayon, bigla na lang niyang hilahin ito patungo sa isang bakanteng silid para molestyahin.

Her Guitar Man

Love Instruments 4
By Doreen Laroya

     Umalis si Kiel ng Rancho Fortun dala ang galit sa ama at kay Evie. For fifteen years, he stayed away… hanggang sa sumulpot ang dalaga sa backstage pagkatapos ng concert niya. Determinado ito na kausapin siya at kumbinsihing umuwi sa rancho—so determined that she came dressed like a hooker and pretended to be his hired escort for the night.
     Walang balak ang binata na bumalik sa bahay ng kanyang ama. Hindi rin siya interesado sa minana niyang property. But he’s very interested in the young woman who used to be the girl he played his guitar for.
     Kiel had no intention of playing anything for her, but he wouldn’t mind plucking her strings. Just imagine the kind of music they could create….

Drive Me Crazy

By Dior Madrigal

     Jordan Alonzo Mendoza is the king of to-do lists. At wala sa listahan ng mga kailangan niyang gawin ang mag-asikaso sa nanggugulong multo sa resort na kanyang mina-manage.
     Enter Arabella, the psychic to the rescue. Tingin ni Jordan, peke ito. Sa rainbow-colored skirt at sangkatutak na crystal bracelets na suot, mukha itong typical weird psychic sa mga B movies. Pero wala siyang ibang choice, kaya ipinagawa na rin dito ang trabaho.
     Hindi naisip ni Jordan na magugulo ang kanyang buhay dahil sa dalawang taong parehong matagal nang namayapa. At lalong wala sa schedule niya ang maakit sa ispiritistang maganda nga pero nuknukan naman ng weird.

Make You Mine

By Leira Carlos

     Pakiramdam ni Jon ay alcoholic siya na pinipigil ang sariling abutin ang bote ng alak kahit alam niyang magdudulot iyon ng masama sa kanya.
     Apektado pa rin siya sa tuwing magtatama ang mga mata nila ni Ashley. Mawawala pa ba sa sistema niya ang epekto ng presensya nito? Hindi niya maikakaila ang tugon ng katawan niya sa tuwing magkakalapit sila. At hindi pa ito nag-e-exert ng effort sa lagay na iyon! Kailangan tuloy niyang paulit-ulit na ipaalala sa sarili ang ginawa nito sa kanya at sa anak nila four years ago. Wala itong espasyo sa buhay nilang mag-ama.
     As long as hindi ito nagpapakita ng interes sa kanya, walang kailangang ikatakot si Jon. Pero lagot siya kung tuluyang akitin na nga siya ni Ashley.

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!