Posted on

New Release for My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

No Other You

By Sachi Bliss

     “You should’ve told me. Madali akong kausap at kung ayaw mo na, hindi ko ipipilit ang sarili ko sa ’yo,” mahinahong sabi ni Alexandria.
     Matalim ang tingin ni Blake. “Look who’s talking. Don’t act like you’re not the one who cheated first. You’re not the victim here.”
     “Hindi ko maintindihan, Blake. And didn’t you say you love me?” litong sabi niya.
     “I thought I did. I was wrong. I could never love a liar. Quits na lang tayo dahil pareho lang pala nating niloloko ang isa’t isa.”
     She was left crushed that late afternoon.
     Seven years later, Blake came back to make Alexandria remember every painful thing.

The Mountain Rancher

By Sefah Mil

     Na-assign sa bundok ang laking-Maynila na si Cara para magturo sa kindergarten class ng Luhaang Bato Elementary School. Kakaiba ang eskuwelahang iyon dahil sobrang tahimik. Kahit ang pagkanta ay bawal dahil naiirita sa anumang ingay ang ranchero sa kabilang bakod.
     Pero hindi puwede ang ganoong sistema. Kailangan niyang turuan ng mga nursery rhymes at katutubong kanta ang kanyang mga estudyante.
     Determinadong nagdesisyon si Cara. Kakanta sila sa pinakamalakas na kakayanin ng kanilang mga boses kahit na mamatay sa inis ang rancherong nagmamay-ari ng buong kabukiran. Hah!

Irresistible Allure

By Dior Madrigal

     Understatement na tawaging ‘nainis’ si Lidya sa nangyayari. Muntik na siyang ma-kidnap at nalaman niyang nakikipagkasundo ang tatay niya sa Bratva, isang Russian mafia. Para maiiwas sa kapahamakan, pinili ng kanyang tiyuhin na dalhin siya kay Ivan. Ito lang daw ang maaari nitong pagkatiwalaan para magbantay sa kanya.
     But for goodness’ sake, the guy hated her since they were kids! Ang haba ng listahan ng mga ginawa nitong masama sa kanya kahit hindi niya ito inaano. At ngayon, ang masungit na halimaw ang makakasama niya sa isang bahay habang nasa peligro ang buhay niya.
     But with the way they treat each other, they could forget about the Bratva; Lidya and Ivan might just end up murdering each other….

Forever in My Heart

By Dani Alba

     Dahil siya ang tinutulungan, siyempre wala nang nagawa si Romeya kundi tanggapin ang kondisyon ni Jacob sa pagbabayad nito ng utang ng kanyang pamilya: titira ito sa bahay niya.
     Dati na naman niyang pinauupahan ang silid na iyon, pero ngayon lang nangyari na lalaki ang makakasama ni Romeya sa ilalim ng isang bubong. Huwag nang idagdag na boss niya ang binata at pinsan ng kanyang ex-boyfriend. Alang-alang sa kanyang pamilya, hindi na lang siguro niya iisipin ang mga iyon—lalo na ang katotohanang sobrang hot ni Jacob, at madalas nanghihina ang mga tuhod niya kapag nagkakadikit sila.

Hooked on Love / Music of My Heart

By Ranisa Ynea / Mika Edelstann

Hooked on Love

     “I’ve wanted to kiss you for the longest time, Monette, but I… I didn’t know if you’d let me…”
     Ang mga mata niyang kanina pa iniiwas ay gulat na sinalubong ang tingin ni Sebastian. Bagay na gusto niyang pagsisihan dahil natagpuan niya sa mga mata nito ang mga gusto, at hindi niya gustong makita—truth, desire, longing… but not love.

Music of My Heart

     “I had to lock up the whole house for fear that you might try to escape again,” ani Rodrigo kay Verdini. Kung hindi lang nananakit ang kanyang katawan, tinakbuhan na niya ito sa sobrang takot.
     Something was telling her that this rough-looking, mysterious captor had a soft side somewhere… And it excited her just thinking about unraveling it.

Beautiful Stranger / Stranger in My Bed

By Olivia Ray / Shane Train

Beautiful Stranger

     “Alam mo, nagtataka ako sa mga babaeng na-link sa ’yo,” pang-aasar ni Kate. “I mean, look at you! Sino ba namang babae ang papatol sa isang tulad mo na nuknukan ng yabang?”
     “What I lack in virtue, I try to make up in bed.”
     Namilog ang kanyang mga mata. Pino-pollute ng lalaking ito ang isip niya! Hah! Ang unang-una niyang gagawin kapag nakaalis sa islang iyon ay ang mag-confess sa kura paroko sa bayan nila.

Stranger in My Bed

     Inatake si Lianne ng kakaibang kaba. “If t-this is not my boyfriend’s room, why did he sleep here last night? Marcus was here last night. We—”
     “He didn’t.” Parang gusto na niyang mag-panic dahil sa kaseryosohan sa mukha ni Ash.
     She could not believe her stupidity—she entered a wrong room and gave herself to the wrong man!

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!