Posted on

New Release for My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Small Town Love

By Dior Madrigal

     Habang ang lahat ng tao sa lugar nila ay naiilang kay Helga San Jose dahil sa reputasyon ng kanyang ina, kusang lumalapit si Leopoldo Santiago Andrada para makipagkuwentuhan sa kanya. And she swore it was a whole different form of bullying. Kada makikita kasi silang magkasama, nagwawala ang ex-girlfriend nito at gusto siyang sabunutan ng lukaret.
     Pero binigyan siya ng ideya ni Leo. Para raw makaganti sa pambu-bully ng demonyitang ex nito, magiging date siya ng binata sa isang event.
     Ewan kung ano ang pumasok sa isip ni Helga, pero pumayag siya kahit alam niyang para na ring pinagsamang tsunami at radioactive waste ang epekto kapag nagsama ang isang Andrada at isang San Jose….

All Because of You

By Elise Estrella

     Sa edad na twenty-two, pampered princess si Isis sa bahay nila. Para patunayang kaya niyang maging independent, nakipagpustahan siya sa kanyang kapatid na kaya niyang mamuhay sa loob ng isang buwan nang walang suporta mula sa mga magulang, walang credit cards at sampung libong piso lang ang dala para sa upa ng bahay, tubig, kuryente at iba pang gastos.
     Mabuti na lang to the rescue ang kaibigan niyang si Artemis. Nang banggitin niya ang problema, inalok nito nang libre ang condo unit ng kuya nito na dalawang buwan daw mawawala roon. Siyempre, sinunggaban niya ang pagkakataon.
     Kaso biglang umuwi ang may-ari ng bahay na si Ares. Kung hindi uubra sa binata ang charm at pagmamakaawa, haharap siyang talunan at luhaan sa kanyang kapatid….

Saddest Tale in Kota Kinabalu

By Alexie Aragon

     Mula nang ihatid si Siti ng kanyang ama sa Kota Kinabalu, Malaysia ay hindi na ito bumalik. Nang mawalan na siya ng pag-asang darating pa ito ay nakilala niya si Jared, isang Filipino guest sa resort kung saan siya nagtatrabaho. He restored back the hope she had lost. Madali silang nagkahulihan ng loob na nauwi sa matamis na pag-iibigan. Subalit kinailangan nang bumalik ni Jared sa Pilipinas. Gayunpaman, nangako itong babalikan siya.
     Hindi iyon nagkaroon ng katuparan. At naging bahagi ng malungkot na buhay ni Siti ang paghihintay sa dalawang minamahal na wala nang katiyakan kung babalik pa. Wish niya lang huwag siyang magaya sa babae sa folklore na hindi na binalikan ng prinsipeng matagal nitong hinintay….

Viennese Waltz

By Sachi Bliss

     Naghiwalay ang kanilang mga labi at nagtama ang mga mata. Parang may bumangga sa dibdib ni Quade sa nakita kay Odette. Her eyes were completely doped with desire, desperate, wanting, nervous… and someone else’s.
     Shit! Hindi niya kayang gawin ito.
     “What, Quade?” bulong ng babae, halata ang disappointment sa boses nang lumayo siya.
     “Hindi sa may pakialam ako sa puwedeng maramdaman ng boyfriend mo. Frankly, I don’t give a damn especially after what he’s been doing to you lately.” Napabuga siya ng hangin. “But you’re… not mine, Odette. And I’m selfish. When we make love, I want to know you’re not going to worry about someone else.”
     Forget boundaries. He wanted to be her everything, the only one for her….

Safe in Your Arms / Keep Me in Your Arms

By Edith Joaquin / Carla Giopaolo

Safe in Your Arms

     Magtataray sana si Ina kaso nakita niya ang pangalan sa uniporme ng kaharap: Lt. Kyle Magdayao. “Begging your pardon, Sir,” saludo niya.
     He smiled. “I will accept your apology kung papayag kang mag-date tayo.”
     Dahil bawal tumanggi sa senior officer, “Sir, yes, Sir,” ang sagot niya.

Keep Me in Your Arms

     Inakala ni Cate na may espesyal na namamagitan sa kanila ni Michael noong una silang magkakilala, pero ginamit lang pala siya nito para sirain ang political career ng kanyang ama. Tama ngang iwasan siya ng binata. Ganoon ang dapat gawin sa mga babaeng pinangakuan ng pangarap at pagkatapos ay iniwan….

Devil in Disguise / Beyond Innocence

By Liz Carbonell / Doreen Laroya

Devil in Disguise

     Dahil sa kapritso ni Taciana Roldan, nasawi ang kapatid ni Wilfrid. Pero sa halip na ito ang mahulog sa kanyang bitag, nagulat siya nang ma-realize na umiibig siya sa babaeng pinagbalakang paghigantihan.

Beyond Innocence

     Nathan moved closer and caressed her shoulders. “I’ll give you a million. Just make sure I’ll get my money’s worth.”
     Doon natauhan si Vielle. Pangangatawanan ba niya ang sariling hamon, gayong ang kailangan niya mula sa lalaki ay higit sa isang gabi ng pakikipagniig?

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!