Posted on

New Release for My Special Valentine and Pink & Purple!

Want to read the story teasers?

If You Ever Come Back

By Carmela Dawn

     Dahil sa isang maliit na kapalpakan, nasira ang lahat ng pinlano ni Gabby para sa kanyang career. Mabuti na lang at mabait sa kanya ang pa-retire nang boss niya at binigyan siya ng pagkakataon na makapagbakasyon at makapag-relax bago bumalik sa kanyang trabaho.
     Pagkalayu-layo ng resort na itinuro sa kanya ng kanyang boss, pero maganda ang lugar. Maganda rin ang epekto kay Gabby ng kalikasan, lalo pa ng may-ari ng resort, si Danilo. Kaso hindi yata siya nito gusto dahil pagkatapos siyang mainit na halikan, wala itong masabi kundi ‘sorry’.
     Nagdere-derecho na yata ang mga malas ni Gabby sa buhay….

#ChanSing

By isay_pasaway

     Matagal nang secret love ni Ichan ang kanyang kaibigang si Nissy o ‘Ising’. Pero hindi siya makaporma at sa isip ng binata, habambuhay na lang sigurong ‘BFF 5ever’ ang kanyang role at ‘open-ended undisclosed unrequited love’ ang kanilang drama.
     Pero isang pangyayari ang naging dahilan para may matagal na pinagkapigil na gigil na hinalikan niya ang dalaga. Sa isip ni Ichan, baka kagaya kay Sleeping Beauty, matapos mabigyan ng true love’s kiss ay magigising na si Ising… sa katotohanan.
     Iyon nga lang, kabaligtaran ang nakuha niya. Pinadugo ng kaibigan ang kanyang puso kasabay ng pagpapadugo sa nguso niya sa isang suntok.
     Kailangan na siguro niyang sumuko at tanggapin na may mga bagay na ‘not meant to be’, kagaya na lang ng love team nilang ChanSing. Pangalan pa lang, semplang na.

Tamang Panahon

By Maya Bautista

     Mga bata pa sila, mahal na ni Paeng ang kaibigang si April. Pero mahirap lang ang pamilya niya at hindi niya maibibigay rito ang pinakamagandang buhay na karapat-dapat para sa dalaga. Sigurado ring hindi siya magugustuhan ng nanay nito na walang ibang pangarap kundi ang yumaman.
     Kontento na siyang mahalin si April nang palihim, pero isang lalaking guwapo at mayaman ang nanligaw dito at na-realize ni Paeng na iyon na ang tamang panahon para hayaan ang dalagang makatagpo ng tamang lalaki para rito… kahit kalungkutan ang kapalit niyon para sa kanya.
     Para siyang dinurog noon. Hindi na nga kanya si April, pati pagkakaibigan nila ay tuluyan na rin yatang mawawala….

The Day He Took My Hand / One Night Only

By Sydney Robles / Angela Alfonso

The Day He Took My Hand

     Magpapakasal si Beth kay Will dahil sa tatlong dahilan: Una, tumatanda na siya. Pangalawa, for security reasons. Mayaman ito at may matatag na trabaho. Pangatlo, alam niya kung gaano ito kabaliw sa kanya. Hindi inaasahan ni Beth na darating ang araw na mamahalin niya si Will nang higit sa kaninuman.

One Night Only

     Brokenhearted, nagtungo si Cleo sa isang bar at sinubukang uminom ng alak. Naisip niya, babaguhin na niya ang pananaw simula sa gabing iyon. She would be a modern, daring and fun-loving woman. Isang lalaki ang naakit sa kanya, pero mukhang hindi lang pang-isang gabi ang gusto nito!

Fall in Love with Me / Chocolate Factory

By Audrey Torres / Sefah Mil

Fall in Love with Me

      Malinaw kay Adoracion Estella Aragon ang pakay ni Engr. Enzo Martinez sa pakikipaglapit sa kanya: he was doing everything to persuade her into selling her property. Pero hindi madaling pigilan ang umuusbong niyang paghanga para sa lalaki, kahit gaano kaimposible na tunay ang lahat ng ipinakita nito sa kanya….

Chocolate Factory

     Nagulat si Dulce nang bigla na lang siyang halikan ni Jeffrey sa madilim na silid. Pero tila siya binuhusan ng malamig na tubig nang ibang pangalan ang sambitin nito. Buong akala niya ay sa kanya attracted ang binata. Nagkamali pala siya….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!