Posted on

New Release For My Special Valentine

Want to read the story teasers?

Valentine Grinch

By Sachi Bliss

     Ang naisip lang ni Connelly ay puntahan sa bahay ang tinaguriang ‘editor from hell’ ng kanyang publishing company at kausapin tungkol sa reklamo ng mga writers dito. Curious din siya dahil parang galit ang babae sa Romance genre.
     Nang makita niya si Aphrodite, nadagdagan ang misyon ng binata: he intends to win her over with every romantic cliché known to mankind—the cheesier, the better. Gusto niyang ipakita sa babae na kahit mayroon itong hindi magagandang karanasan sa pag-ibig, hindi ibig sabihin na masama ang romance.
     It started as a dare… then, it wasn’t anymore.

Valentine Date

By Ingrid De La Torre

     Avid listener slash masugid na manliligaw ng sikat na disc jockey ng Rocks Radio 107.7 FM si Bernadette Escozar. She likes everything about Rom Valentine Tanedo a.k.a. DJ Snowball. Ang kaso lang, he dislikes everything about her. Ultimo opera heels niya ay hindi gusto ng binata.
     Pero wala siyang balak sumuko. Kung iyong hirap nga ng buhay ay hindi niya sinukuan, iyong pag-ibig niya pa kaya?
     Nakahanda si Bernadette na suungin ang lahat sa ngalan ng dalisay na pag-ibig, at sa darating na Valentine’s Day ay gagawin niya ang lahat para siya ang manalo sa contest at maging Valentine date ni Rom. Pagkatapos, mapapasakanya na ang pinapangarap na binata….

Valentine Memories

By Elise Estrella

     Thou shall not fall for your best friend’s boyfriend. Isa iyon sa mga commandments na istriktong sinusunod ni Laura. Maling-mali kasi. Kahit saang anggulo tingnan, walang magandang patutunguhan ang magkagusto sa lalaking pag-aari na ng sarili mong best friend.
     Pero hindi ganoon kadaling alisin ang pagmamahal sa isang tao. Lalo pa dahil ngayong gusto ni Hank na tulungan niya itong makipagbalikan sa kaibigan niya. Ang kapalit niyon ay ang pagtulong nitong maisakatuparan ang pangarap niyang negosyo. Hindi alam ni Laura kung paano tatanggihan ang binata. Kahit pa panibagong torture na naman iyon para sa kanya.
     Kaya, kasabay ng pagkatupad ng pangarap ni Laura, heartbreak ang naghihintay sa kanya sa darating na Valentine’s Day….

Valentine Bride

By Helene Del Mundo

     Seven Valentine’s ago, ikinasal si Diwata Buencamino sa tanging lalaking minahal niya. Pero dahil sa pakikialam ng kanyang ama, luhaan silang naghiwalay ni Daniel nang gabi ring iyon. Hindi na rin siya bumalik sa Sta. Catalina.
     Ilang araw bago mag-Valentine’s 2017, kailangan niyang umuwi sa kinalakhang probinsya para harapin ang paglilipat sa pangalan niya ng palaisdaan ng kanyang ama. Kasabay niyon, haharapin din ni Diwata ang kanyang estranged husband at lahat ng alaala ng dating matamis na pagmamahalan nila, kasama ng mga binitawang pangako pitong taon na ang nakakaraan.
     Closure. Makukuha na rin ni Diwata sa wakas ngayong Valentine’s iyong bagay na inaaasam-asam niya sa nakalipas na mga taon. Funny, she was dreading it now….

Valentine Promise

By Edith Joaquin

     Napilitan si Dakila na magpanggap bilang kakambal niya sa isang Valentine gig ng banda na kinabibilangan nito. Ang nakakainis, babae ang kakambal niya! Pumayag na rin siya bilang suporta sa love life nito. Ganoon na lang ang gulat ni Ilay nang habang nakadamit-Isay siya ay may natagpuan siyang babaeng namamaluktot sa backseat ng kanyang kotse.
     May humahabol daw kay Bea, ayon dito, dahil nakasaksi ito ng pagpatay ng isa nitong katrabaho. Mukha naman itong nagsasabi ng totoo. At dahil sadyang mabait siya, siyempre tinulungan niya ang dalaga. Lalo pa dahil nagkainteres siya sa babae sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng ilang taon.
     Pero matalino si Bea at observant. Posibleng nagdududa na ito sa kung sino siya talaga….

The Deal

By Dior Madrigal

     Sa tingin ni Dominica, na-trauma talaga si Luka sa naunsyami nitong kasal, kaya rebel mode ito ngayon. He was disillusioned. Luka Fernando de Villa is the male version of the disgruntled bride who remained pure and true to her beloved, only to be shattered when her groom left her at the altar. Ang kaibahan lang, ito mismo ang nang-iwan sa altar.
     At ngayon, may proposal sa kanya ang binata. Gusto raw nitong tapusin ang pagiging virgin nito at siya ang mapalad na napili nitong makasama.
     Imbis na matakot sa santambak na tsismis na iikot sa buong bayan nila sa oras na makita silang magkasama, na-excite pa si Dominica.
     Oh, to have him on her bed and rub it in his oh-so-awesome family’s faces….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!