Posted on

New Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Crazy for You

By Dior Madrigal

     Hindi nakilala ni Maxwell ang kababatang si Kelly sa pagbabalik niya sa bahay nila mula sa mahabang taon ng pagsisilbi sa bayan bilang sundalo. Ang layo na kasi ng hitsura ng dalaga sa uhuging batang gusto siyang ipakulam noong thirteen siya. Natulala siya at natameme sa ganda nito ngayon nang magkita sila matapos niya itong muntik na masagasaan. Kung may hindi nagbago sa babae, iyon ay ang saltik nito sa utak. Parang gusto pa rin siya nitong saksakin sa bawat pagkakataong magkikita sila.
     Pero gaano man siya naiinis kay Kelly, hindi maitatanggi ni Maxwell na naaakit siya sa dalaga at kailangan niya ng matinding self-control para pigilan ang sariling halikan ang mapupula nitong labi….

Wild Child

By Elise Estrella

     Dahil sa reputasyon ni Sabina bilang wild child party girl, pinagdududahan niya ang lahat ng lalaking gustong makipag-date sa kanya. Inaya ba siyang lumabas ng lalaki dahil gusto siya nitong makilala, o dahil gusto nitong malaman kung gaano ka-wild ang party girl? They believe that women like her are usually a sure thing. Most of them are easy.
     Sigurado si Sabina, ganoon din ang nasa isip ni Alaric. Bakit naman ia-associate ng isang clean-cut, straight-laced golden boy of the powerful and influential Sarreal clan ang sarili nito sa isang kagaya niya?

Strange Love

By Natalie Trinidad

     “I have not slept with any woman for eight months. Hindi ako palainom. I don’t smoke pot. I don’t do drugs. And you know what? I would have stayed celibate, but then I saw you. And damn it, Lynx, I don’t usually do this but you have been doing things to me that I haven’t felt in ages, and I want more, with you. I won’t force myself into you kung ayaw mo, pero kailangan kong subukan.” Hinawakan niya ang kamay ng dalaga. “Just yes or no.”
     “Are you crazy?” asik ng babae. And man, she’s even hotter when she’s pissed.
     “No, just horny.”
     Kinabahan siya nang hindi agad sumagot ang kausap, pero napakurap siya nang magtanong ito.
     “Are you good, Liam?”
     Holy shit, is she about to say yes?

Beautiful Heart

By Sandra Gabriel

     Sa murang isip ni Ayana ay inibig na niya ang kaibigang si Drake. Hanggang high school ay inilihim niya ang damdamin para rito dahil sa nakakatandang kapatid na may gusto rin sa binata.
     Ngunit siya na yata ang pinakamasuwerteng babae sa buong sa mundo nang malaman niyang may katugon pala ang kanyang pagmamahal. Ipinagtapat ni Drake na noon pa man ay gusto na siya nito. Kahit na mga bata pa sila ay nagkaroon sila ng sumpaan.
     Pero dahil sa isang lihim ay kinailangan ni Ayana na layuan ang nobyo at tapusin ang kanilang pagmamahalan upang isalba ang sarili sa labis na kahihiyan….

Promises and Lies

By Alexie Aragon

     Nagpasya si Abigail ‘Abi’ Dizon na kalimutan ang probinsyang kinalakhan. Ibinaon niya sa limot ang lahat, both bitter and sweet memories, kasama na ang lalaking bukod-tangi niyang minahal—si Matthew Romualdez.
     Matt is the eldest son of the kind-hearted man she was forced to accuse of rape, as part of her uncle’s dirty ploy to ruin the reputation of his political rival. Siyam na taon ang nakalipas, muling nagkrus ang landas nila ng dating kasintahan. Parang wala siyang nagawang kasalanan sa pamilya ni Matthew. Niligawan siya nitong muli at pinakasalan. Bagaman nagtataka sa bilis ng pangyayari, hindi niya pinagdudahan ang motibo ng kababata.
     She instantly believed in his promises, never suspecting that those were just sweet lies….

Man-hater vs. Womanizer

By Karrie Jacinto

     Namulat ang mga mata ni Audrey na may galit sa kalalakihan dahil sa pag-iwan ng kanyang ama sa kanilang mag-ina. Walang ibang mahalaga sa kanya kundi ang pagkamuhi niya. Gusto ng dalaga na ipakita sa ama at sa pamilyang ipinalit nito sa kanila na magaling siya at natatangi ang kakayahan pagdating sa business. Hanggang sa puntong maging ang mismong kapatid niya sa ama ay babanggain niya para lang pahirapan ang mga ito.
     Nakilala niya si Architect Jemuel Androsa, isang womanizer at heartbreaker. Nahulog ang loob niya sa binata sa kabila ng lahat ng pagpipigil niya sa sarili. Pero kaya ba niyang magmahal kung puno ang kanyang puso ng galit at pagkamuhi?

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!