Posted on

New Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

The Charade

By Dior Madrigal

     Kailangang mag-proxy si Dawn para sa kanyang best friend at magpanggap na nobya ng lalaking, symbolically speaking, ay siyang kabuluhan ng mga halimaw sa kanyang panaginip kahit mukha itong diyos physically—si Damon Quentin Fajardo.
     Hindi alam ni Dawn kung sino ang dapat niyang sisihin sa sitwasyong kinalalagyan niya—ang best friend ba niyang naglagay sa kanya roon at walang konsyensyang nagtraydor sa long-time boyfriend nito; si Damon na mukhang incarnation yata ng sampung masasamang espiritu; o ang sarili niya dahil mukhang mas may spine pa sa kanya ang mga uod at bulate?
     Pero sigurado siyang kaipokritahan na kung isisisi lang niya kay Damon ang nangyari sa kanila isang gabi….

The Old Violin

Love Instruments 1

By Doreen Laroya

     Narinig muna ni Sheridan si Vincent na tumutugtog ng violin bago niya ito nakita nang personal. They had formed a bond as sweet and as meaningful as each note played on his instrument. Pero nasira iyon dahil sa kagagawan ng kanyang ama.
     She met Vincent again after twelve years. He was no longer her passionate virtuoso but a ruthless businessman fixated on revenge. At gusto nitong angkinin ang tanging bagay na natitira sa kanya—si Sheridan mismo. Isinuko niya rito ang sarili sa pag-asang mare-realize din ng lalaki na hindi siya huminto sa pagmamahal dito—and that, there was once a time when he had loved her, too….

The Ultimate Playlist for Fake Couples

By Helene Del Mundo

     Walang problema kay Antonia ‘Toni’ Azarcon kung kailangan man niyang magpakasal sa isang lalaking di niya nobyo—at ni hindi niya kilala nang lubusan—para lamang mapaluguran ang amang may malubhang karamdaman. Mahal na mahal niya ang kanyang tatay na maliit lang na sakripisyo iyon kumpara sa lahat ng ginawa nito para sa kanya.
     Kaso nuknukan ng yabang at bastos ang lalaking pinili ng ama at ng best friend nito para maging mister niya. Bokalista ng isang di-sikat na banda si Basti Aguirre, at lumalabas ang kamalditahan ni Toni kapag kaharap ito kaya parang hindi sila magkakasundo kahit kailan.
     Sabagay, hindi naman nila kailangang magsama nang matagal. At hindi rin kailangang totohanin ang kasal.

Operation: Win Eric Back

By Andrea Olivares

     ‘Win Eric Back’ ang pangalan ng operation ni Bridget sa kanyang pagbabalik-Pilipinas matapos ang tatlong taong pananatili sa ibang bansa. Pero hindi iyon magiging madali lalo’t tinanggihan niya ang marriage proposal ng binata bago sila naghiwalay noon. May anti-Bridget radar yata ito kaya sobrang ilap.
     Matapos ang ilang linggo ng ‘operation,’ wala pa ring nakikitang tagumpay si Bridget at parang gusto na niyang sumuko lalo’t hindi consistent ang mga natatanggap niyang reaksyon mula kay Eric. Pero iyon din ang nagtutulak sa kanya na magpatuloy. Sa tuwing nagpapakita kasi ang lalaki ng senyales na may puwang pa rin siya sa puso nito kahit paano, nabubuhayan siya ng loob.
     O siguro pareho lang silang magulo ang utak. Bagay nga talaga silang dalawa.

Today, Tomorrow, and Forever

By Bethany Greco

     Ang sabi sa Science, opposites attract. Kaya siguro unang pagkikita pa lang nilang dalawa ay may sparks na agad. Si Candy, mahilig sa K-Pop, dahilan kaya nakilala niya ang isang guwapong lalaking si Sanche, isang pa-cool na rakista na mahilig makipag-fling.
     Musika ang naging dahilan ng paghihiwalay ng kanyang mga magulang, kaya naman iwas si Candy sa mga lalaking gaya ni Sanche. Kaso hindi niya napigilan ang sariling damdamin.
     Pero may pag-asa pa bang sabay nilang pakinggan ang musika ng kanilang mga puso, kung bigla na lang maglalaho si Sanche na parang bula pagkatapos nilang pagsaluhan ang isang matamis na ‘wala lang’ kiss?

Nothing without Your Love

By Sydney Vera

     May pag-asa bang mapansin ang isang simpleng bookworm tulad ni Ada Marie ng kanyang guwapong boss na si Gavin na ayaw ng kahit anong komplikasyon sa buhay? He doesn’t mix business with pleasure. Pero dahil nagdala ng kakaibang saya sa buhay nito ang dalaga, he threw caution to the wind and gave in to his desire to be with her.
     Ngunit nang dumating ang isang unos sa relasyon nila, noon nalaman ni Ada na hindi sapat ang sobrang pagmamahal niya kay Gavin.
     At mukhang may basehan nga kung bakit hindi dapat pinagsasama ang business at pleasure….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!