Posted on

New Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Crossfire

Alpha Squad (Book 1)

By Elise Estrella

     Hiniling ng kaibigan niyang si Julia na siya—si Genevieve—ang makipagpalitan ng email kay Lt. Colin James Torres gamit ang pangalan at mukha nito. Dahil dakila siyang doormat, hindi niya nakuhang makipag-argumento.
     Sinulatan niya ang lalaki at naging magkaibigan sila hanggang sa napansin ni Genevieve na nahuhulog na ang loob niya sa binata. Matalino ito, mabait, maalalahanin, at nang makita niya ang pinadala nitong larawan, alam niyang may umikot na maliliit na puso sa tuktok ng kanyang ulo.
     Pero kahit pa si Genevieve ang tumanggap ng email ng lalaki, hindi para sa kanya ang anumang atraksyong nararamdaman ni Colin. Para ang mga iyon sa kaibigan niya, na katulad ng binata, ay perpekto. Kung may dalawang tao na ginawa para sa isa’t isa, iyon ay sina Colin at Julia.

Target

Alpha Squad (Book 2)

By Elise Estrella

     Nagulat si Cressy nang makilala kung kanino siya magiging personal nurse. May sort of ‘tampo’ at inis siya kay Petty Officer First Class Mark Jethro Sanderson matapos nitong piliin ang mas maganda niyang kaibigan para siyang kumuha ng vitals nito noong tamaan ito ng bala sa likod ng hita.
     Hindi siya ilusyonada pagdating sa hitsura niya, pero ikinasama ng kanyang loob na tinanggihan siya nito para sa kasamahan niyang may malalaking dibdib. Lalo pa’t may pinakatatago siyang crush sa binata.
     At ngayong pansamantala itong bulag, responsibilidad niya ang lalaki. Parang gusto niya itong kalbuhin sa konsumisyon, pero marami palang perks ang pagiging nurse ni Jethro—kagaya ng pagsama rito sa banyo kapag kailangan nitong maligo….

Rescue

Alpha Squad (Book 3)

By Elise Estrella

     Parang tama ang pamangkin ni Lt. Michael McKendrick. Mukhang bagay nga sila ng teacher nitong si Nadia. Bukod sa maganda at mabait ang dalaga, gusto talaga niya ito. Tatlong gabing dere- derecho silang nag-date at agad niyang na-realize na gusto niyang seryosohin ang anumang may- roon sila.
     Pero ang pinakamalaking concern ni Mikey ay ang kanyang trabaho. Malaki ang tsansang iuwi na lang siya na nasa loob ng isang kahong natatakpan ng watawat ng Estados Unidos. Loving him wasn’t going to be easy because only a strong woman could love a SEAL. At hindi niya puwedeng hilingin sa dalaga na magkaroon sila ng relasyon. Nadia would have to choose that for herself.

Free Fall

Alpha Squad (Book 4)

By Elise Estrella

     Bumalik kay Kendra ang lahat ng hinanakit at pangungulila nang makaharap niya muli si Chief Evan Hale sa set ng pelikula kung saan siya ang scriptwriter. Sa dinami-rami ng puwedeng ipadala ng Navy para maging consultant nila, nagkataong iyong ex-husband pa talaga niya!
     Sampung taon na mula noong mag-divorce sila pero isang tingin, isang ngiti, isang halik—at hayun si Kendra, in love ulit. Na-realize niya, laging kaakibat ng realisasyong iyon na muli niya itong binigyan ng kapangyarihan na saktan siya. Minsan na siyang nasaktan ni Evan and it had nearly destroyed her. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari kung muli sila nitong magkasakitan sa pagkakataon na ito.
     Pero isang bagay lang ang sigurado ni Kendra: Gusto ulit niyang subukang maging Mrs. Hale.

Unconventional Match

By Dior Madrigal

     Cole felt bad for mistaking Nicoleta for a boy. Pero mukha kasi talaga itong binatilyo sa liit at pananamit nito. Kaso may mali nga siguro sa kanya ngayong nalaman niyang malapit itong kaibigan ng kanyang kapatid at may limampung beses na yata silang ipinakilala sa isa’t isa. Masyado yatang abala ang kanyang isip sa pambababae na hindi niya talaga maalala ang dalaga.
     Para makabawi kay Nicoleta, minabuti ni Cole na kaibiganin ito. He never thought he’d enjoy the weird girl’s company—too much that her weirdness suddenly became appealing to him….

Always in My Heart

By Jade Anne Franco

     Simona could not believe what was happening to her. Una, niloko siya ng kanyang boyfriend. Pagkatapos, pinahiya niya ang sarili sa media habang lasing siya. So she went home to their province, hoping that things would make her feel better. Kaso nalaman niyang hindi na pala sa pamilya niya ang bahay nila. To top it all, si Eric Henares pa ang bagong may-ari niyon.
     Ang pangarap ni Simona sa muli nilang pagkikita ay iyong mapapamukhaan niya ang lalaki kung sino ang babaeng tinanggihan nito noon. Pero malayo roon ang lahat ng nangyayari….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!