Posted on

New Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

The Redeemed Playboy

By Doreen Laroya

     Louie’s a player. He loves sex and dislikes commitment. He doesn’t believe in relationships, just hook-ups.
     Marami siyang sinaktang babae at wika nga sa kasabihan, kapag puno na ang salop ay kailangan nang kalusin. Sa isang iglap, bumagsak si Louie—literally… with a nine-millimeter bullet hole in his chest.
     Pero hindi roon nagtapos ang kanyang istorya.
     Malay ba niyang nagpa-pardon din pala ng mga kaluluwa si Lord? Isa siya sa nabigyan ng second chance na mabuhay uli. Pero may catch. Sa kanyang panibagong buhay, daranasin niya ang karma. He will remain a virgin until the right woman comes along. And when that time comes, he will have to choose.
     His choice will either save him or condemn him forever.

The Slave

By Dior Madrigal

     Kakaiba ang pamana ng lola ni Rebecca sa kanya nang pumanaw ito: isang itim na libro, isang parang may buhay na singsing, at isang Lycan slave na labing-walong taon nang nakakulong sa basement ng bahay ng matanda.
     Para matapos na lang ang lahat ng iyon at makabalik siya sa normal niyang buhay, minabuti ni Rebecca na puntahan ang kanyang ‘alipin’ upang pakawalan ito. Naudlot ang paghinga niya pagkakita sa lalaking nakatanikala sa pader.
     My God, he’s big! ang una niyang naisip.
     Feral. Dangerous. Parang kaya nitong kumain ng tao sa galit na nakasalamin sa mga mata nito. Shackled in iron and dressed in nothing but tattered jeans, the man looks menacing, imposing, and for heaven’s sake… hot.
     And he also needs to be devirginized before the New Moon, or else, he’ll die.…

Jake the Virgin

By Helene Del Mundo

     Pakiramdam ni Jake Dalisay, idi-disappoint niya ang modernang mapapangasawa sa oras na malaman nitong hindi kasali ang lovemaking sa kanyang field of expertise. Kaya sa suhestyon ng kapatid, nagdesisyon siyang ma-devirginize bago magpakasal. Eksakto namang naroon siya sa isa sa pinakamataong lugar sa mundo—sa Rio de Janeiro, Brazil. Bago siya umuwi sa Pilipinas kinabukasan, hahanap siya ng babaeng maa-attract sa kanya at kung papayag ito, magiging una niyang kasama sa kama.
     Ang natagpuan ni Jake ay isang masayahing Filipina na nagtanggol sa kanya sa isang manyak at walang habas na bumugbog sa nang-snatch ng phone nito. Maganda at nuknukan ng sexy si Andy Aragon pero masyado itong ‘nice’ para tratuhin niyang ‘praktisan,’ kaya nakipagkaibigan na lang siya.
     Kaso mukhang hindi lang iyon ang gusto ng kanilang mga katawan.…

The Unlikely Suitor

By Elise Estrella

     Sa buong Sitio Dela Fuerza, si Adrian na lang siguro ang nag- iisang virgin sa lahat ng lalaking kaedad niya. Sa malas, kay Tessa lang niya gustong ibigay ang katawan. Seventeen years na niyang crush ang dalaga at hanggang ngayon, hindi pa rin siya makaporma rito.
     Pero isang pangyayari ang naging dahilan para magkalapit sila ng babae. At dahil sa tingin ni Adrian, may ‘K’ na siya ngayon, lakas-loob siyang nagtapat dito ng damdamin.
     Dapat siguro daanin na niya sa santong paspasan ang nililigawan at gawan ng paraan ang pagkabirhen niya at baka mabaog na siya sa katitiis.
     Pero siyempre dapat hindi mahahalata ni Tessa na pinapaspas na nga niya ito….

The Innocent Seducer

By Ingrid De La Torre

     Sa pagkakakilala ni Collin Rodrigazo at ang tunay niyang ama, desidido siyang baguhin ang nakasanayang buhay kasama ang tatlong old maid na tiyahin. At unang-una sa kanyang listahan ang magpa-devirginize. 
     Si Feetee Amarra, ang personal assistant ng kanyang ama, ang naatasang humanap sa tamang babaeng puwede niyang alayan ng kanyang katawang-lupa. Kung si Collin lang, mas gusto niya kung mismong ang dalaga ang makatanggap ng kanyang kainosentehan, kaso malinaw na idiniin ni Feetee na hindi ito interesado sa kanya.
     Ang ipinagtataka lang ni Collin, imbis na tumulong, ito ang lumalabas na primerang hadlang sa kanilang misyon.…

The Educated Virgin

By Natalie Trinidad

     Dalawang bagay tungkol kay Nolan na hindi niya gustong malaman ng iba: na siya si Studmuffin, ang blogger na supposed go-to sex expert… at virgin pa siya sa edad niyang treinta.
     Dalawang bagay tungkol Raiya Medrano: a fantastic kisser on top of the many wonderful things that he loves about her; and she is the one Nolan hopes to lose himself to—virginity and all.
     Dalawang bagay na gusto sana niyang baguhin tungkol kay Raiya: ang katotohanang magpapakasal na ito sa ibang lalaki at aalis ito ng bansa anumang oras.
     So, what’s that one thing a hopelessly, irrevocably in love, desperate virgin can do?

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!