Posted on

New Pink & Purple Release!

Want to read the story teasers?

Wild Heat

By Dior Madrigal

     Her scent assaulted him, filling his system like a potent drug. “What the f*ck are you?” singhal ni Lucian sa babae. “What the f*ck are you doing to me?”
     Gumuhit ang muhi sa maganda nitong mukha. “I don’t like this any more than you do, Son of Cain.”
     Her low, breathy voice caressed his skin like warm silk, and it goaded the raw desire clawing at his gut. Pero naningkit ang kanyang mga mata sa paggamit nito ng titulo nila na para bang sila ang pinakamalalang nilalang sa balat ng lupa.
     Hinagip ng kamay niya ang buhok nito. Tila seda iyon sa kanyang balat, at pinigilan ni Lucian ang pagnanais na ibaon ang mukha sa makapal nitong buhok.
     “Do you have a f*cking death wish?” he roared.
     “I will kill you first!” Kinalmot siya nito pero maagap niyang nahuli ang mga kamay ng babae.
     Determinado siyang huwag mapasailalim sa kapangyarihan ng sensuwalidad ng estranghera. He would not permit it. Kung anuman ang nararamdaman niya at kung anumang kapangyarihan ang ginamit ng babae para maakit siya, wawasakin niya iyon.
     He would not be tied to a filthy abomination like this woman….

Just A Feeling

By xxakanexx

     Si Juan Miguel ay masyadong nag-e-enjoy sa kanyang Casanova lifestyle para magdesisyong mag-asawa. Bakit naman siya magpapatali sa iisang babae kung puwede niyang tikman lahat? He lives by his rules: He doesn’t sleep with the same woman twice, he never do cuddles, never stay until morning with a woman, never have breakfast with any of the woman he sleeps with.
     Hanggang sa nakilala niya si Sereena Solano Santos at nagsimula ang problema. Nagsimula niyang labagin ang kanyang personal rules at hindi niya iyon ikinatutuwa. Lalo pa dahil anak ang hinihiling sa kanya ng dalaga.

Steal Thy Heart

By AnnSyvil

     “Kailangan kong mabawi ang boyfriend ko.”
     “Boyfriend mo?! Ano nama’ng pakialam ko sa inyo ng boyfriend mo?”
     Parang gusto niya akong kalmutin sa mukha sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Ikaw lang naman ang kumag na nag-set-up sa boyfriend ko at sa Heather na ’yon! He broke up with me, you know?” The woman’s eyes burned with intense dislike. Hindi ako aalis hangga’t di ko nakukuha ang gusto ko!” Parang bata na napapadyak pa siya sa sahig. Ugh! I really can’t believe this!
     “What do you want? Money? Magkano ba ang kailangan mo? One million? Two?”
     She rolled her eyes at me. “Hindi lang basta pera ang kailangan ko, Caleb Damien Yung.”
     “Then, what is it?”
     “I want my boyfriend back. Kailangan mo ’kong tulungan na mabawi siya sa Heather na ’yun.”
     “What?!” Seryoso ba ang babaeng ’to?

How To Kiss A Guy

By elisestrella

     Bagong buhay. Bagong bansa. Bagong mga kaibigan. Bagong mga problema. Kinailangan kong harapin ang lahat ng mga iyon nang mag-migrate kami ng parents ko sa London para matupad ang lifelong dream ng aking daddy.
     Hindi naman ako nahirapang mag-adjust kasi maganda ang school ko, mabilis kong nakasundo ang bago kong roommate, and, finally, may nakilala akong interesting na guy: Si Renner Christensen, varsity football team captain, Head Boy sa school, über-guwapo, sweet, and he also happens to be the Earl of Sanford.
     Of course, marami akong kaagaw sa kanya. Una na sa listahan ang ex niyang number one bully ng bago kong buhay. Ang problema ko ngayon, ano ang panama ko sa mayaman at model-gorgeous na si Fiona, eh, I’m more brains than beauty at wala pa akong alam sa boys. I don’t even know how to kiss a guy. Wala namang subject na nagtuturo niyon and I really want to kiss—and keep—Renner, ang first and forever kong Prince—er, Earl—Charming.
     I guess, I just have to learn.

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!