Posted on

New Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Sexy Neighbor

By Dior Madrigal

     Pakiramdam ni Kai Mendoza, crush na niya ang kanyang bagong kapitbahay. Well, wala namang masama roon. Eric Julian Ramos may be shy, clumsy and geeky, but he’s insanely gorgeous. Ang kaso, madalas ay isa sa apat na kategorya lang bumabagsak ang mga nagiging crush ni Kai: either takot sa kaastigan niya, asshole, gay, o kaya one-of-the-boys ang tingin sa kanya. Ewan kung saan kasali itong si Yummy Neighbor.
     Siguro puwede siyang mag-volunteer na magturo sa lalaki ng kung anong sport para ma-develop ang motor coordination nito. Para-paraan na lang para mapalapit sa binata. Muntik na siyang tumili ng, “Mendoza, three points!” nang pumayag ang lalaki. Sana lang hindi mahalata ni Eric ang sobra niyang excitement….

Delicate Rose

By Jade Anne Franco

     Nagtataka man at naiilang, hindi maiwasan ni JJ na kiligin sa kabaitan sa kanya ng apo ng kanyang amo—si Archivald Cruz. Iniisip na lang niya, baka naaawa sa kanya ang binata kaya siya tinutulungan at hinahatid-sundo.
     Nang hagkan siya nito, walang angal na hinayaan niya ang lalaki, at noon napagtanto ni JJ na mahal na niya ito.
     Wala sa hinagap ng dalaga ang agwat ng estado nila sa buhay, o ang posibilidad na mayroong ibang motibo si Archivald kaya mabait sa kanya….

Suntok sa Buwan

By Karrie Jacinto

     Abala sa buhay-artista si Leslie. Masaya at kontento siya sa takbo ng kanyang karera. Wala na siyang mahihiling pa sa buhay niya.
     Hanggang sa nagkrus ang mga landas nila ng probinsyanong si Imir. Kararating lang nito sa Maynila nang manakawan at masaksak. Masaya si Leslie na natulungan niya ang lalaki. Ngunit sa paglipas ng panahon, nagbago at unti-unting naging kakaiba ang tibok ng kanyang puso. She realized she was falling in love with him.
     Pero hindi niya dapat hayaan ang sariling tuluyan itong mahalin dahil pihadong masasaktan lang niya ang binata. Sa sobrang kaibahan ng mga mundo nila, suntok sa buwan ang posibilidad na magtagumpay ang anumang relasyong mabuo nila.

Never Surrender

By Russelle dela Peña

     Nabigla si Dr. Lex Cabanes nang matagpuan ang isang duguang babae sa daan. Napakarami nitong sugat sa katawan, may mga hiwa ng patalim at ilang tama ng baril. Nang mawalan ito ng malay ay binuhat niya kaagad at dinala sa resthouse.
     Hindi niya maiwasang magtanong sa sarili kung sino ito at bakit ganoon ang hitsura nang datnan niya. Nais din niyang makilala pa ang babae. Kasabay ng pag-aming iyon ay ang di-maipaliwanag at matinding atraksyon niya para sa estranghera.
     Ngunit marami pa siyang hindi alam sa dalaga—mga bagay na kung madidiskubre ni Lex ay maaaring maging dahilan para kamuhian niya ito….

Beneath the Bridge of Sighs

By Elise Estrella

     Yeah, he was pathetic. Siguro nga, matapos ang dalawang taon ng panliligaw, dapat nang sumuko si Nate. Pero hindi iyon maisip ng binata dahil mahal niya talaga si Brielle. Naniniwala naman siyang may tamang panahon ang lahat. Kung oras na para mag-move on, mararamdaman niya iyon. Pero habang mahal pa niya ang dalaga, sasamahan niya ito kahit pa maburo na siya sa friendzone.
     Kaya walang tanung-tanong na sinamahan niya itong magbakasyon sa Venice. Pagkakataon iyon para iparamdam ni Nate sa dalaga na hindi nagbabago ang damdamin niya para rito at siguro, susubukan na rin niyang kumbinsihin si Brielle na para sila sa isa’t isa.

Lovers in Timbuktu

By Alexie Aragon

     Tricia believes that life is all about perspective. Nakadepende ang kaligayahan ng isang tao sa kung paano nito tinitingnan ang buhay.
     Nagamit niya ang paniniwalang iyon nang mapunta siya sa Timbuktu sa Africa, kung saan napasama siya sa grupo ng mga turistang kinidnap ng mga Tuareg rebels. Hindi niya kinunsumi at tinakot ang sarili sa isiping mamamatay na siya sa dayuhang lupaing iyon.
     Sa halip, kasama ang guwapong kapwa-bihag, ay animo desert-life enthusiasts na in-enjoy na lang nila ang buhay sa disyerto—as if they were enamored lovers in Timbuktu. Happiness is a choice, anyway.

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!