Posted on

New Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Beloved Karma

By Dior Madrigal

     ‘Goodbye, pride’ at ‘hello, humiliation’ ang drama ni Claudia dahil tatlong bagay lang ang pagpipilian niya: hayaang makulong ang kanyang kapatid, umutang sa loan shark, o makiusap sa ex-boyfriend niya. She decided to choose the devil she knew at mababang-loob na nanikluhod kay Joaquin Andrada tungkol sa fifteen million pesos nilang utang. Walang tanong namang sumang-ayon ang binata. Ang mas maganda pa, nagkasama sila sa isang kasalan at nag-reconnect.
     But Claudia should always remember that karma is a vindictive bitch, and she’s on the bitch’s top list. Hintayin niya na lang kung paano niya pagbabayaran ang utang kay Joaquin at ang pagbe-break niya sa puso nito ten years ago….

The More You Hate…

By Jade Anne Franco

     “Obviously, there is some sort of attraction between us. Don’t you agree?” Inilapit ni Adam ang mukha sa kanya.
     “Ano ba’ng sinasabi mo?” Umusbong ang pag-asa sa puso niya, pero kaagad niya iyong pinalis.
     “I want you, Clarice… Now, don’t try and say that you don’t feel the same way because that is not what your eyes are telling me…”
     Pero masyado iyong mababaw kumpara sa nararamdaman niya para sa lalaki. She won’t risk her feelings for something that has no assurance.
     Clarice wasn’t going to change. She would always be the happy-go-lucky girl whom Adam clearly despised. Kahit kailan, hindi siya totohanang magugustuhan nito. She was too imperfect for him….

Hyde and Zeke

By Helene Del Mundo

     Kailangan ni Hydee ng lalaki.
     As in lalaking aso para maging ama ng magiging mga anak ng alaga niyang Havanese dog. Kaso masyadong choosy ang kanyang best friend, ayaw pumatol sa kung sino lang. Iyon pala, ang type ni Venus ay iyong ‘tall, dark and handsome’ na askal ng kapitbahay. Pag nakikita ang naturang aso, nagtatarang ang alaga niya’t di mapakali.
     Willing sana si Hydee na gawan iyon ng paraan, kung hindi lang niya nakilala ang master ng crush ni Venus. It was none other than Ezekiel ‘Zeke’ Meneses. Mga bata pa lang sila, wala na itong ginawa kundi sirain ang araw niya. Nang matuto siyang magka-crush, pati puso niya ay idinamay nito; at aba, ngayon, balak yata pati ulo niya ay sirain na rin!
     Wala siyang pakialam kesyo hunk na ito ngayon at umaapaw sa sex appeal, galit pa rin siya. Period.
     Pero kailangan pa rin ni Hydee ng lalaki.

My Knight Has Come

By Eve Rodziewicz

     Ang balak ni Harry, maghihiganti siya sa panloloko ni Ned Sayson sa kapatid niya, gamit ang anak nito. Nang baon na ang lalaki sa utang sa kanya at hindi na makabayad, hiniling niya ang anak nito para manilbihan sa kanyang bahay. Sa isip niya, pahihirapan niya si Ned sa pamamagitan ng anak nito.
     Gayon na lang ang gulat ni Harry nang malaman niyang hindi tunay na anak ni Ned si Cathy, at na-blackmail lang ang dalaga kaya naroon sa bahay niya.
     Nalimutan ni Harry ang tungkol sa paghihiganti at natuon ang isip sa pagprotekta sa dalaga mula sa walanghiyang amain nito.
     Pero higit pa sa protective instinct ang binuhay ni Cathy sa kanya….

Beastly Prince Charming

By Cassandra Victoria

     Bridgett De Silva used to believe in happy ever after, but everything changed when she finally met her princes. Niloko siya ng una at namatay sa trahedya ang pangalawa. Ipinangako niya sa sariling hindi na siya magmamahal ulit.
     Pero isang Indian fortune teller sa Hong Kong ang nagsabi kay Bridgett na matapos ang dalawang trahedya sa buhay, makakamit niya ang kanyang happy ever after.
     Gusto na sana niyang umasa, pero hindi isang Prince Charming ang nakilala niya kundi isang binatang nuknukan ng yabang. Ang antipatikong lalaki ay walang iba kundi si Alessandro Mendrez, isang bilyonaryo na ang tanging dahilan sa paglapit sa kanya ay ang maghiganti sa kanyang pamilya.

Game of Love

By Veronica Jose

     Sanay si Nathalie sa pakikipagrelasyon, pero ayaw niya ng seryosohan. Nakailang boyfriend na siya at sa tingin niya, hinding-hindi siya maiisahan ng kahit sinong lalaki.
     Nakilala niya si Jerome isang beses na nag-bar-hopping siya kasama ang mga kaibigan. Attracted sila sa isa’t isa at alam niyang katipo niya ito—iyong tipong saya lang ang hinahanap sa pakikipag-boyfriend. Player ang lalaki, player din si Nathalie; maglalaro lang sila at mag-e-enjoy. Walang feelings na involved, physical attraction lang.
     Iyon ang akala niya….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!