Posted on

New Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Seducing Mr. Antisocial

By Dior Madrigal

     Labag man sa kalooban, pinuntahan ni Lavinia si Evan Agnarsson sa probinsya para kumbinsihin itong dumalo sa sarili nitong art exhibit. She was expecting an ugly antisocial artist, kaya nabigla siya nang tila isang Nordic god na lalaki ang natagpuan niya.
     Determinado si Lavinia na gawin ang ipinunta niya sa lugar na iyon, pero desidido rin si Evan na manatili sa ‘kuweba’ nito. Puwede siguro niyang subukang gamitin ang ibang ‘persuasion’ technique na alam niya—iyong puwede rin niyang ma-enjoy ang scorching hot nitong katawan.
     Let the crazy begin.

Notorious

By Elise Estrella

     Twenty-four-year-old, NBSB virgin Ariadne goes to Obsidian, a club notorious for the excesses happening within its walls, thinking of meeting a nice, decent, sweet guy and maybe developing something—anything—to him. The nice, sweet guy turns out to be the tough, gorgeous, and sexy-as-hell club bouncer named Roman.
     Her wish for a sweet and innocent taste of pleasure turns into a heated, full-blown encounter that she never thought she’d experience. And while he was the first guy she ever allowed to touch her body, she ended up being the first woman to touch his heart.
     Pero hindi talaga bouncer si Roman. He’s a US Navy SEAL currently on leave and on an undercover mission in the Philippines para hanapin ang taong pumatay sa kanyang kapatid sa isa sa mga silid sa Obsidian.
     Habang hinahanap niya ang salarin, palapit naman ito nang palapit sa kanya para maningil ng dati niyang utang. At si Ariadne ang gusto nitong kabayaran….

The Hook-Up

By Natalie Trinidad

     Stella only wanted to get rid of her innocence and move on. Kaya isang gabing nagse-celebrate siya ng isang malaking achievement, tinapos niya iyon sa paghahanap ng lalaking makakasama.
     Ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Hank Garrett Montiel—gorgeous, critically acclaimed bestselling author, shameless flirt, supposedly an excellent f*ck, and womanizer extraordinaire. Planado ang lahat kung paano niya ito madadala sa kanyang kama. At hindi nga siya na-disappoint. She got him, used him, enjoyed him, got rid of him.
     Pero hindi inakala ni Stella na si Hank ay iyong tipo na naniniwala sa pag-ibig.
     Love? She doesn’t do love.

Vengeful Seduction

By Jade Anne Franco

     Vincent’s whole body tensed when Lolita’s finger traced the contour of his face. “If I were you, I’ll forget about calling my father, and just take me out.” Bumaba ang mga daliri nito sa necktie niya at naglaro roon. “Get to know me, ’cause after all, we’ll be working closely…” Lumapit pa ito hanggang sa dumaiti na ang mga labi nito sa kanyang tainga. “Very closely…”
     He could smell the woman’s perfume and sweet breath. He was feeling as hot as hell and this wasn’t right. Girlfriend ito ng kapatid niya—ex-girlfriend.
     Suddenly, a realization hit him. Isa lang ang rason kung bakit lumalapit sa kanya ngayon si Lolita. Gaganti ito sa kapatid niya at siya ang balak gamitin. But he had a feeling her eyes could lure him into jumping off a building….

Homeless Tarah

By Sefah Mil

     Ulila si Tarah at mag-isang nakatira sa isang treehouse. Pero ipapaputol na ang puno na kinatitirikan ng bahay niya dahil papatayuan na ng warehouses ang lugar ng negosyanteng si George Ontario.
     George is a very busy man and he is obsessive when it comes to his schedule. Ilang beses na niyang inutusan ang abogado na pagsabihan ang squatter na lisanin na ang treehouse ngunit wala itong sagot. To hell with it, kailangan niyang putulin ang puno kesyo may malilipatan ito o wala.
     Subalit hindi rin niya pala kayang hayaan lang si Tarah na matulog sa kalsada….

Undeniably Yours

By Eve Rodziewicz

     Malakas na napasinghap si Brenna nang matitigan ang kaharap. Nahirapan siyang makahinga sa bilis ng tibok ng kanyang puso. Nanghina ang kanyang mga tuhod at nanginig ang mga kamay niya.
     The ghost from her past stared curiously at her with his brows drawn together. Naalala niyang super guwapo ito noon pero ngayon… whew! The man looked gorgeous! He took her breath away.
     “Ganoon ba kasama ang hitsura ko na para kang nakakita ng isang multo?” Nakakunot ang lalaki at nakatitig sa kanya.
     Napagtanto niyang hindi siya nito naalala. She sighed in relief. Delikado ito para sa kanya. May koneksyon ang lalaki sa kanya na hindi nito dapat malaman….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!