Posted on

New Release For My Special Valentine Premium!

Want to read the story teasers?

The Heiress

By Dior Madrigal

     Nagsalubong ang mga kilay ni Dmitri sa natuklasan. So ang babaeng kaulayaw niya buong gabi ay tagapagmana pala ng kanyang kalaban sa negosyo. For sure, hindi iyon coincidence lang.
     Gianna wanted to ensnare him, didn’t she? Akala ba ng babae ay hindi niya malalaman ang pinaplano nito? Ano eksakto ang trap na iyon? To lure him into backing her family’s crumbling business? She was willing to use her body to get to him?
     Hindi pa niya alam ang dahilan. But he would. By heavens, he would.
     Nobody messed with Dmitri Markovic. Nobody.
     She wanted to play? He’d show how bad he could be….

Second Chances

By Doreen Laroya

     They met in an unfortunate incident. Masama pa ang naiwang impression ni Brent kay Lottie. But that didn’t stop her from liking him. Ang like ay umusbong sa love nang maging magkaibigan sila. Then, love turned to obsession nang malaman ng dalagang pakakasal na ang lalaki sa nobya nito.
     Ginawa niya ang isang bagay na ni sa panaginip ay hindi niya inisip gawin: she trapped Brent into marrying her. At katulad ng mga bagay na hindi nagsimula nang tama, it ended too soon and too painful. She was forced to leave to mend her broken heart.
     Anim na taon pagkatapos, muli silang nagkita. Nakasalalay kay Brent ang mamanahin ni Lottie. He was more than willing to help her, but could she risk another chance at love? Pero namatay na ang pag-asa sa kanyang puso at takot na siyang masaktan at magtiwala….

A Romance For James

By Elise Estrella

     Sinisi ni Ginny ang recent writer’s block niya kay James Ordoñez. Tandang-tanda niya ang pinagsasabi nito nang sugurin siya sa opisina ng kanyang publisher: “I want you to explain to me why you think this piece of crap is worth the paper it’s printed on.” Nagtagumpay siyang depensahan ang sarili, pero dahil sa mga pinagsasabi nito, pati trabaho niya ay naapektuhan. Noon lang kasi siya nakatikim ng ganoong feedback. And didn’t help that he also happens to be the sexiest man she had ever seen!
     Minabuti na lang ng dalaga na gumanti: inilagay niya si James sa mga libro niya at ginawang psychopath, kontrabida, at kadiring bugaw roon. Malay ba niyang mababasa pala iyon ng lalaking iyon?
     Oh, well, tuloy ang laban. Walang balak si Ginny na urungan ang mayabang—kesehodang nuknukan ng sexy—na binata….

In Fair Verona

By Edith Joaquin

     Panandaliang aliw lang ang mindset ni Georgianna.
     They were just flirting with each other, nothing more. Malinaw iyon sa kanya dahil pareho lang naman silang turista sa Verona, Italy. Pagkatapos ng dalawang linggo, uuwi sila ni Connor sa kani-kanilang mga bansa at magkakanya-kanya ng buhay. Anumang koneksyon ang mamuo sa pagitan nila, panandalian lang iyon.
     Ayaw niyang mag-isip ng wagas at dalisay na pag-ibig. Ie-enjoy lang niya ang moment.
     Dapat na rin sigurong tigilan na ni Georgianna ang kaiisip na baka si Connor ang hero sa love story niya….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!