Posted on

New Release For My Special Valentine and Pink & Purple!

Want to read the story teasers?

The Timid Geek

By Doreen Laroya

     Twenty seconds of stupid bravery made Althea the laughing stock of her high school. She never completely healed from that experience.
     Nang kunin siyang private nurse para sa isang seven-year-old paraplegic child, doon niya muling nakita si Blythe, ang kanyang high school crush at ang bully na nanghiya sa kanya sa harap ng buong St. Gregory’s Academy. Ito ang ama ng batang aalagaan niya.
     He was a scarred man now—more on the inside than out. She found herself drawn to him once more. Iyon ay sa kabila ng ginawa nito noon sa kanya. Despite the attraction, she tried to avoid him. Pero determinado si Blythe. He used the potent sexual attraction between them as a tool to gain her trust.
     At unti-unti nang nadadarang si Althea.

What About Love?

By Dior Madrigal

     Arranged ang engagement nina Nikolai at Loretta. Kailangan iyon para sagipin mula sa pagkalugi ang kompanya ng pamilya nila.
     Pero sa ngayon, nagugustuhan ng dalaga ang lahat ng nakikita at nalalaman niya tungkol kay Nikolai. At wala naman siyang boyfriend. At bago ang engagement, wala sa isip niya ang pakikipagrelasyon pero naisip niya, kung hindi man nangyari ang ganito, kung ikakasal man siya sa iba, malamang gustuhin niyang makapangasawa ng isang kagaya ni Nikolai—drop-dead gorgeous, responsible, thoughtful, and smart.
     Did she mention that her fiancé is drop-dead gorgeous? For her, this arrangement doesn’t seem like a sacrifice. It is more like a blessing.
     Nikolai said he didn’t resent it. But someday… someday, he will. Unless they learn to put love in the equation….

A Night With An Angel

By Cassandra Victoria

     Nakahanda si Herlene na gawin ang lahat maiayos lang ang relasyon nila ng kanyang nobyo. Kaya naman lakas-loob niyang pinuntahan ang kuwarto nito. Sa kung anong gawa ng tadhana, naisagawa niya sa ibang lalaki ang planong pag-aalay ng sarili.
     Isang pagkakamali ang gabing iyon, pero ilang araw na nagpabalik-balik iyon sa alaala ni Herlene.
     Lalo na dahil parang multo na sumusunod sa kanya ang kamaliang iyon….

The Wedding

By Celeste Cardoso

     Nang matapos nang hindi maganda ang pakikipagrelasyon ng multi-awarded actor na si Javier Scott sa isang nagsisimula pa lamang na actress, napilitan siyang magbakasyon na malayo sa mapanuring media.
     Andrea Benedicto is an editor and correspondent haunted by a painful past. Nang sumabog ang iskandalo tungkol sa prodigy ng show business, naging secret mission niya ang paghabol kay Javier para makuha ang eklusibong kuwento mula mismo sa binata.
     Nagkasundo silang um-attend ng isang wedding. Everything is set out as planned until Andrea falls for her ‘centerfold guy’….

Prinsesa Raketera

By KC Cordero

     Na-curious si Smash sa magandang dalagang naging ‘pasahero’ niya. Sa sobrang dami siguro ng iniisip, napagkamalan nitong taxi ang kotse niya. Siya naman ay umandar ang kapilyuhan, kaya hinayaan lang ang babae sa pagkakamali at hinatid nga ito sa pupuntahan.
     Pero may naiwang mahalagang gamit sa kotse niya ang dalagang mahilig rumaket. Iyon ang naging susi ni Smash para mahanap ang babaeng sa unang tingin pa lang ay pinasasaya na ang kanyang puso sa di-maipaliwanag na dahilan.

Ang Ending With Mr. Poet

By Autumn Castillo

     Ayaw ni Ellie ng sad love story. Pero ang totoo, takot lang siya. Kaya nga ang plano niya, samahan niya muna para sa isang general checkup ang sinumang lalaking unang iibigin niya. At sa kanyang isip, naroon ang pag-asam na ang secret admirer niyang si ‘Mr. Poet’ ang lalaking iyon.
     Pero sa isang laro ng kapalaran ay may naganap na aksidente na bumago sa buhay niya. Hindi sila nagkita ni ‘Mr. Poet’ sa tipanan nila at sa halip, sandamukal na pasakit ang kanyang hinarap.
     At lahat ng malas ni Ellie ay nakakabit kay John, ang mortal niyang kaaway at siyang hadlang sa lahat ng tsansa niya para magkaroon ng happy ending….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!