Posted on

New Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Dagat Asul

Gypsies Series (Book 1 of 4)

By Sefah Mil

     Alistair Sunderland is one of the hottest bachelors in England, may-ari ng isang airline company, Eton and Oxford graduate, may kasintahan na isa sa London’s most fashionable people, at isang dugong bughaw. His life has been perfect until one fateful day na kinidnap siya ng mga bandido sa Malaysia at tinapon sa isang maliit na isla sa Tawi-Tawi.
     Si Ayanita Tahalim ay isang Badjao, graduate ng Grade VI, maninisid at hindi man lang umabot ng five feet ang tangkad. Kontento siya sa kanyang buhay na pasagwan-sagwan sa dagat nang may kumatok sa dampa niya at pumasok ang kapatid niyang bandido, bitbit ang bihag nitong banyaga para pabantayan sa kanya dahil magulo pa raw sa Sulu.
     Kaya kayang pagdugtungin ng Dagat Asul ang dalawang magkaibang puso? Dugong bughaw at dugong Badjao? 6’4” at 4’11”? Oxford grad at Grade VI grad? Airline head at maninisid?

Pulang Circus

Gypsies Series (Book 2 of 4)

By Sefah Mil

     May sekreto si Argolo VII: Isa siyang babae biologically, ngunit lalaki ang nakalagay na gender niya sa birth certificate dahil lalaki ang gustong anak ng mga magulang niyang may-ari ng circus. Pinalaki siyang parang Adan at sa tuwing nakikitaan siya ng malamyang galaw ay hampas ng latigo mula sa ina ang napapala niya, kaya pinanindigan na niya ang pagiging lalaki.
     Tinitiis niya ang miserableng buhay nang may nakabugbugan siyang siga sa kalsada. Kawawa sana siya kung hindi lang sinaway ang siga ng kaibigan nitong si Brendan. Naloka siya nang araw na iyon dahil unang kita pa lang niya kay Brendan ay ‘nabakla’ na siya.
     Paano kaya maipapakita ni Argolo sa binata na sa puso, katawan at isipan ay diyosa talaga siya, gayong may girlfriend na si Brendan at may mga babae rin siya?

Berdeng Bandana

Gypsies Series (Book 3 of 4)

By Sefah Mil

     Tahimik ang buhay ni Quita bilang mangingisda sa Zamboanga nang pinakiusapan siya ng pinsan niyang si Rolanda na ihatid ang anak nito sa Maynila, doon sa ama ng bata. Ikakasal na raw kasi ang lalaki at umaasa ang pinsan niya na magbago ang isip nito kapag nakita ang kanyang pamangkin. Hindi niya alam kung mabuti iyong ideya.
     Pumunta sila ng bata sa Maynila at doon nila nakilala si Waldo Ty, ang milyonaryong ama ng kanyang pamangkin. Takot ito sa kanila dahil sa panggagayuma umano ni Rolanda rito noon kaya pumatol ito sa pinsan niya, ngunit tinrato sila nito nang maayos kahit sila ay mga Sama-Badjao. At dahil sa kabutihang-loob ni Waldo, natuklasan ni Quita na nahuhulog na rin ang damdamin niya rito….

Bikining Itim

Gypsies Series (Book 4 of 4)

By Sefah Mil

     Stressed na stressed si Borris dahil sa patung-patong na problema sa kanyang kompanya nang may nag-send sa cellphone niya ng mga pictures ng katawan ng babae na naka-bikini. Napamulagat siya dahil sobrang sexy ng babae.
     Mukhang na-wrong send ang mga nasabing pictures at hula niya, iyong tindera ng accessories sa bazaar ang nagpadala ng mga iyon. Pero hindi alam ni Borris kung ano ang naisip niya at pinatulan niya ang pagkakamaling iyon ng tinderang may itinatagong mala-diyosang katawan.
     Hanggang sa ang pampalipas-oras na flirting sa text ay naging dahilan ng pagtatapos ng sarili niyang engagement….

Forbidden Nights

By Jade Anne Franco

     “No, stop thinking…” bigla ay saway sa kanya ni Alvaro. Nasa harapan na sila ng isang malaking pinto at malamang ay napansin ng lalaki ang kalituhan sa kanyang mukha.
     Bahagyang umatras si Isabella. “Mali ito. Mapapatunayan ng mga taong tama ang sinasabi nila kapag may nangyari sa atin. Ni hindi natin lubusang kilala ang isa’t isa.”
     Marahas itong umiling. “I don’t think I need to know you more to know that I want you, Isabella. But if you don’t feel the same, I’ll let you go. Just don’t tell me that you’re backing out because you’re scared of what other people might say…”
     Of course, she wanted him.
     Nagpakawala siya ng malalim na hininga bago matapang na humakbang palapit dito.

Ikaw Ang Pinangarap

By Monette Hernandez

     Faith is a single mother raising her seven-year-old son, Nate. Gagawin niya ang lahat para rito, maging ang pigilan ang sariling magmahal. Kontento na siya sa buhay nila hanggang sa magkita silang muli ni Gabriel.
     Buong buhay niya, ang kababata lamang ang kanyang minahal. Pero kasama ito sa mga nagtakwil sa kanya noong magpakita siya rito seven years ago, bitbit ang sanggol na si Nate.
     Ngayong nagkita sila ulit, sa kabila ng galit ng binata, ramdam pa rin nila ang init sa pagitan nila. Can they get past the hurt and disappointment, and start again?

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!