Posted on

New Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

A Night With Mr. Pilot

Love Is In The Air (Book 1 of 3)

By Tarra Buluran

     Matagal nang lihim na hinahangaan ni Kate si Niccolo Ragante, pero suplado ang piloto at parang hindi siya nakikita. Hanggang sa isang gabi sa Paris na aksidente silang nagkita at nagkausap.
     Abut-abot ang kanyang kilig nang magpakita si Nick ng interes. Pero kontra roon ang kaibigan ni Kate; maaari nga namang lumalapit lang ang binata sa kanya dahil naramdaman nitong crush niya ito.
     Pero hindi pa man sigurado ni Kate kung bunga lang ng pagbibigay nito sa kahibangan niya ang kanilang koneksyon, nagbabadya na iyong maputol dahil sa sarili niyang kapatid….

A Whirlwind Affair

Love Is In The Air (Book 2 of 3)

By Tarra Buluran

     “Gusto ko lang makatulong,” seryosong sabi ni Rafael.
     “Makatulong?” Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Judith. “Pinalala mo ang sitwasyon. Lalo mo lang pinaaasa ang anak ko sa wala.” Napabuntong-hininga ang dalaga.
     “Paninindigan ko ang sinabi ko,” walang gatol na tugon nito.
     “Anong paninindigan?”
     “I can be his father until his own father comes home,” sabi ng binata.
     Napailing si Judith. “I don’t know what you’re talking about, Rafael.”
     Malabo ang sinasabi nito. He’s practically a stranger, paano niya ito paniniwalaan?

The Perfect Air Ride

Love Is In The Air (Book 3 of 3)

By Tarra Buluran

     “D-Dwaine, alam kong marami akong kasalanan sa ’yo, pero hindi ko ’yon lahat sinadya. Bata pa ako noon, Dwaine. I was impulsive and careless,” ani Daffodil.
     “For God’s sake!” Natampal nito ang noo. “We were high school students then, alam mo na ang tama at mali.” Sa tono ng pananalita ng lalaki, ramdam niyang nasaktan niya ito nang lubos. Hindi nga niya ito masisisi kung bakit nais nitong pahirapan siya ngayon.
     “Pero pinagsisihan ko na iyon,” giit niya.
     “Well, if that is so…” Inilapit nito ang bibig sa mukha niya. Gusto niyang pagalitan ang sarili dahil sa halip na mamuhi, kakaibang kilig ang idinudulot ng ginawi ng binata. “Then this is the perfect time to prove to me you’re worth forgiving.”
     Daffodil sighed in defeat. Hindi siya maaaring umurong; kailangang panindigan niya ang sinabi. Hindi na lang ito para sa kanyang trabaho kundi para patunayan ang sarili sa lalaking hindi niya inakalang mamahalin niya….

My Dear Enemy

By Doreen Laroya

     Mortal na karibal ni Lean si Duke noong high school. They couldn’t stand each other’s presence. Pero sa kabila ng walang katapusang iringan at pagalingan nila, Lean found herself fascinated by him, ang ‘It’ boy na hindi apektado ng kanyang mataas na status. And when she finally decided to make friends with her nemesis, saka naman ito nawala.
     Ang alam ni Lean ay patay na ang lalaki. At walang balak si Duke na baguhin ang paniniwalang iyon kahit pa aksidente niya itong nakabangga sa isang mataong sidewalk sa Quezon City. Pero nakatakdang magkita sila uli dahil si Lean ang ibinigay na assignment sa kanya. Pero nang magkaroon ng threat sa buhay ng dalaga, nakompromiso rin ang cover ni Duke.
     He had to tell her who he really was. Even if it would cost him the relationship he so wanted; the one they were just starting to build.

Lovers From Lonelyhearts.com

By Ramonna Alvarez

     Mukhang ito na nga ang babaeng nanloko sa kapatid niya. Iyon ang nasa isip ni Lorde nang makilala si Allison Lopez sa personal. Eksakto ito sa lahat ng mga binanggit na detalye ng kanyang kapatid.
     What he didn’t understand was how somebody with a decent job and background would end up as the evil person that she was. She’s sweet-looking too, angelic. Parang ang bait-bait. Walang-wala sa hitsura nito na kaya nitong gawin ang kasamaang iyon kay Kyle.
     But then demons were fallen angels, right?
     Pakiramdam ni Lorde ay dalawang tao siya. One who wanted vengeance and one who wanted Allison. For real….

Everything

By Dior Madrigal

     “Don’t worry, I’ll keep the property as it is, with some much needed developments. The people will stay where they are. Tell them that,” paliwanag ni Rafe.
     Frustration and confusion seeped through her skin. “Why are you doing this?”
     His eyes blazed with primitive arousal. “If I say it’s because I want to look good in front of you, would you buy it?”
     Tumawa si Brenda, marahas at marupok. “At gagastos ka ng fifty million para d’on? You might want to screw me and play your cruel games with me, but I’m pretty sure I’m not worth that much to you.”
     Lumamig ang tingin ng lalaki at tumaas muli ang sulok ng mga labi nito sa isang sarkastikong ngiti. “You’re right, you’re not worth fifty million to me.”

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!