Posted on

New Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

The Fangirlfriend

By Ramonna Alvarez

     Papalaos na si Middle Osorio dahil sa inaabot na mga intriga at iskandalo nang matagpuan niya sa loob ng kanyang bahay si Vida Dacoycoy. Umano, probinsyana ito, lumuwas ng Maynila para magtrabaho pero naloko ng recruiter at muntik pang mapahamak. Sa awa, nagdesisyon siyang tanggapin ito bilang maid sa bahay niya.
     Pero hindi alam ni Middle kung dulot lang ng kakulangan ng ‘action’ sa kanyang buhay, pakiramdam niya ay nagiging hot sa kanyang paningin si Vida kahit hindi niya ito type.
     He needs a woman, he decided. Any other woman in his bed. Soon.
     Kahit sino, huwag lang si Vida….

The Hot Engagement

By Sefah Mil

     Lilith was arranged to be married sa apo ng best friend ng kanyang lolo. Hindi siya masaya sa ideya dahil ayon sa mga kapamilya, ngongo raw ang lalaking mapapangasawa niya. Iyon ang dahilan kaya wala ni isa man lang sa mga pinsan niya ang may interes na makilala ang binata. Gayunpaman, pumayag na rin siya sa engagement sa pag-asang baka mabait naman ang in-arrange na mapapangasawa niya.
     But to Lilith’s amazement, Matt Carvalho turned out to be a hottie. Nainggit ang kanyang mga pinsan at ayaw pumayag sa suwerte niya, kaya balak ng mga itong i-snatch mula sa kanya ang engagement.
     Papayag ba si Lilith?
     No way!

Love At Nth Sight

By Dior Madrigal

     Unang kita pa lang ni Martina kay Seth isang araw sa siksikang MRT, sigurado na siyang ito ang kanyang soulmate. Sa mga tingin nito sa kanya, alam niya, Seth Lautner likes her! He had probably fallen in love at first sight with her. She couldn’t blame him. She’s awesome and just breathtakingly beautiful. Sigurado siyang patay na patay ito sa kanya. Baka nahihiya lang ang lalaki, kaya hindi tinanong ang pangalan at number niya.
     But apparently, the universe is so good to her. Siguro kasi mabait siya at ubod ng buti kaya pinagpapala siya. Yup, that’s it. It’s because of her endless supply of good karma, kaya nagkataon pang sa parehong resort ang tutuluyan nila. She really should formulate her strategy to snag—err, become friends with Seth. Yes. Friends muna. She had to take it slow.
     Hindi puwede ang aggressive, paalala ni Martina sa sarili….

Prince Not So Charming

By Doreen Laroya

     Tadhana na ang gumawa ng paraan para maitakas ni Dottie ang apat na batang nasa pangangalaga ng malupit na foster parents.
     Tumakas sila at nagtago sa isang villa sa Tiaong, Quezon. Nagmakaawa siya sa masungit na may-ari para pumayag itong manatili sila roon.
     Despite his bad temper, which was always directed at her, Dottie’s motley crew adores Ben. Tori, the youngest, even nicknamed him ‘Prince Charming’.
     Tinaasan lang niya iyon ng kilay. Ben may look like a prince, but he definitely isn’t charming. Pero sa oras na nanganib sila ng mga bata, si Ben ang nag- alok ng tanging solusyon sa kanilang problema.

A Honeymoon In Tokyo

By Elise Estrella

     “Hayaan mo lang akong maging kaibigan mo ngayon, Odessa. ’Yun lang, I promise. Gusto lang kitang makasama ngayon,” mahinang sabi ni Caine.
     “I can’t promise you anything. Hindi ako ang pinakamagandang kasama ngayon. Baka bigla akong mag-nervous breakdown habang kasama mo ako.”
     Ngumiti ang binata. “Di yayakapin kita at hahayaang mag-breakdown hanggang sa okay ka na. And then, I’d take you somewhere you can have your comfort food. Pagkatapos, lalasingin kita at yuyurakan natin ang pagkatao ng ex mo hanggang sa magtaka ka kung bakit naging kayo in the first place at maisip mong buti na lang nakipaghiwalay ka na sa kanya.”
     Odessa laughed. “You’re just saying that because you don’t want me to say no to you.”
     “I’m saying that because I want you in my bed.”

Perfect Match

By Dior Madrigal

     Near perfect. Iyon ang isang adjective na maaaring ipanglarawan sa buhay ni Edwina Isabel Abrera—mayaman, maganda, sikat. At nang makilala niya si Scott Monteverde, isa ring heredero, mas lalong naging mala-panaginip ang kanyang buhay. Maaaring isang business move noong una ang kanilang engagement at negosyo ang turing doon ng kanilang mga magulang, pero hindi na iyon importante ngayon dahil alam niyang mahal na nila ng nobyo ang isa’t isa.
     Pero nasa likod ng isip ni Edwina si Simone, ang babaeng pinalitan niya sa puso ng nobyo. Hindi maalis ang kanyang mga pagdududa at pag-aalala.
     At nang sumabog ang isang iskandalo, napatunayan ni Edwina na hindi siya iyong perpektong babaeng iniisip niya sa sarili. She could never be perfect for Scott no matter what….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!