Posted on

New Release For My Special Valentine + Introducing Desire Uncut!

Want to read the story teasers?

Rogue Charming

Sentinels (Book 13)

By Elise Estrella

     Dahil sa pagsuway sa kanyang commanding officer, bahagi ng parusa kay Randall Manalo ang maging guwardya sa Sentinels Base. Hindi naman sayang ang oras niya dahil mababait ang amo at kasamahan niya. Pero isang araw, natagpuan niya roon si Blanca Francesca Prieto, first and only love/heartbreak ni Randall mula pa noong high school. Noon pa lang, tinanggap na niyang hindi niya ito maaabot. Langit ito, lupa siya; parang kanta lang.
     Pero mahilig namang mangarap ang lahi niya. Ang Kuya Russ niya nga, anak ng Vice President ng Pilipinas ang pinatos!
     Hindi siya pinatahimik ng pag-asang umusbong sa kanyang puso, kaya nag-volunteer si Rand na maging security specialist at in-assign siya sa kaso ni Cheska.
     Ayos na sana iyon. Pero may rule nga pala sa Sentinels na bawal ligawan ang subject o kliyente….

Reluctant Hero

Sentinels (Book 14)

By Elise Estrella

     Mula sa pagtakas ni Ava sa mga lalaking gustong gumawa nang masama sa kanya, natagpuan siya ni Simon Hidalgo na lulutang-lutang sa dagat, at iniligtas. May tiwala siya sa binata, pero hindi niya alam kung bakit. Siguro dahil wala siyang ibang choice.
     Ayaw niyang maniwala na in love na siya sa guwapong pulis. Ilang araw pa lang niya itong nakasama at sa loob ng mga araw na iyon, ilang oras lang naman siyang may malay. Hindi siya naniniwalang puwedeng ma-in love nang ganoon na lang.
     Gayunpaman, sayang pa rin. Guwapo naman si Sir, makisig na, may pagkabayani pa. There was something in his voice, in his eyes. At sa sandaling iyon, hindi lang tiwala ang gustong ibigay ni Ava rito. Pati puri… este, puso.

Slow Burn

Sentinels (Book 15)

By Elise Estrella

     Pinapanood ni Rosalie si Jericho Villareal sa tuwing pupunta ito sa veterinary clinic niya. Pinagbubuksan ng binata ng pinto ang lahat ng mga babae at senior citizens na daraan sa pintuan na para bang ito ang guwardya roon. Tinutulungan din nitong magbuhat ng kung anu-ano ang mga babae. At kapag kumakain sa clinic, nakikipag-unahan pa itong maghugas ng pinggan kahit ito ang bisita. Mabait din sa bata ang lalaki at alam niya kung gaano ito ka-maalaga sa mga aso. Hello, K-9 handler ito!
     Kaya hindi siya nagi-guilty tungkol sa umuusbong niyang love kay Jay.
     Umuusbong na love? hirit ng isip niya. Puno na kaya. May bunga na nga, o!
     Perfect guy na yata ito ni Rosalie. Torpe nga lang. Pero isinusumpa niya, kung hindi siya ligawan ng binata, siya ang manliligaw rito! At sisiguruhin din niyang sasagutin siya ni Jay….

Sweetest Downfall

Sentinels (Book 16)

By Elise Estrella

     Sa totoo lang, wala ngang ginagawang masama sa kanya si Brian Borromeo. Mainit lang talaga ang dugo ni Neish sa lalaki. Too bad na isa ito sa mga suki ng private planes nila. At ngayon, makakasama niya ang binata buong weekend dahil walang ibang pilotong available para maglipad dito patungong Palawan.
     Oh, well. Look at the bright side, ’ika nga. May kita sila at makakalibre si Neish ng bakasyon. Di bale nang di niya feel ang kasama.
     To be fair, makisig ang loko, matikas at maganda ang tindig. Sayang lang at alam iyon ng lalaki. Mas guwapo sana ito kung bagay sa mukha ang ugali.
     Pero hindi maintindihan ni Neish ang reaksyon ng kanyang puso kay Brian. Ano ba ang nangyayari sa kanya?
     My gulay, she didn’t even like the guy!

Bound Hearts

By Dior Madrigal

     For Lindsay, loving Calvin is like voluntarily drowning. At ngayon, nahihirapan siyang huminga sa kaalamang kababata lang ang tingin ng binata sa kanya.
     Siguro kailangan nitong tigilan ang pagiging masyadong sweet at ang pagtitig sa kanya na para bang gusto nitong tanggalin ang kanyang mga damit, kung gusto nitong manatili silang magkaibigan lang. Gayunpaman, hindi siya naïve o tanga para isiping sexual attraction equals romantic feelings. So maaaring naapektuhan ito ng pang-aakit niya, pero nakatali pa rin ito at hindi kayang gustuhing maging girlfriend si Lindsay. Magkaibigan, iyon lang sila.
     But she doesn’t want to be his friend only….

My Beautiful Mistake

By Satine Ortega

     “Let me go,” ani Gracie na binabawi ang braso. “Acey, I don’t wanna go home. Ano ba!”
     “Wala bang nagsabi sa iyo na hindi magandang tingnan ang babaeng naghahabol sa lalaki?”
     “Nagpapa-cute lang naman ako sa ’yo,” depensa ng dalaga. “You make it sound like it’s a bad thing.”
     “You dangle yourself in front of me like a pound of prime grade tuna. Kung ibang lalaki lang ako ay pinatulan na kita.”
     “Bakit ba kasi ayaw mo akong pansinin? Matagal na akong may crush sa ’yo. ’Tapos, ang sexy ko na ngayon. At saka dati na akong maganda!”
     Nahirapan ang binata na sagutin ang tanong na iyon. Gracie is indeed an effing beautiful woman.
     Sadya yatang inihulog ito ng tadhana para sukatin ang tibay ng dibdib ni Ace….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!