Posted on

New Release For My Special Valentine Premium!

Want to read the story teasers?

A Special Memory

By Doreen Laroya

     Bagaman nag-iisa at walang maalala tungkol sa kanyang nakaraan, tahimik ang buhay ni Avarie. Hanggang sa makilala niya ang arkitektong magre-renovate ng mansion na paborito niyang pasyalan.
     Sa kung anong dahilan, matalim ang mga tingin ni Arch. Dean Arcance sa kanya at may nakakatakot na damdamin itong binubuhay sa puso niya—damdaming hindi niya alam kung bakit pamilyar sa kanya.
     Malakas ang kanyang pakiramdam na may mahalagang bahagi ang binata sa nakaraan niya, pero hindi niya ito maalala kahit gaano pa niya gustuhin.
     Subalit nang sa wakas ay malaman ni Avarie ang koneksyon nila ng lalaki, pinuno ng kapighatian ang dinulot niyon sa kanya.
     Dean was once hers, at naiwala niya ang lahat sa kanila dahil nakagawa siya ng isang malaking pagkakamali….

Ravished

By Arianne Cole

     “I’ll wait for you while you pack,” anunsyo ni Wulfric.
     “Pack?” nagkasalubong ang mga kilay na ulit ni Dulce.
     “Hindi ligtas para sa ’yo ang lugar na ito, Dulce. Ililipat kita ng tirahan,” he said with finality.
     “No.”
     “The hell you won’t!”
     “I won’t be your whore. Ayokong tumanggap ng kahit ano mula sa ’yo pagkatapos nang n-nangyari s-sa atin. It would feel like you’re p-paying me back for… for…”
     “Your hymen?” he supplied blandly.
     Her cheeks burned. “Y-yes.”
     “That was never my intention, Sweetheart. It never even occurred to me that way. But whatever we did last night, it only made you one thing, Dulce. It made you mine. And what is mine, I protect.”

A Bride For David

By Elise Estrella

     Ginawa ni Denise na komplikado ang buhay niya. She slept with her new stepmother’s ex-boyfriend. At para dagdagan pa ang mala-telenovela plot na iyon, mahal pa rin ni David ang kanyang madrasta habang siya ay in love sa lalaki.
     Pakiramdam tuloy ng dalaga ay bipolar na siya. Binaha siya ng samu’t saring emosyon: Una na ang tagumpay dahil natikman na niya sa wakas ang lalaking pinapangarap! Pero naroon din ang pagsisisi dahil kahit anong anggulo, mali ang ginawa niya; at ang kawalan ng pag-asang magiging higit pa sa isang gabi ang relasyon nila ni David.
     Sinabi ni Denise noon sa sarili na tama na ang isang gabi, makasama lang niya si David. Nagkamali siya. Kahit pala habambuhay yata, kulang pa rin para sa kanya….

Shattered Memories

By Dior Madrigal

     “Hindi ko alam kung ba’t ganito ang nararamdaman mo, Iñigo. It’s probably a side effect of your memory loss. But we’re over. And we’re not getting back together.”
     “Do you know what I first did when I woke up?” usal nito. “I looked around the room. I didn’t know what I was looking for. All I knew was that I was waiting for something. Then, I saw your face on the computer screen.” Isinandal nito ang noo sa kanya. “At nasagot ang tanong ko. I may have lost my memories of you, but there are some things more powerful than memories, Olivia. I don’t know what happened, but I’m going to find out. And we’re sticking together.”
     Sa katigasan ng ulo ni Iñigo, mukhang mahihirapan si Olivia na kumbinsihin itong iwasan na siya. Pero iyon ang tamang gawin. Para sa kaligtasan na rin mismo ng binata….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!