Posted on

New Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Aston

The Brotherhood Series (Book 1 of 4)

By Jade Anne Franco

     Aston treats Luiz as his grandfather. Mula nang yumao ang kanyang ama, ito na ang itinuring niyang pamilya kasama ng tatlo pang kabataan. Luiz showed them unconditional love, and cared for them like they were his own.
     Kaya naman nang biglang namatay ang matanda, walang pagdadalawang-isip nilang iniwan ang kanilang mga trabaho at umuwi sa Maynila, only to find out that his death wasn’t an accident. Luiz was murdered. And Aston vowed to make his murderer pay.
     But all his plans went haywire when he realized that the first woman to ever touch his cold heart may have something to do with the death of his dear friend….

Brett

The Brotherhood Series (Book 2 of 4)

By Jade Anne Franco

     Wala sa plano ni Ianne ang mag-asawa out of love. Kapag nagpakasal siya, sisiguruhin niyang aware ang kanyang mapapangasawa na bitbit niya ang kanyang nanay, ate at ang dalawang pamangkin. Package deal na iyon. Ang tanging pangarap niya ay ang maging maayos ang buhay nilang lahat.
     Pero natagpuan ni Ianne ang peste ng buhay niya sa tapat ng pinapasukan niyang restaurant. Gaya noong high school, presko, bastos at mayabang pa rin si Brett Jones. At nilalandi siya nito, nagkukunwaring seryoso sa panliligaw sa kanya kahit halatang womanizer pa rin ito gaya nang dati.
     Kaya naman, kagaya rin noong high school sila, walang habas pa rin niya itong binabara. And like the coward that she was years ago, Ianne still chose to deny her feelings for him and save herself from heartaches….

Jesse

The Brotherhood Series (Book 3 of 4)

By Jade Anne Franco

     Mula nang bumalik sa Pilipinas si Jesse, halos araw-araw na niya nakikita si Claudette, ang best friend ng kanyang kinakapatid. He loved getting to see her, and he was pretty sure he would love it more if he could get to touch her, too, which was what he had always wanted to do since they were teens.
     Pero bata pa lang ay alam na ni Jesse na walang patutunguhan ang anumang nararamdaman niya para sa dalaga. Alam na niya iyon mula pa nang kausapin siya ng nanay ni Claudette. Malinaw nitong sinabi ang maganda nitong plano para sa kinabukasan ng anak, and a dirtbag like him could never be a part of that future.
     Hindi na siya quince años, at hindi siya sigurado kung kaya ba niyang pigilan ang sariling gumawa ng hakbang, lalo na kung araw-araw niyang makikita ang malditang dalaga na panay ang pagpapakita ng interes sa kanya….

Robbie

The Brotherhood Series (Book 4 of 4)

By Jade Anne Franco

     Robbie loved Anya since the first time he saw her. Pero ang dalaga ang kaisang-isang pinangangalagaan ng taong pinagkakautangan niya nang malaki sa buhay— ang lolo nitong si Luiz. At sa tingin ng binata, tatraydurin niya ang pagtitiwala ng matanda kapag hinayaan niya ang sariling mahalin nang tuluyan ang dalaga. So he decided to keep his feelings to himself even after the old man died.
     Pero nang muling malagay sa alanganin ang buhay ni Anya sa kamay ng taong kilalang-kilala niya, hindi na nagdalawang-isip pa si Robbie: He went straight to her hotel room and kissed her like he had always dreamed of….

Taking Chances

By Kylie Montiel

     “Ang gusto ko lang sabihin, that kiss sort of proved something. And maybe it’s worth giving this one-month trial affair a try.”
     Gustong paypayan ni Vicki ang sarili. Hindi niya inaasahang si Ivan pa mismo ang magsasabi niyon. “But I am not your type, right?” untag niya.
     “At hindi mo rin ako type.” He grinned. “There’s always a first time, Vicki.”
     Huminga siya nang malalim. “Siguruhin mo lang na hindi mo ako pinagtitripan.”
     Nangunot ang noo ng lalaki. “Bakit ko gagawin iyon? I am too busy for games. I date a lot before, but I never played around.”
     Yeah, right.
     “Don’t think of it as a trial affair, or you’ll miss the fun. Tayo na, period. Huwag muna tayong ma-conscious sa life span nito. Let’s just enjoy, all right?” pagkumbinsi pa ni Ivan.
     Tumango si Vicki. Saka na lang niya iisipin ang consequences ng desisyon niya. “Fine, let’s give this trial affair a chance.”

Freedom And Love

By Joelle Madison

     Biglang nagkaroon ng instant ‘ampon’ si Summer sa bahay nila nang isang araw ay walang babalang naabutan niya ang isang estranghero sa loob ng kanyang kotse. Ayon kay Adam Kronos Gomez, lumayas ito sa mansyon ng pamilya nito. Ilang beses nang pinagtangkaan ang buhay ng binata, kaya nagdesisyon ang mga magulang nito na manatili na lang ito sa bahay at bantay-sarado ng mga bodyguards sa lahat ng oras. Na-bore ang lalaki sa ganoon kaya minabuting lumayas. Kung suwerte o malas, di pa sigurado ng dalaga, pero kotse niya ang napili ni Adam na gawing getaway car.
     At noon nagsimula lahat ng gulo. Natagpuan na lang ni Summer ang sarili na umiibig sa kanyang pekeng nobyo—yes, iyong mismong lalaking pinatira niya sa kanyang bahay….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!