Posted on

New Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

The Enticing Escort

By Alexie Aragon

     Nang kailanganin ni Jacob ang serbisyo ng isang ‘lady escort’, ang nobya niya mismo ang naghanap niyon para sa kanya. Ang nasabing escort ang nakasama niya aboard Empress Alexandra a.k.a. The Sinful Yacht, na isang floating casino.
     Siyam na buwan makalipas, sumulpot sa kanyang opisina si Audrey, ang maganda at kaakit-akit niyang escort noon sa barko. Ayon dito, mayroon daw silang two-month-old daughter na noon ay nasa ospital di-umano.
     Hindi alam ni Jacob kung maniniwala ba siya sa dalaga; baka kasi kailangan lang uli ni Audrey ng pera at rumaraket lang.
     Pero bakit kamukha yata niya ang bata?

It Must Be Love

By Eve Rodziewicz

     “I want you to make love to me, kahit ngayong gabi lang,” hiling ni Lara na halatang lasing na.
     Robert’s throat went dry. “You are beautiful and desirable to me, pero hindi ko kayang pagsamantalahan ang kahinaan mo.”
     “You don’t have to lie. Alam kong hindi ako maganda para sa ’yo. At alam ko ang hinihiling ko. Kung ayaw mo, maghahanap ako ng ibang lalaking willing gawin ito.”
     He grabbed her waist. “I will not let any man touch you.” Tinitigan niya ang dalagang nakangiti na nang matamis. “Sigurado ka ba sa gusto mo?”
     “I’m sure. Basta ngayong gabi lang ang hiling ko. Bukas, iisipin natin na walang nangyari. Ganoon lang. Are you in or out?”
     “Definitely in.” He captured her lips. Bukas na niya iisipin ang consequence ng lahat ng ito….

With Each Song

By Sachi Bliss

     Nagsawa na si Lena sa ilang taong tahimik siyang nagmamahal at nasasaktan dahil sa best friend niyang si Lewis na wala namang ideya kung ano ang tunay niyang nararamdaman para rito. Kaya nagdesisyon siyang lumayo na lang kaysa patuloy na pahirapan ang sarili at magmukhang tanga.
     But months before she was scheduled to leave, Lewis surprised her with a big decision. Sa halip tuloy na unti-unti siyang umiwas dito ay napilitan siyang mas bigyan pa ito ng panahon. Dahilan din iyon upang mabuhay ang pag-asa niyang baka may pagtingin din si Lewis sa kanya.
     Now, she’s caught between staying and letting go….

Miss Fake

By Sefah Mil

     Isang pekeng espiritista si Merlot. Trabaho lang talaga sa kanila ng tiyuhin na manloko ng tao, wala iyong personalan. Pero mas naging exciting ang mga bagay-bagay nang puntahan nila ang isang mansion na nakatayo sa ibabaw ng bundok para itaboy ang isang multo.
     Franco Anatolia, the overworked but sexy owner of the property, saw through her disguise and wanted her thrown out of the house… pronto!
     Puwes, hindi magpapatalo si Merlot. Kailangan niyang makaisip ng ideya kung paano makakaganti sa Franco na iyon….

Love Unscripted

By Elise Estrella

     Dahil sa bulutong, si Alyssa ang nauwing ka-date ni Tyler Castañeda—ang sikat na actor, commercial at print ad model na milyun-milyon ang tagahanga.
     Hindi niya inasahang mas guwapo ito at mas interesante sa personal. Likas na mababa ang loob nito at mabait sa lahat. Hindi niya tuloy naiwasang magka-crush sa binata—crush na unti-unting lumalim habang lalo niya itong nakikilala.
     Pero mala-panaginip man ang lahat sa piling ng aktor, alam ni Alyssa na darating at darating pa rin ang panahon na kailangan niyang gumising.
     She’s just a lowly barista from a no-name coffee shop, while Tyler is the man in every woman’s dreams. Masyadong malayo ang diperensya nila….

Noon Pa Man

By Adrienne Rowland

     Ang brokenhearted na si Bea ay nagtungo ng probinsya upang magbakasyon at makalimot sa kabiguan. Ngunit ang nadatnan niya roon ay panibagong problema. Hindi niya akalain na ang may-ari ng lugar na pagbabakasyunan niya ay si Leon, ang ex-boyfriend ng artista at dating kaibigan niyang si Ysa Concepcion!
     Hindi maganda ang break-up ng dalawa dahil nahuli mismo ni Leon si Ysa na may iba pa palang nobyo bukod dito. At ang siste ay kasangkot si Bea sa panlolokong iyon ng babae.
     Ngayong nasa hacienda siya, paano hihingi si Bea ng sorry kay Leon? Hindi man siya ang nanloko, pero kasali siya sa gulo.
At paano kung ma-realize niyang in love pala siya kay Leon noon pa man?

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!