Posted on

New Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Here Comes The Anti-Bride

Wedding Disasters (Book 1 of 3)

By Ingrid De La Torre

     She loves him. He loves her not. Iyon ang sitwasyong kinakaharap ni Dee-Dee, the great executioner of evil slash cute cosplayer, dahil sa dinami-rami ng tao sa mundo ay sa kuya-kuyahan niya pa tumibok ang kanyang puso—sa guwapong si Taylor Laguardia, who has a god-like charm, na bukod sa nakababatang kapatid lang ang turing sa kanya ay nakatakda pang ikasal sa ibang babae.
     Hindi siya makapapayag na mawala sa kanya ang binata at ikasal ito sa fiancée nito. Gagawin niya ang lahat huwag lang makaapak ng aisle ang bride kesehodang magpanggap pa siyang may malubhang sakit. She is, after all, ‘Dee-Dee, the Anti-Bride’.
     Hanggang sa magbago ang lahat dala ng isang misteryosong singsing….

Will You Remarry Me?

Wedding Disasters (Book 2 of 3)

By Ingrid De La Torre

     Disaster ang kinahantungan nang ma-in love si Sancho Cunningham, ang basketball team mascot ng university, sa cheerleader na si Anastasia ‘Tasha’ Anierdes. Kaya naman inis na inis ang dalaga sa tila walking negative vibe na binata. Ngunit sadya yatang magkadugtong ang guhit ng mga palad nila pagkat naikasal sila, bagaman hindi rin iyon nagtagal dahil iniwan niya ang lalaki.
     Paano itatama ni Tasha ang pagkakamali kung ang dating tila santo sa kabaitang asawa niya ay sobrang nagbago na? He has created a new version of himself out of hate and madness.
     Hanggang sa dumating ang isang misteryosong singsing at muling dinala nito sa buhay niya si Sancho, hindi na bilang isang mascot kundi big boss ng kompanyang kanyang pinagtatrabahuhan….

You May Kiss The Dark Bride

Wedding Disasters (Book 3 of 3)

By Ingrid De La Torre

     Two things to describe Jigger Erizawa: one, he’s a man of the world; two, he’s not cut out for love. Hanggang sa dumating ang isang misteryosong emerald ring na dapat niyang isauli sa babaeng nagmamay-ari niyon. It’s a very ordinary task except that the woman involved may be everything but ordinary. Isang tattoo artist na may kakaibang personalidad—numb, scarred and dark—iyon si Felicima ‘Pippa’ Inosentes.
     Tumibok ang puso ni Jigger para sa dalaga, pero hindi magiging madali ang lahat para sa kanya dahil may ‘past’ na silang dalawa at hindi iyon maganda. Ngayon ay handa siyang gawin ang lahat, kahit na umabot pa sa puntong ipilit niyang pakasalan siya ni Pippa kapalit ang mahalagang singsing.
     Will he ever get her heart? Will he be able to kiss the dark bride?

Inscribed On My Heart

By Kriss Dela Roca

     Atty. Flavio Madrigallo has everything life could ever offer—money, good looks, brains, good name, and a good career. Isa na lang ang kulang: love life. At natagpuan niya iyon sa katauhan ni Annie, ang anak ng isa sa kanyang mga kliyente. She’s all he ever wanted for in a girlfriend and eventually, in a wife. Laking galak niya nang hayagang idineklara ng dalaga ang pagkagusto sa kanya.
     Maayos na sana ang lahat kung hindi lamang niya natuklasan ang isang lihim na nag-ugnay sa kanyang pamilya at sa pamilya ng nobya.
     Now, he’s torn between two loyalties—his love for his family and his love for Annie.

Nico’s Heart

By Cassandra Victoria

     Kilala si April Heart Navales bilang manipulative and bratty campus princess. Nakukuha niya ang lahat maliban lang sa isang bagay: ang atensyon ng crush niyang si Brandon Mercado. Gagawin niya ang lahat makuha lang iyon, kahit ang tanggapin ang transformation lessons na inalok ni Nicolo Horacio Pozon.
     Ang hindi niya napaghandaan, napasama sa nag-transform ang kanyang puso—na nauwi lang sa una niyang heartbreak.
     Sa panahong akala ni April ay handa na ang kanyang puso, bigla namang sumulpot sa harap ng unit niya si Nico. At kung ang mga inaakto nito ang pagbabasehan, mukhang hindi lang paliwanag ang hinihingi nito sa kanya.
     He is back to have her for good….

More Than You’ll Ever Know

By Dani Alba

     “Why are there people like you, Jordan? Guwapo, mayaman, nagtapos sa isang university sa LA, ’tapos sikat pa?” tanong niya sa binata.
     Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Lara na isang kagaya nito ang nakapisan sa simpleng bahay nila at ngayon ay kaibigan na niya.
     “And why are there people like you, Lara? Simple, unaffected, masaya, kontento at maganda?” Hinawi nito ang ilang hibla ng kanyang buhok at inipit sa tainga niya.
     Natilihan siya. Lalo na nang yumuko ito sa dako niya. Kusang umangat ang kanyang kamay upang itakip sa bibig bago pa siya nito mahalikan.
     Pero nasilip ng dalaga ang disappointment sa mga mata ni Jordan at bigla siyang nakaramdam ng guilt….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!