Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

The Right One

By Dior Madrigal

     Dapat huminto na si Liam sa kaiisip tungkol sa dalaga. Yvette had made it perfectly clear that she wanted nothing to do with him. Fine. Gusto niya ang babae, inaamin niya pero hindi niya hahabulin ang isang taong panay ang iwas sa kanya.
     Ano ba ang problema ni Yvette sa kanya? Wala naman siyang body odor. Masyado ba siyang aggressive?
     Anyway, that’s the end of it, because he’s not going to keep pursuing a dead end. Nagsasayang lang siya ng oras. May mga chemicals talagang hindi compatible; may mga equations na hindi tama ang solution. Kaya dapat tigilan na niya ito at huwag nang isipin pa.
     Desidido siyang tumango sa sarili.
     Yes. He would stop thinking of her.
     Pero namalayan na lamang niya ang sarili na parang stalker na nakatambay sa harap ng bahay ng dalaga….

Runaway Groom

By Jasmine Han

     Sunud-sunod na malas ang dumating kay Pinky: napurnada ang big time project niya sana, naaksidente, napabalitang kalaguyo ng isang sikat na personalidad, nasunugan ng bahay. At isa lang ang sinisisi niya sa lahat ng iyon: si Hugo Vasquez, ang runaway groom sa huling wedding event na hinawakan niya bilang planner.
     Sa kagustuhang bumawi sa kanya, nagboluntaryo ang binata na patirahin siya sa bahay nito. Naiinis man, wala siyang ibang pagpipilian kundi ang sumang-ayon.
     Pero sa sulok ng isip niya ay naroon ang payo ng kaibigan niya. Magandang pagkakataon na iyon para isakatuparan ang matagal na niyang pangarap na magkaanak. Perfect ‘donor’ na raw si Hugo para maging tatay ng magiging anak niya. Poproblemahin na lang niya kung paano ito aakitin habang nandoon siya sa poder nito….

Awaken My Heart

By Aileen Samson

     Minsan nang may nangyari sa kanila ni Miguel San Jose. It was when she was young, stupid and madly in love with him. Halos dalawang taon din ang sinayang ni Lexi sa pag-iilusyon na mamahalin siya ng lalaki. Iyon pala, may iba itong mahal.
     Nasaktan siya nang husto. How could he make passionate love to her, and then drop her like a hot potato? Lumayo siya upang paghilumin ang puso.
     Eight years later, their paths crossed again. Siya na si Dra. Lexi Santiago at si Miguel ang kanyang pasyente. The once high and mighty Air Force lieutenant is down and broken.
     Kaya ba niyang tulungan ang lalaking minsan nang nagpaiyak sa kanya?

Keeping Promises

By Sachi Bliss

     Napilitan lang si Hari na tanggapin ang misyong ibinigay sa kanya ng kuya niya. Iyon ay ang kumbinsihin ang reluctant heir to a hotel empire na si Colin Eleazar na sumama sa kanya upang simulan na ang proseso ng paglilipat dito ng pamamahala ng kompanya. It was a tough order, knowing fully well that Colin would rather live a quiet farm life than be a corporate hotshot, ngunit naging matagumpay siya roon.
     Kaya lang ay hindi siya nagtagumpay na i-resist ang charms ng binata. At hindi maaaring mahulog ang loob niya kay Colin dahil sa umpisa pa lang ay hindi naman siya naging tapat dito.
     Pero bakit pa pipigilan ni Hari ang nararamdaman ngayong sa tingin niya ay mas karapat-dapat siya para kay Colin, kaysa sa bruhang ex nitong nagbabalik sa buhay nito?

Beyond Forever

By Abby Herrera

     Naisip ni Belle, lahat naman ng tao ay may karapatan sa pag-ibig. All is fair in love and war. Mahal niya si Dean. Sigurado siya roon. After that kiss, she could not imagine herself kissing another man. Ang binata ang nais niyang makasama habambuhay at sigurado siyang di na siya magmamahal ulit ng iba.
     She loved Dean. At ikinatatakot niya ang damdaming iyon. It was the kind of love that could make her forget herself, her own feelings, her plans and principles. Batid ni Belle, kaya niyang gawin ang lahat para sa lalaki. Kahit ang pilitin itong mahalin din siya.
     Kaya nagplano siya at maayos iyong isinagawa. Ang sumunod niyang nalaman, Mrs. Dean Jacob Guevarra na siya.
     Sa kanya na nga si Dean sa wakas, pero tinatanong pa rin ni Belle sa sarili kung mangyayari pa bang masusuklian ng asawa ang pagmamahal niya….

My Wedding Singer

By Evangeline Grace

     Isang social worker at wedding singer si Tala. Sa dami ng kanyang ginagawa sa buhay, wala na siyang panahon sa lalaki. Pinili lang talaga niyang hindi maglaan ng panahon dahil sa madilim na nangyari sa kanya at sa ex-boyfriend niya. Ngunit madali lamang siyang nakabangon dahil sa tulong ng mga kaibigan niya.
     Tanggap na niyang hindi na siya magugustuhan ng kahit sino kapag nalaman ang sekreto niya. Pero nakilala niya ang kapatid ng kanyang best friend. Kung okay lang sa kanya noon na tumandang dalaga, parang ngayon ay hindi na.
     Ngunit paano mangyayari iyon kung mayroon siyang karanasang hindi katanggap-tanggap para sa lalaki? Hindi na ba siya maaaring maging bride? Maybe she was born to become a wedding singer—just a wedding singer and not a bride….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!