Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

The List

By Dior Madrigal

     Na-realize ni Nadia, maiksi lang ang buhay. So she decided to make a list of the things she wants to do, at sinimulang aktuhan ang mga iyon.
     Una sa listahan? Lose her virginity. Ang high school archenemy niyang si Levi Raul Serquiña ang best choice para roon. Unattached, sexually talented (ayon sa chismis) and always available for a one-night stand. Uncomplicated. Yup, perfect.
     Pero mukhang nagkamali siya. After the deed, Levi wouldn’t stop pestering her until she explains herself. At hindi iyon kasama sa plano.
     Lalong wala sa listahan na magkita silang muli, ulitin nila ang nangyari hanggang sa mahuli silang magkasama sa kama ng mismong nanay nito….

Enchanting Distraction

By Jade Anne Franco

     Natatawang napailing si Vance. “Why would I want you off my back if I like you in the first place?”
     “That’s what I want to find out.” Lumapit si Saskia; hindi sumusuko sa pakikipagtitigan sa kanya.
     “You really wanna know the reason?” pikon nang sabi ni Vance. “You don’t interest me. You are what you show you are—a selfish, promiscuous girl who have no morals. You may have a pretty face but that is all that you have. Forgive me for wanting something more… and it’s simply not you.”
     Matagal na blangko ang ekspresyon ng kaharap. “Very well said,” mayamaya ay saad nito. “Forgive me for wasting your time.”
     Tumalikod si Saskia at ang tanging nagawa ni Vance ay ang sundan ng tingin ang dalaga. Sa kung anong dahilan, hindi siya masaya. If anything, he felt cold and empty… and like a first-class jerk.

Stay Forever

By Monette Hernandez

     “So, aalis ka na talaga?” Hindi sigurado si Lauren, pero parang may panic sa boses ng estranghero nang magpaalam siya.
     Sinalubong niya ang titig ng lalaki. “I have to.”
     Hinaplos nito ang mukha niya. “Why?”
     Awtomatikong inihilig niya ang pisngi sa palad nito. “Hindi ko naiintindihan ang nangyayari.” Alam niya, naiintindihan ng binata kung ano mismo ang tinutukoy niya—iyon iyong matinding atraksyon sa pagitan nila kahit ngayon lang sila nagkakilala. “It’s crazy, alam ko. But be with me. Stay with me.”
     Sa sandaling iyon, itinapon na ni Lauren ang lahat ng alalahanin sa hangin. For once, hindi niya gagamitin ang utak. Hindi na siya nagsalita, lumapit na lamang siya at yumakap sa binata.
     Nang magtagpo ang kanilang mga labi, para siyang magliliyab sa init ng kanilang halik….

Broken Soul

By Doreen Laroya

     Sa unang pagkakataon matapos ang walong taon, nagkaroon muli ng interes sa isang lalaki si Diane.
     She knew Francis wanted her. At alam niya nang buong puso na ni hindi nito iisiping saktan siya. They both desired each other with unimaginable intensity. Para silang mga tuyong kahoy na madikit lang sa apoy ay sisiklab na. Pero ang problema ay ang multong basta na lang sumusulpot kung kailan darang na sila. Hihinto si Francis sa unang senyales ng pagtanggi mula sa kanya. Kahit hindi nito ipinapakita, mararamdaman ni Diane ang frustration ng lalaki.
     Hindi niya kayang saktan ang binata nang paulit-ulit. Kailangan na niyang sabihin dito ang kanyang sekreto. At kung pipiliin nitong lumayo pagkatapos, palalayain niya si Francis.
     He deserved someone better than the broken soul that she was….

Once Upon A Dream

By Edith Joaquin

     Surreal, naisip ni Dream mula pa noong una niyang mamataan si Isaac. Akala niya ay nananaginip siya. Siguro naa-identify lang niya ito bilang isa sa mga bidang lalaki sa nababasa niyang mga nobela. Bagay kasi rito ang maging romantic hero—bukod sa guwapo, matalino at mabait itong tao.
     Tuloy, mula nang makilala niya si Isaac, hindi na tumigil ang kanyang imahinasyon sa kapapares niya sa sarili rito.
     Ilusyonada kasi siya, sabi ni Dream sa sarili. Magkaibigan lang sila ng binata, pero kung anu-ano ang hinihiling niya.
     Crush na niya talaga si Isaac—iyong tipong crush na dangerously bordering on falling hopelessly, irrevocably in love….

More Than A Fairy Tale

By Therese Fajardo

     Todo-deny si Iska na attracted din siya kay Andres Syquia. Kahit nagpahayag ng interes ang binatang isa sa big bosses sa kompanyang pinapasukan niya, ilang beses niya itong binigo dahil may nobyo na siya.
     Pero sa malas, iniwan siya ng katipan at ipinagpalit sa iba.
     Hindi siya pinabayaan ni Andres na mag-isa. Willing itong tulungan ang dalaga na harapin ang mga intriga sa opisina, pati ang pagpapamukha sa two-timer niyang ex-boyfriend.
     Aaminin na ba ni Iska sa wakas na ginugulo ng binatang executive ang isip niya noon pa mang may nobyo siyang iba? Ngunit bago pa niya tuluyang makumbinsi si Andres na totoong mahal din niya ito, nataniman na ng kasinungalingan ng ibang tao ang isip ng binata….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!