Posted on

Release For Pink & Purple and My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Hu U?

By panjo

     “So… gusto mong magkaroon ng girlfriend?” tanong ng babaeng unang beses na nagparanas sa akin na maging shoulder to cry on.
     “Oo naman. Pero sino ang papayag na maging instant girlfriend ko?” sabi ko.
     “Ako! Papayag ako na maging instant girlfriend mo! Pero magpapanggap lang, ah,” sagot ni Jane.
     “Ano’ng ibig mong sabihin?” May sira yata sa ulo ang babaeng ito.
     “Pathetic na kung pathetic ang move na ’to. Pero gusto kong ipamukha kay Dexter na kaya ko din siyang palitan agad. Kung papayag kang magpanggap na BF ko, magagawa ko iyon. On your part naman, mapapahiya na ang mga kumakantyaw sa ’yo dahil magkaka-GF ka na sa wakas.”
     Naisip ko, wala namang mawawala sa akin kung susubukan ko. Gusto ko lang magkaroon ng kaunting excitement ang boring kong buhay.
     Malay ko ba na mismong puso ko pala ang kapalit nito?

Preserve The Love

By Ryza San Miguel

     Todo-todo ang tanggi ni Keiro nang malamang ipinagkasundo siya ng ina para pakasalan ang anak ng kaibigan nito. Mabuti na lang, gumana ang katangahan ng Kuya Keiffer niya at nag-volunteer ito para pumalit sa puwesto niya bilang mapapangasawa ng kung sinumang malas na iyon.
     Laking gulat niya nang makilala niya ang kanyang future sister-in-law: walang iba kundi ang high school classmate, archenemy at secret crush niyang si Lyndy Sanchez.
     Ang babae rin ang rason kung bakit nagpakatanggi-tanggi siya sa arrangement ng kanilang mga ina. Umaasa kasi siyang magkikita sila uli at masasabi niya na sa dalaga ang matagal nang ‘reserved’ na damdamin para rito.
     Akalain ba ni Keiro na si Lyndy rin pala iyong babaeng tinanggihan niyang mapangasawa? Kung nalaman lang niya agad sana….

Stardust In Her Heart

By Autumn Castillo

     Ayon kay Michael, pinauwi ito ng best friend ni Megumi para bantayan siya at umaktong kapalit muna ni Caspian habang hindi pa bumabalik ang matalik niyang kaibigan. Pero habang unti-unting natutuon ang atensyon niya sa bagong kasa-kasama, na-realize ni Megumi na iba ang damdamin niya kay Michael kumpara sa gaan ng loob niya sa kanyang best friend.
     Kung kailan tuluyan na niyang minahal ang binata saka niya nalaman ang totoo. She was only a mission for him; pinaibig siya bilang pagsunod sa utos ni Caspian.
     At bagaman, maganda ang intensyon ni Michael, lumabas na kasinungalingan lang ang lahat. Hindi totoong minahal din siya nito….

My Heart And Seoul

By mydearwriter

     Walang love life si Millen. Kaya kahit nanalo ng trip to Seoul, Korea, hindi siya excited doon. Bothered kasi siya sa kaisipang sa kabila ng exciting na trabaho niya bilang fashion editor at writer kung saan marami siyang guys na nakikilala at nakakahalubilo—loveless pa rin siya. Samantalang lahat ng mga kaibigan niya, kung hindi may-asawa na ay malapit nang ikasal.
     Then, naisip ng best friend niya, malay niya raw baka makita niya sa Korea ang lalaking nakatadhana sa kanya. Sa isiping baka magdilang-anghel ang kaibigan, mabilis pa sa alas kuwatrong lumarga na si Millen.
     Pero panira naman sa kanyang paghahanap ng love life ang ‘sungit king’ at kapwa niya winner sa trip na si Javi Miller. Madalas nitong sirain ang mood niya na malapit na siyang maniwalang ipinaglihi ito sa regla o kaya ay kay Hitler….

Coffee With Ampalaya

By Rue Mondragon

     Ang kondisyon ng lolo ni Gormund, maghanap siya ng disenteng babaeng magmamahal sa kanya. Madali sana dahil sa tikas at gandang lalaki niya, marami talagang nagkakandarapa sa kanya. Kaso ang gusto ng kanyang abuelo, maghahanap siya ng babaeng magkakagusto sa kanya habang nakasuot siya ng Afro wig, rubberized gum na isinusubo para mukhang nakaumbok ang itaas ng labi niya, at pekeng ilong na sarat.
     Kung hindi lang niya kailangan ang perang ibibigay ng lolo niya para masimulan ang expansion ng papalugi nilang trucking business, hindi siya sasang-ayon sa kalokohang iyon.
     Pagkatapos, noon pa niya nakilala si Sharee de Dios, ang tanging babaeng totohanang nagpatibok ng kanyang puso. Gusto nang hubarin ni Gormund ang pangit niyang maskara para maligawan na niya nang maayos ang dalaga.

Mischievous Romance

By Cassandra Victoria

     Hindi naman talaga inis si Jhoey kay Marcus, umiiwas lang siyang ma-develop sa binata. Kaso dahil nagbabayad ito ng renta sa kanya at madalas siyang ipagluto, mahirap iwasan ang magkagusto, lalo pa ang manatiling asar, sa lalaki. Nalimutan tuloy ng dalaga ang heartache niya mula sa kanyang ex na nakabuntis ng ibang babae. At di nagtagal, na-in love na nga siya sa boarder niya.
     Pero biglang dumating ang isang babaeng nagpakilalang fiancée ni Marcus. At ngayon, hindi na niya sigurado kung ano talaga siya sa lalaki. Fling ba? Future kabit?
     Hindi niya maatim na maging hadlang sa kaligayahan ng kanyang boarder, kaya minabuti ni Jhoey na umalis na lang at umiwas.

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!