Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Jack And Jillian

By Doreen Laroya

     Twelve years ago, Jillian was a lovestruck, unwed and pregnant teenager. She lost her baby the same week she discovered she was carrying a life inside her. The incident changed her.
     Ngayon ay isa na siyang abogada na unti-unting gumagawa ng pangalan sa larangan ng criminal law. Tinanggap niya ang kaso ni Jack para tiyakin sa sariling nabura na ang damdamin niya sa binata. Akala niya ay madali lang iyon. She is a grown woman now and a professional. But one look at the eyes of her former best friend cracked her defenses. At sa bawat araw na kasama niya ito ay unti-unting nabubuwag ang harang na ipinalibot niya sa kanyang puso.
     Kung hindi magiging maingat si Jillian, babalik lang siya sa labing-anim na taong gulang na teenager na in love na in love sa lalaki. Hindi niya iyon dapat payagan. She has to resist Jack. She must!

Nang Muling Umibig Ang Puso

By Angela Pangilinan

     Labis na pagdurusa ang nadama ni Engr. Troy Rommel Romero nang ikasal sa ibang lalaki ang babaeng pinakamamahal niya na si Louise. Nang ikasal ito, inakala niyang di na niya kakayanin pang umibig muli.
     Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Sa mismong araw ng kasal ni Louise ay nakilala niya si Lala. Nagsama sila ni Lala sa loob ng isang araw, na nauwi sa isang gabi na kapwa di nila nalimutan. Subalit bigla na lamang nawala na parang bula ang dalaga matapos ang pagsasalo nila nang gabing iyon.
     Gayunpaman, determinado si Troy na makitang muli si Lala. Gagawin niya ang lahat masilayan lamang ulit ang babae. At sa sandaling mahanap niya ito, hinding-hindi na niya hahayaang mawala ang dalaga sa piling niya. He would do anything to get the woman who taught him how to love again….

His Only Love

By Jade Anne Franco

     Years ago, Marco did what he had to do. Alam niyang matindi ang pagkakagusto sa kanya ni Shellie. Pero napakabata pa nila pareho at alam niyang gaano man kaespesyal ang pagtitinginan nila ay mawawala rin iyon gaya ng mga relasyon na napagdaanan niya. Kaya kahit gaano kahirap ignorahin ang dalaga, na hindi ikinahihiyang ipakita sa kanya ang damdamin noon, ay ginawa niya. A few months before going away to college, he had managed to completely break Shellie’s heart.
     Inakala ni Marco na makakalimutan din nila ang nararamdaman noon. It seems true for Shellie, pero ibang istorya ang nangyari sa kanya. His admiration for her seemed to have grown stronger. And it irritates him.
     Lalo na ngayong ang babaeng siyang may kasalanan kung bakit parang teenager na di-mapakali ang hormones niya ay isang dingding lang ang layo mula sa kanya….

The Mariner’s Sweetheart

By Alexie Aragon

     Dahil sa tinatawag na ‘saudade feeling’, nag-back out si Cassie sa kasal na labis na ikinagalit ng kanyang mga magulang.
     Iniwan niya ang lahat para balikan ang dating nobyo na ngayon ay isa nang marine engineer—si Ryland na minsan na niyang tinalikdan dahil sa pamilya niyang ayaw sa lalaki.
     Pero mukhang nakarma si Cassie dahil walang balak si Ryland na pakasalan siya ngayon. Gayunpaman, gagawin niya ang lahat mapatino lang ang minamahal na naughty-cal engineer—sukdulang sundan niya ito sa Queen Margaret cruise ship kung saan nagtatrabaho ang binata….

Kahit Kunwari Lang

By Agatha Grace

     “Ayaw mo bang mapaligaya si Lolo Manuel?” tanong ni Clint kay Lianne. “Kasabay n’un, mapapaligaya ko rin si Lola Carmen.”
     “Gusto siyempre,” agad niyang tugon. “Pero hindi sa ganitong paraan.” Umirap siya sa kausap.
     “Pero ito ang gusto nilang paraan,” giit ng binata.
     “Pero—”
     “Naduduwag ka? Natatakot ka bang ma-in love ka sa akin kaya ayaw mo?” Sinabayan pa iyon ng lalaki ng pilyong ngiti.
     “Ang kapal mo! I will never fall for you,” sabi niya. “Ang yabang-yabang mo.”
     “So, it’s a deal,” pagsasara ni Clint. “Let’s start this masquerade.”
     Alam ni Lianne na mahihirapan siyang magpanggap na gusto niya ang itinuturing niyang mortal na kaaway, pero—
     Bahala na nga….

Right Here Waiting

By Asia Almar

     Malakas nga siguro talaga si Alamae kay Lord. Akalain ba niya, isang panalangin lang, isang guwapong mama na ang naabutan niya sa kanyang store. At wala iyong iba kundi ang kanyang asawa na nilayasan niya two years ago. Sa kabila ng panahong lumipas, para pa rin siyang isang schoolgirl na naggo-glow kada magtatama ang mga mata nila ngayon.
     Hindi malinaw kay Alamae kung ano ang pakay ni Dean sa pagbabalik nito sa buhay niya, pero natatakot siyang magtanong. Mauungkat kasi ang masakit na nakaraan at hindi rin niya alam kung pabor ba sa kanya ang isasagot ng asawa.
     However, her heart betrays her. Kahit kasi lumipas na ang dalawang taon, wala pa rin siyang ibang gustong mahalin kundi ang kanyang estranged husband….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!