Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Meant To Love You

By Doreen Laroya

     Jordan leaned closer. “Mukhang bitter ka pa rin sa nangyari sa atin.”
     “Of course not!” sagot ni Erin. “It’s been twelve years. Hindi ko na nga matandaan ang nangyari.”
     Liar, said a small voice inside her head.
     Tumaas ang isang kilay ng binata. “So ibig sabihin, napatawad mo na ako?”
     “Yes!” She tried to sound casual.
     “And we’re back to being friends?”
     Ah, ibang usapan na iyon. “I don’t understand why we have to be friends. I’m just a mission to you.”
     Oras na mawala na ang threat sa buhay ni Erin, muli siyang iiwan ng binata, katulad ng ginawa nito twelve years ago.
     Totoong napatawad na niya si Jordan. Pero hindi ibig sabihin niyon na nakalimot na siya….

Sexy Love Lessons

By Darla Domingo

     Umay na umay na si Corinne sa hirap ng buhay. A good career with a good pay—iyon lang naman ang wish niya sa buhay, pero tila kay ilap ng pagkakataon sa kanya.
     Until one fine day, life sends her Lance del Mundo—an ultra rich, ultra handsome, ultra yummy guy who offers to mentor her toward better finances. At sino ba naman siya para tumanggi? Bahala na kung ano ang kapalit. Ang mahalaga ay makuha niya ang kanyang dream life.
     Ngunit kasabay ng pagkatuto niya ukol sa financial matters ay siya ring pagkatuto ng puso niyang mahalin si Lance. Paano na kung ang tingin sa kanya ng binata ay isa lamang ‘project’? Kakayanin kaya ng powers ni Corinne na ang lalaki naman ang turuan na mahalin din siya?

Santan On Her Doorstep

By Darlene Bollon

     Man-hater si Ley. As in sobra ang ngitngit niya sa mga lalaki kaya hanggang maaari ay hindi siya tumatanggap ng empleyadong lalaki sa kompanya niya.
     Ngunit isang umaga, nagulat na lang ang dalaga nang madatnan ang isang guwapong hombre sa kanyang bakuran—si Draven. Ito pala ang horticulturist na inupahan ng kanyang pinsan. Dahil wala nang magagawa, tinanggap na rin niya ang sitwasyon kahit na nagngingitngit sa kalahi ni Adan na masyado ring bilib sa sarili.
     Pero napapansin ni Ley, panay ang sulpot ng mga bulaklak na santan sa harap ng pinto niya kada umaga mula nang magtrabaho si Draven sa kanilang bakuran.
     Isa pang misteryo ang dumadalas na pagdalaw ng lalaki sa mga panaginip niyang maiinit at puno ng romansa….

Tell Me To Stay

By Dior Madrigal

     Hindi uubra ang pagtatago, iyon ang conclusion ni Emma sa all-nighter discussion niya sa sarili. Kailangang harapin nila ito ni Dominic bilang mature adults. May attraction sa pagitan nila, obvious iyon. Ice King man o emotionally challenged, God’s answer to women’s prayers din ang lalaki. Medyo naging close sila dahil sa anak nito na siyang inaalagaan niya. At sila lang tatlo ang nasa resort na ito. Siyempre plus one thousand points ang sitwasyon nang nakaraang gabi. It was too much of a cliché she could puke.
     Yes. Iyon lang nga iyon. Sa kabila ng nangyari, sigurado si Emma na kaya niyang manatiling professional at maging masunuring employee sa kanyang employer na mukhang every female’s wet dream at walang habas na nagpaparamdam sa kanya na gusto rin siya nito….

Falling For Amanda

By Anna Chavez

     Clifford must marry his fiancée at all cost. Bukod sa mahal niya ito, heredera rin si Tanya at anak ng isa sa pinakamayayamang negosyante sa bansa at malaki ang maitutulong nito para maligtas ang kompanya ng kanilang pamilya mula sa pagkalugi.
     Kaso may kahilingan ang kapritsosang dalaga bago ito pumayag na pakasal sa kanya. Gusto ni Tanya, paibigin niya at pagkatapos ay ibasura ang babaeng labis nitong kinaiinisan—si Amanda. Dahil sa tindi ng pangangailangan, pumayag siya.
     Pero si Amanda ay may lihim na kagandahang hindi nakikita ng iba na unti-unti niyang nakita. Paano ngayon pipigilan ni Clifford ang sarili na mahulog sa babaeng nilalait ng lahat dahil sa parang manang nitong hitsura?

Till The End Of Time

By Dani Alba

     Stress ang dala kay Kristine ng lalaking ipinakiusap ng kanyang ama na patirahin niya sa kanyang bahay. May hinala siyang lihim na nagmamatyag si Gil para sa kanyang overprotective na ama. Bakit kasi kailangan pa nitong makitira, eh, obvious namang may-kaya ito.
     Pero kung bodyguard talaga niya si Gil, hindi ba dapat parati itong nakabuntot sa kanya? Ngunit hindi ganoon ang nangyayari; nagpapakita lang ang binata kung kailan nito gusto. Ang mas nakakainis, madalas niyang hanapin ang lalaki kapag wala ito.
     Hindi maka-get over si Kristine sa katotohanang may estranghero sa katabi niyang kuwarto: isang arogante—never mind na saksakan ng guwapo—na estranghero!

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!