Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

My California Wish

By Doreen Laroya

     Hindi alam ni Rebecca kung ano ang mali sa relasyon nila ni Trevor. Basta’t isang araw ay sinabi na lamang nitong ayaw na nito sa kanya.
     Ngunit sa isang iglap ay nagbago ang buhay ni Rebecca at kagagawan iyon ng isa niyang kaibigan. Gayunpaman, parang gusto niya itong pasalamatan dahil nagmistulang blessing in disguise ang problemang dulot nito. Nang manganib kasi ang buhay niya, napilitan siyang lumapit sa dating nobyo.
     Pero hindi niya alam kung matutuwa o malulungkot. Taliwas sa unang inakala niya, malinaw na apektado pa rin si Trevor ng kanyang presensya. Ngunit parang ayaw na nitong maramdaman iyon. He seemed to have built an anti-Becca wall around him.
     At nasasaktan siya roon.

A Stranger In Romania

By Darlene Bollon

     Sa tingin ni Amor, kalokohan ang dahilan ng ama na gusto nitong makasama siya kaya siya pinapapunta ng Romania. Bakit kung kailan tumanda siya? Ang mas absurd pa, ang bago nitong asawa ay ginagawa ang lahat para magkita silang mag-ama.
     Nalilito man, mabilis siyang lumipad patungong Bucharest.
     Habang naglilibot sa isang lumang kastilyo, ang Bran Castle na tinatawag ding Dracula’s Castle, isang misteryosong lalaki ang nakatitigan niya. At para siyang kandilang itinulos sa kinatatayuan at napamaang na lang.
     Maputi, guwapo at kulay abo ang mga mata ng estranghero. Masyado itong simpatiko, agad bumilis ang tibok ng puso ni Amor. Para siyang biglang nahipnotismo….

I Heart Venice

By Alexie Aragon

     Sa edad na tatlumpung taon ay wala nang balak pang mag-asawa si Vinny. Hindi naman siya man-hater. Dalawang lalaki lang ang nakasakit ng damdamin niya, kaya hindi niya idadamay sa galit ang kabuuan ng male specie. Pero hindi bale na lang, desidido na siyang maging single for the rest of her life. Niyakap na rin niya ang buhay na puno ng kalungkutan at pag-iisa sa Venice, Italy.
     Hanggang sa makilala niya si Rand Tancangco, ang ama ng tinu-tutor niyang bata. Na-realize ni Vinny na kaya pa pala niyang magmahal. At sumugal nga siya muli.
     Para lang muling masaktan nang aminin niya kay Rand ang kanyang sekreto at hindi iyon natanggap ng binata….

Love Trip Sa ’Pinas

By Joelle Madison

     Noon pa man, likas na talagang mahilig gumala si Irish. Kaya nga siya naging tour guide imbis na maging manager ng isang negosyo, gaya ng nais ng kanyang ama.
     Walang pagdadalawang-isip na tinanggap niya ang special assignment sa kanya ng amo. Gusto nitong ilibot niya at personal na asistehan si Mr. Gabriel Lawrence Arterton. Isa itong businessman na unang beses tatapak sa Pilipinas at balak umanong mag-invest sa kompanyang pinapasukan niya.
     Natulala siya nang makaharap ang guest niya. Ang hot pala ni Mr. Arterton! Natunaw yata ang puso niya pagkakita rito. Iyon nga lang, nuknukan din ng suplado, bossy at paimportante ang binata. Di niya tuloy alam ang gagawin dito—kung tatarayan ba at lalayasan, o nanakawan ng mainit na halik….

To Love Again

By Maristella Feliz

     “I just wanna say thank you. Ibinalik mo sa akin ang puso ko,” seryosong saad ni Mark. “Sana ikaw makapag-move on na rin. Unless makalimutan mo siya, your heart will never be ready for another love,” he added.
     “Bakit, ikaw ba naka-move on na?” usisa ng dalaga nang matagpuan na ang dila.
     “Magpapalipad-hangin ba ako sa ’yo kung hindi?” amin nito.
     Kung makahirit si Mark, parang talagang siya lang ang babae sa buhay nito; tila nalimutan na ang babaeng matagal na nitong mahal.
     Hold on to your sanity, girl, paalala ni Samantha sa sarili. Kailangan na talaga niyang mailabas ang saloobin dahil kung hindi, maloloka siya!

Rescue Me

By Asia Almar

     Matapos ang sunud-sunod na kamalasan sa buhay ni Cassie, nagdesisyon siyang lumipat ng tirahan. Inisip niya, iyon na ang simula ng bago niyang buhay, lalo pa nang makilala niya si Dwight, isang kapitbahay na half-American at half-Filipino. Bukod sa napakaguwapo, mabait din ang binatang pediatrician kaya agad siyang nagkagusto rito. At mukhang interesado rin sa kanya ang lalaki dahil palagi itong to the rescue kapag may problema siya.
     Kaso alam ni Cassie na ang isang healthy relationship ay dapat built on trust and truth. Pero natatakot siyang baka tuluyang maunsyami ang sisimulan pa lang nilang relasyon kung sasabihin niya kay Dwight ang totoo tungkol sa kanyang sarili….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!