Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

When I Met You

By Ramonna Alvarez

     Halos sigurado na ni Matt na walang mangyayari sa mga plano niya. Kahit pa fake girlfriend lang ang hanap niya at para lang sundin ang kondisyon ng tiyuhin bago siya nito bigyan ng pang-finance sa research niya, sa tingin ni Matt, importante pa ring magkasundo sila ng babae. But him and no-nickname Lilliput were poles apart; mukhang hindi uubra. Para itong puzzle na kailangan pa niyang i-figure out.
     And then she smiled. At mayroon siyang biglang natuklasan—ang curiosity niya sa dalaga ay tumawid na sa fascination. Parang gusto niya itong iuwi para pag-aralan.
     Iyon nga lang, hindi roon nauwi nang dalhin niya si Lilliput sa bahay. Kailan pa nangyaring may kasamang kissing at intimate touching ang research?

Pretend Girlfriend

By Eve Rodziewicz

     “Mukhang may pinoproblema ka yata,” pansin ni Ann sa kanyang boss.
     Agad na nagkuwento si Mike. “Darating si Dad at gusto niyang makilala ang girlfriend ko. You know very well na wala akong nobya ngayon. Irereto na naman niya ako sa anak ng mga kakilala niya. Ayoko ng gan’un, kaya ako naghahanap ng babaeng puwede kong iharap kay Dad as girlfriend.”
     “You mean a pretend girlfriend?”
     “Oo. Darating na siya in two weeks,” problemadong turan nito.
     Gustuhin man niyang mag-volunteer, hindi na iyon itinuloy ni Ann. Mahirap na, baka pagtawanan lang siya ni Mike.
     Ang sama lang sa pakiramdam na kahit kunwarian lang, hindi siya iko-consider ng binata na maging nobya nito. Maghahanap pa ito ng iba samantalang nandoon lang siya parati sa tabi nito.

Light And Shadow

By Dior Madrigal

     Tatlong klase ng babae ang kinaiinisan ni Cain Joseph Lorenzanas—iyong madaldal, iyong magulo, at iyong walang sense kausap. Si Mia Ballesteros lahat iyon.
     She’s beautiful, walang duda roon. At bagaman lalaki siya at mahilig sa mahulmang katawan ng babae, matagal na niyang napagtanto na eighty-five percent ng pagkakataon, inversely proportional ang ganda ng babae sa IQ nito. Case in point: Mia Ballesteros. Marami na siyang nakitang kagaya nito. Beautiful airheads. Bimbos. They’re only good for one thing: sex.
     So no, thanks. Kahit parang may sariling isip ang katawan ni Cain, sigurado siyang hindi siya interesado kay Mia.
     Pero habang tumatagal at mas nakikilala niya ang dalaga, lalo niyang nakikita na hindi ito mahirap mahalin. Mga bobo lang ang hindi makakakita ng magagandang katangian ni Mia.
     And certainly, hindi magiging presidente ng isang global financial services firm si Cain kung bobo siya….

Until My Last Breath

By Jade Anne Franco

     Akala ni Cassandra ay naka-move on na siya sa pathetic na pagkakagusto niya noon sa batang Mason Valdemoro. Ngayon, business partner na ito ng kanyang ama. Madalas pa rin silang magkita, pero nakakaya na niya itong ignorahin.
     Hanggang sa kung anong sugo ng pagkakataon ay biglang naisipan ni Mason na pagdiskitahan ang kanyang boyfriend nang minsang makita sila nitong naglalambingan. Parang sumumpa ang lalaki na hindi titigil hangga’t hindi sila napaghihiwalay. And the jerk was getting on her nerves.
     But, wait. Bakit nga ba ganoon na lang ang kagustuhan nitong layuan niya si Ryan? Sa naisip na sagot ay hindi malaman ni Cassandra kung kikiligin ba o matatakot.
     Mason always had power over her emotions, at ayaw na niyang maulit pang muli ang pagkawasak ng puso niyang noon ay hawak nito….

My Dream Wedding

By Rebecca Rosal

     Inabot ng mahabang panahon bago nagawa ni Darius na kalimutan ang kanyang ex-girlfriend at mag-move on.
     Kung kailan iniisip niyang perpekto na ang kanyang buhay, bumalik si Aliya na kabaligtaran na ngayon ng spoiled brat na dalagang nakilala niya noon. Na-realize niyang hawak pa rin ng babae ang isang bahagi ng kanyang puso.
     But he is getting married, and nothing—not even Aliya’s allure and bubbly personality—can stop his wedding.

The Italian

By Lisa Marie Rice

     Malapit nang mapasakamay ni Stefano Leone ang tagumpay nang mahuli ang isa sa pinakamapanganib na Mafia sa mundo. Palaging nakaamba ang panganib sa buhay niya, dahilan upang lagi siyang napalilibutan ng mga armadong guwardya. Ni wala na siyang oras na makipagniig man lang, lalo pa kung pag-ibig ang pag-uusapan. Ngunit isang nakabibighaning Amerikana ang nakalusot sa kanyang radar, at tuluyang nakapasok sa puso niya. Ang pinangangambahan niya ay kung totoo kaya ang pagtingin nito sa kanya, o ipinadala ito ng kalaban para akitin siya—o mas malala pa?
     Bakasyon ang ipinunta ng designer na si Jamie McIntyre sa Palermo, Sicily, kasabay ng pag-aaral tungkol sa sining ng lugar. Pangalawa lamang ang paghahanap niya sa dating law student ng kanyang lolo. Inasahan niyang ang matatagpuan ay isang nerd na naka-suit. Ngunit si Judge Stefano Leone ay napakalayo ng hitsura sa hinagap niya. Ito ang pinakamapang-akit sa lahat ng lalaking nakilala niya. Tila nahipnotismo siyang hindi nakatanggi sa nagtutumining nitong katauhan, at katawan.
     Nang umatake ang kaaway ni Stefano at mag-iwan ng trahedya sa buhay ni Jamie, kailangan niyang pumili—at nakasalalay ang buhay nito sa magiging pasya niya….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!