Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Giving Chase

Full Throttle (Book 1 of 4)

By Elise Estrella

     “Can I get you anything else?” tanong ni Sidney sa estranghero nang mapuna na pinagmamasdan siya nito.
     “Yeah,” sagot nito gamit ang malalim at napaka-sexy nitong tinig. “I need your help.”
     Pinilit niyang manatiling nakatingin sa lalaki kahit pa gusto niyang mamilipit sa magkahalong kilig at kahihiyan. Naisip niya, sana ay naging diyosa na lang siya at hindi ordinaryong waitress, para bagay sila ng mukhang Greek god na bumaba sa lupa.
     “Sure. What do you need?”
     Parang nahila siya ng berde nitong mga mata na nanatiling nakatutok sa kanya. “I need you,” anang estranghero, “to marry me.”

Adrenaline Rush

Full Throttle (Book 2 of 4)

By Elise Estrella

     Hindi sa man-hater si Charmaine, pero kahit pa si Cade na lang ang nag-iisang lalaki sa mundo, hindi niya ito papatulan. Mataas ang standards niya pagdating sa lalaki at wala sa listahan ng mga gusto niyang qualities ang pagiging playboy at takot sa commitment.
     Pero nalaman niyang nakipagpustahan ito para sa isang libong dolyar na maikakama siya sa loob ng isang buwan. Puwes, ano’ng masama kung bigyan niya ito ng pag-asa? Tutugunin niya ang pang-aakit ni Cade, magkukunwaring attracted din dito. She’d build his hopes up, maybe seduce him a little, play along. At sa oras na akala ng binata ay ibibigay na niya ang sarili rito, saka niya isasampal sa mukha nito ang one thousand dollars. Na pulos barya….

Rookie Mistakes

Full Throttle (Book 3 of 4)

By Elise Estrella

     Imbis na isang harmless crush, mainit at carnal na pagnanasa na ang nadarama ni Roxanne para kay Elliot Garcia. At hindi iyon ang plano. Hindi iyon ang ipinangako niya sa kanyang ama.
     Pero parang may nagsusuntukan sa dibdib niya. Sa red corner, si Roxanne na attracted kay Elliot, na alam na mabuti itong tao at hindi karapat-dapat na saktan. Sa blue corner, ang bahagi ng sarili na puno ng galit at pagnanasang maghiganti sa Hanaway Motorsports, kahit pa masaktan ang isang mabuti at minamahal na niyang lalaki….

Maximum Overdrive

Full Throttle (Book 4 of 4)

By Elise Estrella

     Eight years ago, noong nag-aaral pa si Bella Hanaway at si Jeff ay hamak na mekaniko pa lamang sa garahe ng tatay nito, sinundo niya ang dalaga nang masiraan ito ng kotse. At doon nagsimula ang isa sa pinakamasayang taon ng buhay niya—na sinundan ng walong taon ng hapdi.
     He is eight years older and a lot harder today, pero hindi nawala ang pagkagusto niya sa dalaga. Magiging masaya sana siya para kay Bella kung maayos ang lalaking dine-date nito, pero dahil hindi, sa tingin ni Jeff ay kailangan na niyang kumilos.
     He is going to have her again soon, iyon ang pangako niya sa sarili….

Stealing Hearts

By Sachi Bliss

     Dior wants to be a TV and film writer, but even with the nature of her job as the right-hand of a well-respected talent manager, hirap pa rin siyang mai-pitch man lang ang kanyang mga gawa sa mga major players sa industriya. Noon naman naglahad ng ex-deal ang kanyang boss, na nangakong tutulungan siyang mai-pitch ang mga gawa niya sa TV network executives, provided she serves as the temporary PA for an up-and-coming actor, Gavin Tenorio.
     Si Gavin na nag-uumapaw man sa kaguwapuhan, charm at di-inaasahang talento ay tila hindi naman nababagay sa mundong gusto nitong pasukin.
     Ni hindi ito nababagay na maging alaga niya, dahil umpisa pa lamang ay hindi na sila magkasundo….

Irresistible Sin

By Lynn LaFleur

     Si Griff Coleman na ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo, hanggang sa mapatay ng isang menor de edad na addict ang asawa niya sa isang nakawan sa bangko. Ngayon pagkatapos ng trabaho, ginugugol na lamang niya ang natitirang oras sa pag-iisa.
     Noon sinalpok ng makulit na si Emma Keeton ang buhay niya. Siya ang in-charge sa pagtayo ng restaurant kung saan magiging chef ang dalaga. Umaapaw ito sa sex appeal, at natutukso siya.
     Hindi interesado si Emma sa pangmatagalang relasyon. Ngunit nagbago ang pananaw niya nang lubusang makilala si Griff. Hindi na siya kontentong sex lang ang namamagitan sa kanila. Pero kailangang pakawalan ng lalaki ang nakaraan nito at tanggapin siya bilang bahagi ng buhay nito. Iyon lang ang paraan upang maghilom ang sugat at upang mahalin siya ni Griff gaya ng pagmamahal niya rito….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!