Posted on

Release For My Special Valentine!

Want to read the story teasers?

Withstanding Mireo

How Not To Be Seduced (Book 1 of 4)

By Kriss Dela Rocca

     Tahimik ang buhay ni Ayana sa Del Mar. May maayos siyang negosyo—ang Libretto, isang book store cum coffee shop. She was unnoticed until Mireo Wallgreen barged into her life and destroyed her solitude.
     Ginulo nito ang lahat-lahat sa buhay niya. She became easily irritated when it came to this charming hell of a temptation miner. Wala namang ginagawang mali si Mireo kundi ang magpa- charming sa kanya. Inaakit siya ng lalaki sa simpleng pagtitig lamang. Aminado si Ayana na unti-unti nang gumuguho ang defenses niya para sa guwapong binata sa kabila ng pangako niya sa sarili na hindi na muling magmamahal.
     She couldn’t withstand Mireo’s simple flirtations. She fell hard and hoped for a happy forever with him. Huli na nang matauhan si Ayana. She was already trapped in his web of lies and deceit….

Eluding Lohan

How Not To Be Seduced (Book 2 of 4)

By Ingrid De La Torre

     Atty. Lohan Lim was a notorious lawyer na mukhang nabuhay na stone sculpture ng isang diyos. He was cold, distant and fearless. Kinatatakutan siya ng lahat, until Suki entered the picture.
     Suki was a funny and carefree soul na tila may sumpa ng kalampahan. May kung ano sa dalaga na nakakuha ng kanyang atensyon. He just couldn’t leave her alone.
     Now, the notorious attorney had to go down on bended knee just to have little Miss Clumsy Suki’s heart. Pero paano niya gagawin iyon gayong malaki ang koneksyon niya sa madilim na nakaraan ng dalaga na nais na nitong ibaon sa limot?

Resisting Hudson

How Not To Be Seduced (Book 3 of 4)

By Sachi Bliss

     “It is not just dinner, Violet. I get to be with you.”
     Muli niyang sinubukang bawiin ang kamay mula sa pagkakahawak ni Hudson, pero hindi siya nito binitawan.
     “How is that beneficial for me, Hudson?” mahinang tanong niya.
     “You get to give someone, and yourself, a chance.” Nanigas siya nang hagkan nito ang sentido niya.      “A chance to try again?”
     “Try what, Hudson?” hamon niya, umaasang hindi siya tatablan ng pang-aakit nito.
     “I’ll show you what.” His smile made her senses rumble.
     Dapat talaga ay lumayo na siya sa binata noon pa mang malaman niya kung sino ito. But for the life of her, she just couldn’t will herself to do it….

Ditching Zayd

How Not To Be Seduced (Book 4 of 4)

By Dana Rivera

     One normal day, in her ugliest self to date, Audi met Zayd, instructor and owner of Barrameda Gym. Ang motto niya ay pagalingin ang sariling hapdi at ibalik ang kanyang dating waistline. Pero panggulo ng atensyon ang napaka-hot na si Zayd sa kanya.
     Hindi siya puwedeng ma-in love nang ganoon lang ulit, kaya panay ang kastigo niya sa sarili. Ngunit bombahan man niya ng kamalditahan si Zayd, natagpuan pa rin ni Audi ang sarili na nahuhulog ang loob sa lalaki.
     Okay na sana lahat, kaso nalaman niyang taken na pala ang puso ng binata. Ayaw niya ng patapon na pag-ibig, kaya ‘Operation: Ditch All Her Feelings Away’ ang drama ni Audi bago pa man tuluyang masaktan ang luka-luka niyang puso….

Never A Bride

By Mariflor Jose

     Single since birth si Frankie. Sa edad na thirty-two ay never pa siyang nagkaroon ng boyfriend. She was on the verge of being an old maid and was wondering when her Prince Charming would make an appearance in her life.
     Then, on the eve of her birthday, she met Chase Roxas. Nagkabungguan sila sa lobby ng hotel at na-love at first sight si Frankie sa binata.
     Sa isang iglap ay nagkaroon ng pag-asa ang kanyang love life. Pero aminado si Chase na dati itong playboy at hindi tiyak ng lalaki kung kaya nitong maging faithful sa isang babae.
     Tuloy, nalagay sa alanganin ang pag-asa ni Frankie na magiging bride din siya pagdating ng panahon….

Forever Yours

By Alesia Marquez

     “Wes, nakakakaba ka na. You look distressed. Parang hindi pa kita nakitang ganito kahit kailan,” ani Rain sa matalik na kaibigan.
     “Rain,” sambit nito bago humarap sa kanya, “masaya ka kay Liam, right?”
     Hindi siya agad nakasagot. Pakiramdam ni Rain, siya si Cinderella, at ang tanong na iyon ay parang chime ng orasan na nagsasabing twelve midnight na—hudyat ng pagbabalik niya sa totoong mundo. She was hoping that Wesley would take their friendship to a whole new level. But that was just a fantasy, an impossible fairy tale. Si Liam ang totoong mundo niya. Yes, si Liam—si William Carreon, ang twin brother ni Wesley… at ang boyfriend niya. Ito ang primerang dahilan kung bakit hindi niya puwedeng patuloy na mahalin si Wesley.
     Sa kabila ng lahat, napagtanto ni Rain na ganoon pa rin katindi ang damdamin niya para sa matalik na kaibigan….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!