Posted on

Release For My Special Valentine Presents!

Want to read the story teasers?

Surrender To Me, My Love

By Yumi Sagara

     “I don’t want your damned flowers!” derechong sabi ni Maia sa nakangising si Jerry.
     “Ano’ng masama d’on? Babae ka naman, hindi ba?” paalala nito sa mga hinala noon sa school na tomboy siya.
     “Kung inaakala mong makakadagdag ito sa pagkalalaki mo, nagkakamali ka. Loser ka pa din para sa akin!”
     “We’ll see about that,” hamon nito. He quickly wrapped his arms around her and gave her a hard kiss on the lips.
     Talo ako, amin niya sa sarili habang tinutugon ang halik ng binata.

So Wrong, So Right

By Doreen Laroya

     “I want to kiss you, Sam,” anas ni Kyle. His breath gently fanned her face.
     “W-we shouldn’t…” nagawang sabihin ni Samantha kahit parang binabayo ang dibdib niya.
     “I know, but I still want to do it anyway,” puno ng pagnanasang sabi nito.
     “A-ako rin,” pag-amin niya.
     Iyon lamang ang tila hinihintay nito. Kaagad na bumaba ang mga labi nito sa kanya at wala na siyang namalayan sa paligid niya. Kahit ang katotohanang magkaibigan lang sila at may ibang nagmamay-ari kay Kyle ay nalimutan na rin ni Samantha.

Ayoko Na Sana

By Dior Madrigal (writing as Angela Marquez)

     Tatlo lang ang misyon sa buhay ni Emily noon: mapasaya si Marco, makuha ang atensyon ni Marco, at maging proud si Marco sa kanya. Hanggang sa ma-realize niya kung gaano ka-pathetic ang sitwasyon niya. Para siyang nanlilimos ng pagtingin nito. So without a word, she left him.
     Ganoon na lang ang pagtataka ni Emily nang galit at panunumbat ang iniharap ni Marco sa kanya sa muli nilang pagkikita matapos ang limang taon. Hindi niya maintindihan kung bakit tila hindi nagustuhan ng lalaki ang pag-alis niya noon.
     Gustong isipin ni Emily na minahal din siya nito but it seemed impossible. Mas kapani-paniwala pang isipin na nasaktan ang ego nito dahil nagawang isawalang-bahala ng isang ordinaryong gaya niya, ang isang katulad nito….

Inosenteng Puso

By Elise Estrella

     “Ayokong mag-asawa, pero gusto kong magkaanak.”
     Nasamid si Nathan sa gulat nang marinig ang sinabi ni Bethany. Hindi nito marahil inisip na ang tulad niyang tila manang manamit ay may ganoon ka-liberal na plano sa buhay. “Bakit?”
     Pinagtaasan niya ito ng kilay. “Why not? I can be as good a provider as any man could be. Hindi porque nag-iisa ako, hindi ko na maaalagaan ang magiging baby ko. So okay lang sa ’kin na maging sperm donor lang ang kung sino mang magiging ama ng baby ko.” Napansin niyang natahimik si Nathan nang ilang sandali. “What are you thinking?”
     Sumilay ang marahang ngiti sa mga labi ng binatang boss. “I’m thinking that if you really want a sperm donor… ako na lang.”
     Muntik nang himatayin si Bethany sa narinig.

Bayarang Puso

By Satine Ortega

     “Gusto kong kunin ang serbisyo mo sa loob ng isang buwan,” malamig na deklara ni Nick. “Gawin na nating dalawa o tatlo kung hindi pa ako nagsasawa sa ’yo.”
     “Take your itch somewhere, Nick. Maraming babae ang gagawa ng gusto mo nang walang kapalit,” tiim-bagang na sagot ni Anna.
     “You don’t understand.” Umiling ito. “Ikaw ang gusto ko. Kaya samantalahin mo na habang nababaliw pa ako sa ’yo.”
     Naningkit ang mga mata niya. “You are a monster. Katawan ko lang pala ang gusto mo!”
     “Pera ko lang rin naman ang gusto mo so we’re even.”
     Mas simple nga siguro kung tama ang binata sa sinabi nitong iyon. Pero dahil ni hindi sumagi sa isip ni Anna ang pera noong una siya nitong inangkin, it made everything a lot more complicated….

Simply Irresistible

By Jade Anne Franco

    Matagal nang alam ni Rafael—dahil na rin sa karanasan niya—na peligro lang ang dulot sa kanya ng mga babae. Pero ang panganib na dulot ni Claire sa kanya ay kakaiba. She is a combination of an innocent and a tease, and she is killing every bit of sanity within him. Ang mas nakakainis pa, hindi niya magawang lumayo sa dalaga kahit pa gusto niya. Tuloy, isa na lang ang natitirang option niya: scratch his itch for this girl and get this over with.
    It is a two-way win. He will get her… and get his revenge, too.

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!